Chapter 3

5.2K 144 13
                                    

CHAPTER 3

Sa sobrang tahimik naming dalawa nai-imagine ko na ang tunog ng mga kuliglig. Natatakot nga ako na baka dahil sa katahimikan ay marinig niya ang kumakabog kong dibdib.

Please, heart, be still. Halos magka-stiff neck na ako. Kanina pa kasi ako nakaharap sa bintana. He don't seems to mind though. Tinanong niya lang ako kung saan ako papunta and that's it.

Parang kahapon lang umaasta siyang hindi ako kilala. Now, I am in riding his car. Seriously? Ironic! Life is ironic.

I cleared my throat. Nanunuyo na kasi. Feel ko nga panis na ang laway ko. Nag-aalburoto naman ang kalooban ko. Hindi talaga ako komportable.

Why did he even insist na ihatid ako? Up until now hindi ko pa maproseso that after several years ay magkikita pa kami. I mean, he moves in a different world than mine, noon pa man. I never thought our paths will cross again but I know it's inevitable. Hindi ko lang talaga inasahan na sa ganoong tagpo.

Binalingan ko siya ng tingin, diretso lang sa daan ang tingin niya. I badly want to ask something ang kaso ano naman? Dapat ko ba siyang kamustahin? Will he be civil? Ito iyong iniiwasan ko eh. Iyong mapuno ako ng tanong that I can never find the answers.

"Galit ka ba sa akin?" Finally, I managed to ask.

He did not respond.

Awkward.

"Why would I?" Tanong niya and glanced at my side after a moment of silence.

"W-wala lang. Ang sama mo kasi makatingin." I tried to laugh. Nagtunog hilaw lang tuloy. Gusto ko na lang mag face palm.

Bakit naman kasi siya magagalit di ba? In fact, ako pa nga yata dapat ang magkimkim ng galit but that would be childish. Matagal na iyon. Besides for the last years I have continuously conditioned my mind to be sport. No hate feelings.

'Weh?' Ayan na naman ang atrimida kong isip.

I sighed.

Binalot na naman kami ng katahimikan. Lalo lang akong naging uneasy. Napapansin ko kasing paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin. Pinagpapawisan ako kahit malakas naman ang aircon. Panay lang ang buntong hininga ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas makita ko na ang building ng opisina namin. Feeling ko talaga mga isang araw na akong nakaupo sa sasakyan niya.

"Diyan na lang." Sabi ko habang itinuturo kung saan siya pwedeng huminto. He pulled over.

"S-salamat." Sabi ko before opening the door on my side.

Ang awkward lang talaga. Bago ako tuloyang bumaba tiningnan ko muna siya at nagsalita, "Sure ka hindi ka talaga galit?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Napabilis tuloy ang pag-ibis ko. Nagmamadali akong pumasok sa opisina. Sinalubong ako ng nagtatakang tingin ng mga kasamahan ko.

"Oh anong nangyari sayo teh?" tanong ni Aiko.

"Ha? W-wala. Late na kasi ako kaya napatakbo ng konti." Sagot ko.

Tinungo ko ang cubicle ko pagkatapos mag time in.

Buong araw akong lutang na hindi naman dapat dahil marami akong gagawin. Mabuti na lang umalis ako at doon sa BIR tumambay para mag-asikaso ng mga papales ng kliyente. Kahit papaano ay naging busy. Biglang tumunog ang cellphone ko. I fished for it inside my bag.

Pina calling...

Sinagot ko naman ito. "Oh?"

"Girl!" High pitched nitong bungad. Hindi halatang excited.

Take Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon