Chapter 6

2.5K 65 0
                                    

CHAPTER 6

Lud, kausapin mo naman ako.” I knocked again outside his door.

“Please?”

Alam kong nasa loob lang siya and he is being hard. Naiintindihan ko naman siya, eh. Hindi lang siya ang nahihirapan. If only I had the choice. "Oh girl you have a choice. Maarte ka lang talaga." Buska ng isipan ko. Yes, I have the choice pero that would be selfish. Isa pa, who knows? Baka hindi rin magwork kalaunan di ba?

“I’m sorry.” I held my tears.

“Kung handa ka na, please mag-usap tayo.” I said in defeat. Napabuntong hininga na lang ako.

Ilang araw na lang aalis na ako. Ayokong umalis na hindi ko naayos ang sa amin. Yes, I broke up with him, but I don’t want to ruin what we had. Hindi naman kailangang itapon ang pinagsamahan namin.

Oo, nakipaghiwalay ako at aalis, but in my heart umaasa akong hihintayin niya ako. Na may babalikan pa ako. Na ako pa rin sa huli. Hindi naman siguro masamang umasa. Naniniwala kasi ako ‘kung kami, kami parin sa huli. Pero paano kung hindi?

Paano nga kaya?

“Hoy! Natulala ka na dyan.”

I was dragged out from my reverie nang isang hampas.

“Aray naman, Pina.” Reklamo ko. Hindi ko man lang napansin nasa tabi na pala namin siya ni A.

“Ang galing talaga. Magkaibigan pala kayo nitong si Agripina.” Natutuwang sabi ni A.

“Shut up, Arthuria.” Inirapan ni Pina ang kaibigan.

Natawa naman ako. At least may kasama ako rito habang naghihintay at nagbabantay.

“If you don’t mind, Clarke…”

Nabaling ang atensyon ko kay A.

“Nasaan ang father ni Laviña?” Hindi naman siya mukha sumasagap ng tsimis. Curious lang siguro. Hindi naman iyon maiiwasan.

Huminga ako ng malalim. Madalas naman akong tanungin tungkol dyan pero mahirap pa rin pala humanap ng isasagot.

“Nasa paligid lang.”

Kumunot ang makinis niyang noo. “Does he know? Alam niya ba that you have a daughter?” Concern niyang tanong.

Umiling ako. Ayaw ko sanang palalimin pa ang usapan tungkol doon.

“Hindi, eh.”

Hindi naman na nangulit si A. Naiintidihan niya siguro na hindi ako comfortable na pag-usapan.

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon