Chapter 40:Magical Fair(1)

7.3K 194 15
                                    


[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

"You can't escape! Dying is your fate!"

Napamulat ako ng mga mata ko habang naghahabol ng hininga. Bumangon ako mula sa kama ko at umupo. It's a bad dream.

Si Zhairo kasi eh,kung ano ano pinagsasabi sa'kin. Bwisit na lalaking 'yun,makutusan nga 'yun 'pag nasa tamang katinuan na siya. Hmpf.

Pagkatapos nung naging paghaharap--lels paghaharap talaga,namin ni Zhairo ay wala na'kong magawa kaya natulog nalang ako. Many thoughts are playing on my mind kaya siguro hanggang sa panaginip ay nagfaflashback ang sinabi ni Zhairo.

Napatingin ako sa bintana ng room ko, madilim pa. Haaay akala ko 'pa naman umaga na! Sabagay,aga kong natulog eh.

"Mamayang gabi. 'Pag nasigurado kong tulog na ang lahat."

Mabilis pa sa hangin akong lumabas ng dorm room ko. Shet anong oras na'ba? Nakaalis na'ba siya?!

Aminin ko man o hindi,nag-aalala talaga ako sa gagong Sync na 'yun. Wala e,ang tanga ko.

I ran out of the Girls' Dormitory kahit na hindi ko naman alam kung saan ko siya makikita. Saan nga 'ba? Nakaalis na 'ba siya? Hindi pwede,shit.

Halos takbuhin at libutin ko na ang buong W.A. Lahat ng lugar na alam ko dito sa eskwelahang 'to ay mabilisan kong pinuntahan. Nakaramdam na'ko ng pagod pero hindi ko na ininda 'yun.

Sync naman eh! You can't leave without me! Papatayin talaga kitang maligno ka!

"SYNC!" Sigaw ko nang makarating ako sa open field. Ang dilim dito kaya hindi ko panigurado makikita kung nandito ba si Maligno o wala.

Umalis na'ko sa open field at naisipan kong pumunta naman sa Students' Building. Nang makarating na'ko ay wala na ni isang estudyante, as expected.

Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagod. Daig ko 'pa nakipag-marathon ne'to. Takbuhin ko 'ba naman eh. Ang laki-laki netong school paano ko siya mahahanap?! Saka malay mo nakaalis ma siya!Aish!

Kahit na wala siyang pakielam sa'kin,may pakielam pa'rin naman ako sakanya. Lalo na sa mga seryosong bagay tulad nito. Oo tanga na kung tanga, but hindi ba'ko pwedeng mag-alala? Baka mapano siya dun. Ayokong isipin ang mga pwedeng mangyari sakanya doon, naiiyak nako.Waaah!

"MALIGNOOO!" I shouted again. Paulit-ulit lang akong sumisigaw habang papasok sa loob ng hallway ng students' building.

Ang dilim naman dito sa hallway na 'to. Parang pang-horror!Huhuhu.

Nakarating na'ko sa dulo ng hallway ng first floor ng walang ibang sinisigaw kundi 'Maligno' o di kaya'y 'Sync'. Damn! I'm really inlove with that man. Wala pa'ring ni isang bakas ng maligno na 'yon.Aish!

Sunod naman ay pumunta ako sa second floor. Madilim na naman!Hwaaah!

"Malignooooo!" Sigaw ko na nag-echo sa buong mahabang hallway. 'Pag ako namalat,sisipain ko 'yang junior mo Sync! Letse.

T-teka...

Junior?!

Saan ko naman nakuha yun?Eww gross! Xheila talaga,libog mo na! WAAAHH ANONG LIBOG? EEW! Napailing nalang ako,kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Ilang ulit ko 'pang sinigaw ang pangalan ni Sync pero wala talaga siya. Okay,last na. Sa third floor.

Bumuntong-hininga muna ako bago umakyat sa hagdan papuntang third floor. 'Pag wala siya doon,malaki na ang possibility na umalis na talaga siya. Kasi naman,di'ba sabi niya aalis na siya pag nasigurado niyang tulog na ang lahat? I'm sure naman na tulog na ang mga estudyante ngayon,malalim na 'rin kaya ang gabi. Hays.

School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon