SOM Epilogue

9.6K 255 20
                                    




[THIRD PERSON]

"Ayos na Sync. Pinapatawad na kita. Basta patunayan mong mahal mo'ko ayos na yun sa'ken. Yung mga nagawa mo noon? Wag mo ng intindihin yun. Past is past nga di'ba? Just... just stay with me." Xheila answered smiling.

"Fucking shit Xheila! Nasaktan na kita't lahat lahat but you're still willing to forgive me? Damn. Ang swerte ko. Ang swerte swerte ko sa'yo. Mahal na mahal kita Xheila. Hindi ko sasayangin 'tong chance na binigay mo." Sync answered.

Nagpalakpakan ang mga taga Haumea na nanunuod sakanila ngayon. Lahat ng estudyante ng W.A ultimo lalaki ay kinikilig sakanila.

Si Queen Imelda at Head Council ay napangiti nalang habang pinagmamasdan ang dalawa na noong una ay tinutulan pa nila.

Oo, sila ang dahilan kung ba't nagawa 'yon ni Sync kay Xheila kahit na mahal na mahal niya ito. Sabi kasi sa libro ng propesiya ay may nakatakdang prinsipe para kay Xheila kaya hindi talaga sila pwede.
But then, hindi pa pala buo ang libro. May isa pang page ang nawawala at kamakailan lamang nila iyon nabasa. Pagkatapos kasi ng war ay awtomatikong nabuo ang libro.

Nakasulat sa huling pahina na ang prinsipe ni Xheila ay si Zhairo. Dahil anak naman ito ni Queen Black Kate ay maituturing pa 'rin itong prinsipe. Noong una ay hindi pa maintindihan nina Queen Imelda at Head Council kung bakit si Zhairo dapat ang pakakasalan ni Xheila pero sila ring dalawa ang nakatakdang pumatay sa isa't-isa.

And then after reading the last page of the prophecy book, naging malinaw ang lahat.
Zeus wanted peace. Kaya akala niya, pag may nabuong pagmamahal sa dalawang nakatakda ay maititigil ang magaganap na war.
Nangyari naman ang masa propesiya. Minahal ni Zhairo si Xheila.
Pero ang tadhana nga naman talaga,oo. Mapaglaro eh. Biglang dumating si Sync. Si Sync na hindi naman talaga kasama sa libro pero nagmistulan pang bida. Siya ang naging prinsipe. Prince Charming. Siya ang minahal ng prinsesa.

Noong una ay ginagamit pa nina Queen Black Kate si Sync upang mapatay ng pasikreto si Xheila. Illusion lang ang lahat ng yon. Ang unang pagkikita nina Sync at Xheila sa harapan ng Wizard Academy ay purong ilusyon at panaginip lang.
Ganoon katinik gumalaw ang queen black. Ginagamit pa niya ang imahe ni Sync na kunwari pang papatay kay Xheila.

Marami mang mahahalagang tao ang nawala sa kanila,alam naman nilang may magandang plano para sakanila. Hindi naman nawala si Zhiya,alam nilang nandyan lang siya sa tabi tabi at pinagmamasdan ang kanyang iniwang pamilya.

"Huhuhu. Inggit ako." Nakangusong saad ni Collette na parang nagmamaktol pa. Napailing nalang si Jerr nang matapunan ng tingin si Collette na hindi sinasadya.

"Ang cute naman nung babaeng 'yun." Nakangiting saad ni Jerr sa sarili habang pinagmamasdan si Collette. Aba.

"Ano nga palang nangyari? Bakit ganito? Anong meron?" Pagtataka ni Sync saka pinalibot ang tingin sa paligid. Wala talaga siyang alam sa mga nangyari.

"Walang nangyari Maligno. Psh. Birthday ko nung 17, ni hindi mo man lang ako binati!" Panunumbat ni Xheila habang nakapout pa. Center of attraction pa 'rin sila ngayon dito sa Wizardouz Kingdom. Aba naman. Haha!

"T-teka? Tapos na ang kaarawan mo?" Gulat na gulat na tanong ni Sync. Ano bang nangyari? Bakit ang bilis ng lahat?

"Oo Maligno. Tapos na lahat. Tapos na ang birthday ko. Ang war. Tapos na." Malungkot na sagot ni Xheila sakanya na mas lalong nakapagpagulo ng isip ni Sync.

"Huh? Sabi mo walang nangyari tapos tapos na pala ang war?! What the fuck?!" Gulat na tanong ni Sync saka pinagmasdan ang buong Wizardouz Kingdom. Gulat na gulat talafa siya. Malamang,walang alam yan eh.

School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon