Chapter 8

2.7K 73 2
                                    

CHAPTER 8


"Boss, pwede po bang iba na ipadala niyo?" Kanina pa ako nagmamakaawa kay Boss Vicki. Hindi niya pa rin ako pinapakinggan. Hindi lang naman ako qualified para sa trabahong iyon. May mas matagal pa sa akin at mas marami nang alam at karanasan.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Clarke? Grasya na yan, aayaw ka pa? Bakit ba ayaw mong tanggapin, ha?" Pinamewangan niya ako at hinarap.

"Eh, kasi..." Kompanya yon ng pamilya ni Ludwig! Pero syempre hindi iyon ang sinabi ko.

Bumuntong hininga ako.

"Mas gusto ko po iyong trabaho rito." Nag-cross finger pa ako na tanggapin niya ang rason ko.

Nalaglag naman ang panga ni Boss Vicki. "Jusko naman, Clarke, be practical. Mas malaki ang pasahod doon, mas maraming benefit, and lastly, hindi mo na kailangang makipagpatentero sa daan."

"Pero, Boss..."

"My decision is final and irrevocable. Be there before 8:00 am. Don't disappoint me." She said with finality.

Hindi ko na nga nabago ang isip niya. Kaya naman kinabukasan para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sariwa pa sa akin ang nangyari noong birthday party ng anak ni Miguelito. He clearly said na "keep your distance".

Sa sobrang kaba ko 6:00 am pa lang nandito na ako sa Ricaforte Liquors. Isang oras na akong naghihintay. Si Stevan tuloy ang maghahatid kay Laviña. Alangan pati bata idamay ko pa sa pagka  early bird ko. Kulang pa ako sa tulog. Ano ba naman itong napasok ko?

Kung hindi ko lang talaga nakita ang galit sa mga mata ni Ludwig noong nakaraan, iisipin kong siya ang may pakana nito. Kung kailangan nila ng employee pwede naman siguro silang mag-hiring na lang. Hello? Ang laki kaya ng kompanya nila. Imposible talaga, eh!

"Miss Clarke Roa?" Tawag sa akin ng taga HR department.

Nagtaas ako ng kamay.

"Follow me, please." Sabi niya.

Agad naman akong tumayo kahit na nginginig nginig ang tuhod ko. Jusko, para akong bibitayin.

Nakakapagtaka talaga ni wala man lang interview portion. Hired agad. Kung mga kasamahan ko naiinggit sa akin, ako gusto kong umayaw. Kaso pag hindi raw ako tumuloy "you're fired" naman ako ni Boss Vicki. Ang hirap kaya humanap ng permanenteng trabaho ngayon. Basta, masama talaga ang pakiramdam dito.

Ini-orient muna ako ng taga HR at pina feel out ng personal data sheet sabay hingi ng mga requirements na dala ko naman. Binigyan din ako ng ID pagkatapos pumirma ng contract. Empleyado na talaga ako rito. Wala na akong kawala.

Paano na lang kung makasalubong ko ang isa sa pamilya o kamag-anak ni Ludwig na kilala ako? That would be awkward kahit na wala naman silang sama ng loob sa akin. Wala nga ba? Paano kung si Ludwig mismo ang makasalubong ko? Mahihimatay ako.

"Let's go, Miss Roa?" Nakangiting paanyaya sa akin ni Denselle, ang nag-orient sa akin.

Ngumiti ako ng pilit. Baka sabihin niyang nag-iinarte ako. Ako na ang binigyan ng trabaho tapos aarte pa.

Papalapit na kami sa sinasabi niyang Administration Department. Paulit ulit ang pepeng dalangin kong mapagtagumpayan ang araw na ito.

"Nervous?" Nakangiting tanong sa akin ni Denselle.

"Slight." Nahihiya kong pag-amin. Kahit naman siguro hindi ko sabihin, makikita sa itsura ko.

"That's fine. Masasanay ka rin." Pagpapagaan niya ng loob ko. Kung alam niya lang bakit ako kinakabahan.

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon