CHAPTER 11: GIFT

4K 52 19
                                    

Hannah's POV

It's been a week since nung date namin ni Jake. Ang daming tawag ng tawag, nag tetext. Kahit isa ay hindi ko pinansin. I was hurt and devastated dahil sa sinabi ni Kim. Well, truth hurts nga naman.

Sino nga ba naman ako? E isa lang naman akong kaibigan. Hindi ko naman sila pag aari so bakit ko sila pag babawalan na umibig sa iba diba.

Sanay naman na akong mag isa, yung mga kaibigan ko? Tatawag lang sila sa akin kapag may kailangan sila. Ni wala nga akong ma alala na nag yaya sa akin para mag enjoy e. Lahat sila lalapit lang pag may kailangan. Ako naman si tanga bigay din ng bigay, kahit ubos na ubos na ako.

Yun na lang kase yung natitirang paraan ko para naman kahit papaano ay may makaka usap ako.

Wala talaga akong close friend, best friend, true friend kahit nga boyfriend wala ako e.

Simula nung nag hiwalay kami ginawan ko ng bakod yung sarili ko, dumistansya ako sa madaling salita.

Lahat kase sila saksi sa pag mamahalan namin, at lahat din sila nakaka alam na niloloko na pala ako ni Rafael noon. Hindi ko alam bakit gustong gusto nila si Kim. Ano bang meron sya na wala ako? Maganda din naman ako ha, sexy, mabait, mapag bigay. E bakit ayaw nila sakin? Ano bang ginawa ko sa kanila para tratuhin nila ako ng ganon. Hindi ko naman sila ginawan ng masama, pero bakit ganun yung balik nila sa akin?

Diba dapat ako yung galit? Diba dapat ako yung masama yung loob kase ako yung niloko nila. E bakit ngayon parang kasalanan ko pa na ginago nila ako.

Nakakatawa talaga yung mga tao no? Sila na nga naka gawa ng mali sila pa yung pa victim.

Isang linggo kong hinayaan yung sarili ko na kainin ng kalungkotan.

Pero syempre kailangan ko pa rin kumilos, kailangang hindi ako mag pa apekto sa mga nasa paligid ko. Hindi titigil ang mundo dahil lang sa hindi ako minahal ng mahal ko.

Inumpisahan kong buksan ang social media accounts ko and beng! Sumabog ang notifications. Ang daming nag chat ng congratulations. Wala akong nireplyan na kahit isa dahil hindi ko naman alam kung ano ang nang yayare. Kaya sunod kong binuksan ang facebook ko. Bumungad din ang santambak na congratulations sa wall ko.

Tinignan ko ang notifications, may tinag sa akin si Kim na mga picture at 2,437 na ang comments, meron itong 4,268 na react at 3,056 na shares. At ang nasa picture, ako lang naman habang naka tayo sa likod ni Mr. Del Mundo habang sinisinghot yung perfume nya. Ang isa naman ay habang nakain kaming dalawa. At ang huli ay yung halikan ni Mr. Del Mundo ang likod ng palad ko.

Hayop na Kim, nandoon din pala sya nung nag meeting kami, akala ko ay may pinuntahan pa syang iba, bago namin sya makita ni Jake. Tangina pinahiya na naman ako ng gago.

Kaya pala ang daming tumatawag at nag tetext sa akin, ay dahil may ginawa na namang kagaguhan si Kim. Bentang benta talaga tong gagang to sa mga jejemon e.

Dinelete ko yung post at dineactivate ko na rin yung facebook ko, even twitter and instagram. Sobrang nakakahiya yung post na yon, at puro bitch pa yung mga nag comment ng

"Yuckkk! Dami daming lalaki yan pa"
"Kaya pala nahihiya sya ipakita kase ang panget pala HAHAHAHA"
"Poor Hannah, wala talagang taste Eww"
"Takpan nya na lang yung mukha pag mag sesex sila para hindi sya masuka HAHAHAHA"

Grabe sila, grabe sila mang husga ng tao. Oo aminado naman ako na mapanlait din ako, pero sinasarili ko na lang yun. Kahit kailan hindi ako namamahiya sa maraming tao, lalo na kung physical appearance amg pag uusapan. And this bitch doesnt care about others feelings. Kilala pa namang tao si Mr. Del Mundo sa larangan ng business, kaya siguradong napahiya sya. Tang inang Kim hindi talaga nag iisip kahit kailan. Puro sarili lang ang iniintindi.

Sex With My ExWhere stories live. Discover now