CHAPTER 7:

5.1K 41 14
                                    




Dahil sa pag labas ng aking katas ay nanlambot ang tuhod ko kaya't kahit nag salita na ang mga matang naka dungaw ay hindi pa rin ako natayo.

Lumabas sa pinag tataguan nya ang mga mata. Tama nga ako't kilala ko ang isang 'to.

"Anong ginagawa mo dito?" malamlam na tanong ko.

"You ruined my day. All day, so it's time for you to pay" naka ngising sagot nito habang naka tingin sa akin sa salamin.

"YOU. Ruined my date! Last night! So I am just returning the favor, now we're quits." nakangisi ring sagot ko bago umayos ng upo sa kama.

"Lumabas kana Rafael, at wag na wag ka ng mag papakitang muli sa akin" malamyang sabi ko habang nag lalakad papasok ng cr ko.

Napatigil ako sa lag lalakad ng mag salita pa sya.

"Eh paano kung ayokong mawala sa paningin mo?" sagot nya habang nakatingin sa akin ng masama.

"Edi sirain natin ang araw ng bawat isa. Hindi na ako yung dating mahina na kakayan kayanin nyo lang. I've change a lot Rafael, hindi na rin ako yung taong nag hahabol sayo noon." mataray na sabi ko. "Nag sawa ka na ba kay Kim kaya ka bumabalik sa akin? Hindi na ba sya masarap sa kama?" tanong ko habang hinihimas ang mahaba at maputi kong hita.

"Let's say hindi na sya masarap" sagot nya habang dahan dahang lumalakad papalapit sa akin. Tss akala nya ata ay maa akit nya pa ako sa mga pa ganyan nya. "Papayaga ka bang ikaw na ang pumalit sa kanya?" tanong nya habang hinuhubad ang polong suot nya.

"Not interested. You may now leave" sagot ko at tuluyan ng pumasok sa CR.

Binuksan ko nag shower at hinayaang bumuhos ang maligamgam na tubig sa katawan ko.

Tatlong taon na din ang lumipas simula ng mag hiwalay kami ni Rafael. He is my first love, first kiss, first hug, first sex, first in everything. Even heartbreak. He is the first man who brokes my fragile heart.

Hindi lang buwan ang ginugol ko para lang maka limutan ko sya. Hindi pa nag iisang linggo noon simula nung mag hiwalay kami ng malaman kong may relasyon na pala sila ni Kim.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana na palagi ko silang nakikitang sweet noon habang ako durog na durog. Hindi ko alam kung ilang kaibigan ang nawala sa akin non dahil sa kakaiyak ko. Sobrang naging emotional ako noon kaya lahat ng kaibigan ko ay na aartehan na sa akin at palagi akong sinasabihan ng nag dadrama na lang. Hindi ko naman sila masisi dahil hindi naman nila alam ang nararamdaman ko noon.

Nawala ang mga kaibigan ko sa akin, nawala si Rafael sa akin. Naging mag isa ako, halos mabaliw ako dahil wala akong maka usap, wala akong karamay. Sa edad ko noon dapat ay pag aaral ang inaatupag ko, pero dahil sa kalandian ko nasira ang pag aaral ko. Dumating ako sa puntong gusto ko ng wakasan ang buhay ko.

Ilang beses kong nilaslas ang pulso ko dahil sa depression, ilang beses rin akong niligtas ng mga ka room mate ko hanggang sila rin ang nag sawa kadadala sa akin sa hospital.

Nung pinalayas ako sa boarding house ko ay tsaka ako natauhan, tsaka ko lang na realize na sobra na pala ako. Na mali na pala yung ginagawa ko. Dahil lang kay Rafael nasira ang pag aaral at buhay ko.

Bumalik ako sa pag aaral at tinapos ang accountancy. Ilang sahod ko lamang ay napundar ko ang condo ko, tinulungan ako ng mga bago kong kaibigan na maipundar to kaya ngayon ay may sarili na akong tirahan.

Sa umaga ay nag tatrabaho ako sa gabi naman ay nag lalakwatsa ako kasama ang barkada ko. Nawalan ako ng balita kay Rafael noon dahil masyado kong ginugol ang buong oras ko sa trabaho para maka ipon ng pera.

Pero hindi ko akalain na babalik pa pala sya. Akala ko ay okey na ako, akala ko ay wala na syang epekto sa sistema ko. Akala ko ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero nag kamali ako. Yung tatlong taon na ginugol ko para mabuong muli ang sarili ko ay masisira lang pala sa isang beses na pag kikita namin. Sa isang gabing pinag tagpo muli ang tadhana namin.

Aaminin ko natuwa ako ng sobra ng malamang sya yung naka sex ko sa kotse ko. Nag karoon ulit sya ng puwang sa puso ko. Pero na isip ko sisirain na naman nyang muli ang buhay ko kaya't kailangan kong maging matatag, kailangan ko syang iwasan. Hindi ko na hahayaang sirain nya ulit ang buhay ko.

Pinunasan ko ang huling luhang pumatak sa mata ko, pinatay ko ang shower at lumipat sa bath tub.

Ibinabad ko ang sarili ko sa maligamgam na tubig habang iniisip kung paano ko iiwasan si Rafael, kailangan hindi na kami mag kitang muli. Ayokong maging marupok ulit. Ayokong sirain yung buhay ko ulit.

--*




SHORT UPDATE GUYS! bawi ako next chapter madami lang akong iniisip 😢








-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_- x

Sex With My ExWhere stories live. Discover now