SIMULA
Nag-angat ako ng tingin sa orasang nakasabit sa pader. Alas dos na ng hapon, ibig sabihin ay kailangan ko ng umalis. Sa katunayan kanina pa ako hindi mapakali. Kaya naman dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at sinikop ang mga gamit ko. Nang masigurong maayos na ang cubicle ko ay tumayo na ako. Handa na akong umalis.
"Oh, alis ka na?" Napansin pala ako ni Joya, katrabaho ko.
"Ah, oo eh. Undertime." Sabi ko.
"Hindi ka sasama mamaya?" Pati si Aiko ay sumilip na sa cubicle niya. She's pertaining to the team's once a month fellowship dinner.
"Hindi. Sorry, emergency lang." Hingi ko ng paumanhin.
"Sayang naman."
"Mauna na ako."
Nagpaalam na ako sa mga kasamahan at boss ko. Kailangan ko na talagang makaalis. I have an appointment at 3:00 pm. Sana naman ay hindi gaanong traffic. Baka mahuli ako.
Pagkaalis ko ng building ay sumakay agad ako ng jeep sa may sakayan. Tatlong sakayan pa bago ako makarating sa pupuntahan ko. Medyo malayo pero sanay naman na ako, sa araw-araw ba naman. Ganoon talaga. Mahal naman kasi mag-taxi, pandagdag na rin 'yon sa araw-araw na gastusin sa bahay.
Limang minuto na lang alas tres na. Bumaba ako sa kanto at nagmadaling pumara ng tricycle papunta sa Morris. Medyo secluded kasi ang private school na ito at isa pa pawang mayayaman ang mga batang pumapasok, hatid-sundo ng mga sariling sasakyan.
"D'yan na lang po." Sabi ko sa driver at nag-abot ng bayad.
"Salamat po."
Mabilis ang bawat hakbang ko. Nako naman! Nakakahiya late na ako. Kung sana ay nakaalis ako ng maaga sa opisina. Ang kaso tambak ang gawain. Mahirap talagang maging book keeper pero ayos naman ang kita kaya go na. Tagatak ang pawis ko ng makarating sa Guidance Counselor's Office. Medyo inunat ko lang kaonti ang suot na blouse saka pinagpag ang suot kong itim na slacks.
Kumatok ako ng tatlong beses, huminga ng malalim bago marahang pinihit ang door knob pabukas.
"Ma!" Isang matinis na boses ang agad na bumati sa akin.
Napangiwi ako nang masilayan ang ayos ng anak ko. Tabingi na ang pig tails niya. Magulo ang buhok. Iyong uniporme niya papasa ng basahan. Ano ba naman ang pinaggagawa ng batang ito?
"Good afternoon, Ma'am." Bati ko sa Disciplinarian na si Misis Makabuhay. Tumango ito bilang paunlak. Umupo ako sa tabi ng anak ko.
"Good afternoon, Misis Roa." Panimula ni Misis Makabuhay. Pasimple naman akong ngumiwi sa tawag niya sa akin. "Pinatawag ka po namin dahil sa ginawa ng anak niyo."
Automatic na napatingin ako kay Laviña. Nagkakamot na ito ng batok, sign na guilty sa kung ano man ang ginawa niya. Hindi naman ito ang unang beses na pinatawag ako sa eskwela, pero ito ang unang beses sa bago niyang school at mukhang dahil pa may nagawa itong kasalanan. Noong kinder kasi itong si Laviña, palagi akong pinapatawag dahil sa maganda niyang performance. Proud na proud naman ako.
Binalingan ko si Misis Makabuhay. "Ano po bang ginawa ng anak ko?"
Sigurado naman akong kung may hindi man magandang ginawa ang anak ko ay hindi siya ang nauna. Mabait naman si Laviña ang kaso lang palaban. Hindi nagpapaapi. She knows how to carry herself. I taught her that lalo na at hindi ako palaging nasa tabi niya. Mahirap ang sitwasyon namin. I have to work kaya madalas ko siyang naiiwan. Sometimes I bring her to work kapag walang mapagiwanan.
"Nanuntok po ng kaklase ang anak niyo."
Napakunot ang noo ko. Bakit naman iyon gagawin ng anak ko? Gusto kong umalma pero nakinig muna ako sa iba pang detalye.
"Sandali lang po, ah." Si Laviña naman ang binalingan ko. Alam kong kaya ngang manuntok ng anak ko but I am sure hindi ito basta-basta mananakit kung walang dahilan.
"Anak, sabihin mo sa akin anong nangyari."
"Eh kasi naman po si Aris inaway ako. Sabi niya pangit ako wala pa akong papa. Tapos tinago niya iyong crayons ko." Papaiyak na ito. Namumula na ang pisnge at ilong niya.
Sinasabi na nga ba!
"So what do you suggest po? Malinaw naman po na pang bu-bully iyong ginawa noong bata sa anak ko kaya nga niya ito sinuntok." Kumukulo talaga ang dugo ko kapag anak ko na ang na-aagrabyado. Hindi ko naman ko-konsentihin ang ginawa ng anak ko pero sana lang ay patas.
"We do not tolerate this kind of behavior po. Unfortunately, apo po ng may-ari ng school na ito ang sinuntok niya." Sabi pa ni Misis Makabuhay.
Nagpantig ang tenga ko. So dahil apo ng may-ari ay aapihin na nila ang anak ko? Ganoon?
"Sa katunayan nga po ay nandito ang parent ng sinuntok ng anak ninyo. Kailangan niyo muna pong mag-usap saka kami gagawa ng legal action."
Napabuntong hininga ako. Hindi naman siguro nila papatalsikin ang anak ko dahil lang doon. Isa pa, hindi ang anak ko ang nauna. At kung gagawin nila iyon hindi ako magsasawalang kibo.
May kumatok sa pinto.
"Come in." Sabi ni Misis Makabuhay.
Isang babae ang sumungaw mula sa pinto. "Nandito na po ang parent ni Aris." Sabi nito. Napatuwid naman ako ng tayo.
"Let them in." Utos ni Misis Makabuhay.
Tumango ang babae at nilakihan ang siwang ng pinto saka tumalikod. Unang pumasok ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Laviña. He looks neat with his well ironed uniform. Mukhang hindi man lang nagusot sa paglalaro. Ito na siguro iyong Aris. Sa mura nitong edad ay mababakas ang pagka-arogante nito. Gwapong bata pero mukhang salbahe. Spoiled brat. Nako, makukutosan ko 'to.
Bumaling ang tingin sa akin noong bata. Aba at tinaasan pa ako ng kilay. Nang tumingin naman ito sa anak ko ay ngumisi. Hindi na ako magtataka kung bakit nasapak ito ng anak ko.
Ki bata-bata may attitude na. Anong karapatan niyang sabihing pangit ang anak ko?! Umupo ang bata sa katapat na upuan ni Laviña.
My gaze move back to the door when I heard footsteps. Ito na siguro ang magulang nitong Aris. Pagsasabihan ko talaga ang magulang niya. Naniniwala kasi ako na kung may mali sa pag-aasal ng bata ay ang magulang ang may pananagutan. No good kid would say bad sa kapwa niya bata. Pumasok ang isang matangkad na lalaki. He is wearing a freaking suit like those big bosses of a big company.
Napadako ang tingin ko sa mukha niya. He looks familiar... No, not just familiar!
Nanlalaki ang mga mata ko panigurado sa gulat nang mapagsino ito. Napaawang pa ang bibig ko. Si... Si...
"Good afternoon Mister Ricaforte." Bati ni Misis Makabuhay.
Para akong tinapunan ng malamig na tubig. I caught my breath. Dapat ay mamanhid ako pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Kinakabahan ako, pero b-bakit naman ako kakabahan?
Simple, because standing in front of me is none other than, Ludwig Ricaforte, my ex.
Sa mga oras na ito isa lang ang pumasok sa isip ko...
He has changed.
I can't help but stare as he walk towards my direction. His head is held high. There is indifference in his eyes. I froze as I felt my heart clenched.
Bumalik sa akin ang lahat. In a span of a minute bumuhos ang mga alaalang gumugulo sa akin madalas tuwing napagiisa ako o sa gabi. My chest tighten even more like a hand is squeezing it.
Ludwig Ricaforte, the man I loved who I left years ago. Seeing him for the first time after years still hurts. Mas lalo kong napagtanto kung ano iyong iniwan ko... ang sinayang ko. But come to think of it, what happened in the past lead us to where we are now.
Napabaling ako sa batang lalaki. He has a son. I turned my eyes to my girl, my daughter. I have a daughter. So what happened in the past was just right.
"This is Misis Roa, Sir. Mother of Laviña Roa." Pagpapakilala sa akin ni Misis Makabuhay.
I swallowed the invisible lump in my throat. In my private thoughts I have imagine and rehearsed a lot of times if I see him again. But right now, I can't even afford a smile.
Masakit parin pala.
BINABASA MO ANG
Take Me Back
General FictionUnlike other people, Clarke chose to tell Ludwig her reasons and made him understand why she has to let him go. She does not want to end up like in those cliché stories where ex lovers would hate and hurt each other. She left. Years later they still...