CHAPTER 4
"Good morning people!" Energetic na bati ni Tratra nang makapasok sa apartment namin.
"Good morning, ate." Bati naman ng anak ko. Kasalukuyan kong sinusuklay ang buhok niya.
Linggo ngayon at magsisimba kami. Sasama naman sa amin si Tratra. Umupo siya sa maliit naming sofa.
"Tra, kamusta na pala ang mommy mo?" Bigla kong naalala. Parehong OFW ang mga magulang niya. Balita ko ay naaksidente raw ang mommy niya.
"Maayos na po. Nothing major naman daw. Nakausap ko siya kagabi." Sagot niya.
"Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon."
Tinapos ko na ang pag-aayos kay Laviña. Off we go. Sumakay kami ng tricycle papuntang simbahan.
Matapos ang mahigit tatlong oras matiwasay na natapos ang simba. Balak naming kumain sa labas. Isasabay naman namin ang pagbili ng kakailanganin ni Laviña sa school. Hindi na sumama sa amin si Tratra. May school activity daw ito.
"Bye, Lavi. Mauuna na ako, Ate." Paalam nito.
"Mag-iingat ka." Bilin ko.
Sumakay na kami ng jeep papunta sa mall ni Laviña. Excited naman siya parang hindi kami galing dito kahapon. Naipilig ko na lang ang ulo ko nang maalala ang tagpo kahapon.
Doon kami kakain sa bubuyog na pula. Nangako kasi ako kay Laviña.
Pagkatapos naming kumain ay diretso kaming NBS. Kailangan kasi ng art materials ni Laviña para sa project niya. Mabuti na lang talaga at may sahod na. Pumasok kami at nagtungo sa school supplies. Nilabas ko naman ang checklist na si Laviña mismo ang gumawa.
"Uy, Arth!" Narinig kong tawag ni Laviña sa isang batang lalaki na nakasalamin. Kaklase niya siguro. Madalas niya kasing mabanggit ang pangalang iyon. Mukha namang mabait na bata hindi kagaya ng anak ni Ludwig. Lumapit ang bata sa amin.
"Arth, Mama ko." Tinuro ako ni Laviña. Bumaling naman sa akin si Arthur.
"Good afternoon, po, Ma'am." Magalang na bati noong bata.
Very good! Hindi kagaya noong Aristotle.
"Ako po si Arthur Lohan Damascus." Pakilala niya sa sarili. Teka, Damascus ba kamo?
"Anong pangalan ng Daddy mo?" Tanong ko, medyo nagtaka ang bata sa tanong ko pero sumagot naman siya.
"Lohan Miguelito po." Sagot niya.
Nagulat naman ako sa nalaman. What a surprise! Lohan is my friend in college. Ang huli kong balita ay doctor na ito.
"Kilala niyo po ang daddy ko?"
Tumango ako.
"Nice." Komento pa ni Laviña.
"Clarke?" Ani ng isang baritonong boses.
"Miguelito?" Tanong ko sa lalaki na kalalapit lang.
"Small word." Sabay pa naming sabi. Nagkatawanan kaming dalawa.
"Anak mo?" tukoy niya kay Laviña.
"Yep. This is Laviña. Classmate sila ng anak mo."
"Talaga?" Halatang na surpresa rin ito. "So, anak mo pala ang palaging kinukwento nitong si Arthur."
Nauwi kami sa kumustahan at kwentuhan sa mga buhay buhay namin habang namimili ng gamit. Parehas lang naman pala ang bibilhin namin. Natigil lang kami nang may eksaheradang tumikhim.
I frown.
"Lud?" Usal ni Miguelito. Kinabahan agad ako, just the mere mention of that name. Isang Lud lang naman ang kilala ko.
BINABASA MO ANG
Take Me Back
Ficción GeneralUnlike other people, Clarke chose to tell Ludwig her reasons and made him understand why she has to let him go. She does not want to end up like in those cliché stories where ex lovers would hate and hurt each other. She left. Years later they still...