CHAPTER 5
Matiwasay ang weekdays ko na siyang ipinagpapasalamat ko. Heto Sabado na ngayon. Inaayusan ko si Laviña para sa birthday party ng anak ni Miguelito. Nakabihis na si Laviña ng Tinkerbell costume niya.
Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Bagay sa kanya ang maikling berdeng dress dahil sa malaman niyang hita. Sobrang puti pa niya.
"Oh ayan, 'nak, ang ganda-ganda mo na lalo."
"Syempre, naman, ma. Mana ako sayo." Pambobola niya.
Kinuha ko na ang shoulder bag ko. Isinarado kong mabuti ang bahay bago umalis. Nakasalubong ko si Stevan na nag da-dumbbells.
"Aalis kayo?" Tanong niya.
"Oo. Birthday ng kaklase ni Laviña."
"Ganda natin, pare, ah." Nag-apir pa si Stevan at Laviña.
"Syempre naman."
"Hatid ko na kayo." Alok ni Stevan.
"Nako, wag na."
"Wag ka na nga tumanggi. Nakakahiya naman kung mauusukan lang itong kumpare ko. Eh, ang ganda ng ayos."
I rolled my eyes. Friend kasi itong si Laviña at Stevan simula nang lumipat kami rito two years ago. Madalas ko kasing iwan noon si Laviña kay Lola Pasing kung hindi pwede kay Tratra.
"Sige na, ma." Pamimilit ni Laviña.
Hindi ako nakapalag. Nauna na sa sasakyan ni Stevan ang anak ko. Minsan talaga makapal ang mukha ng batang ito.
"Saan ba kayo?" Tanong ni Stevan habang binubuhay ang makina ng kotse niya.
Sinabi ko ang address nila Miguelito. Nasa isang pribadong subdivision ito.
Habang nasa byahe ay nag-uusap at nag-uutuan ang dalawa. Paminsan-minsan ay nakikisali ako. Mabait naman itong si Stevan minsan lang ay epal. Seaman siya at anak ng panganay ni Nanay Pasing. Kay Nanay Pasing siya lumaki kaya kapag hindi ito sumasampa ng barko ay nasa apartment siya. Wala na rin kasing kasama si Nanay Pasing.
Nakarating din kami sa wakas. Puro mararangyang bahay ang nasa paligid. What do you expect? Mayayaman at propesyunal ang mga nakatira dito. Huminto kami sa kulay pulang gate. Excited na bumaba si Laviña.
"Salamat talaga, Stevan. Naabala ka pa tuloy." Sabi ko.
"Sus. Wala 'yon."
"Laviña, magpaalam ka na kay Tito Stevan mo." Tawag ko sa batang gusto ng pumasok at sumali sa party.
"Ba-bye po!" Jolly siyang kumaway.
"Paano, Stevan, pasok na kami."
"Teka, baka gusto niyong daanan ko na lang kayo kapag uuwi na kayo?"
Kumunot ang noo ko.
"May pupuntahan kasi akong kaibigan. Naisip ko na pwede ko kayong daanan." He added.
"Hindi na, Stevan." Of course, tumanggi na ako. Ginawa ko namang driver iyong tao.
May sasabihin pa dapat si Stevan kaya lang ay may bumusina ng malakas sa likod ng sasakyan niyang nakahinto.
"Sige, Stevan. Salamat ulit."
Wala na siyang nagawa kung hindi ang kumaway habang pabalik sa loob ng kotse niya. Hinintay ko muna siyang makaalis bago pumasok. Huminto sa tapat namin iyong bumusinang sasakyan. Bumukas ito at bumaba ang spoiled brat. Invited din sigurado ito. Kinabahan na naman ako, baka nandito rin ang ama niya. Kailangan bang siya palagi ang maghatid sa anak niya? Wala ba siyang tiwala sa mga driver nila? Marami ba siyang oras?
BINABASA MO ANG
Take Me Back
General FictionUnlike other people, Clarke chose to tell Ludwig her reasons and made him understand why she has to let him go. She does not want to end up like in those cliché stories where ex lovers would hate and hurt each other. She left. Years later they still...