Prologue

12.8K 186 10
                                    

This story is under revision at napag-isip isipan ko na habang nakapublish lahat ng chapter ay nirerevise ko na siya. Sorry sa mga di natapos ito kaya ilalabas ko na lahat ng chapters. Goodluck to me! This is not a perfect story and there's some typos so be aware of it.

Sali na po kayo sa group na ginawa ko (Hoaxxe Stories) para malaman niyo po kung nakapag-update na ako sa ibang story ko.

Allison's POV

     NAPATULALA na lamang ako sa aking sarili mula sa repleksiyon sa salamin habang suot ang isang pulang two piece na hapit at humuhubog sa aking katawan. Tila animo'y isang tela na tumatakip sa pribado kong katawang upang matkpan ito kahit papaano.

"Allison ikaw na!" Sigaw ni France pahkapasok ng dressing room dahilan para mapatango ako at tumayo mula sa pagkakaupo. Muli kong tinitigan ang aking sarili at hindi na nagdalawang isip pa at naglagay ng pulang lipstick sa aking labi ngunit hindi ganoon kakapal.

Masakit man pero ito ang katotohanang buhay na mayroon ako. Ito lang ang tanging paraan para tugunan ang mga bagay na pangangailangan ko.

Sinuot ko na ang aking maskarra para takpan ang aking mukha. Maraming mga tao ang nagtatangka na tignan ang aking mukha ngunit lahat sila ay aking tinatanggihan kaya ang nagiging resulta ay nadidismaya ang mga ito. Dumiretso na ako sa likuran ng entablado dala ang isang upuan. Hanggang ngayon ay kaba pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ang bagay na ito. Ng bumukas ang kurtina ay nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa itaas hanggang sa unti-unting nagliwanag na ang lahat. 

Nagsimula na ang musika kasabay ng dahan-dahan kong pagbaba sa hagdan bitbit ang upuan. Tanging mga pagnanasa ang nakikita ko sa bawat mata nila ngunit tanging sayaw lamang ang maipaglilingkod ko para sa kanila. Sumayaw ako sa upuan kahit pa isipin nila na isa lamang akong babaeng bayaran ay hindi ko na pinupuna iyon. Nadapo ang tingin ko sa isang lalaki na prentang nakaupo habang ang abo nitong mata ay nagnanasang nakatingin sa akin at kita ko kung paano gumalaw ang labi nito. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito na para bang napapatulala ako sa ginagawa niya kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.

Ng matapos na akong sumayaw ay pumunta naman ako sa pole para sumaway dito kasabay ng paghagis ng mga libo-libong pera ng mga tao rito. Kapag magaling ka rito ay mas malaki ang kikitain mo, hindi na uso sa panahon ngayon ang hiya lalo na kapag gipit ka. Mahirap man pero iyon ang katotohanan na kinamulatan ko. Waitress talaga ang trabaho ko ngunit hindi pa iyon sapat para sa bagay na pangangailangan ko kaya ito ang ginagawa kong sideline para kumita. Ngayon ko lamang napansin na dumami ang mga manunuod ngayon hindi tulad nitong mga nakaraang araw. Natapos ang pagsayaw ko na bakas sa mukha ng mga ito ang satisfaction. 

Habang naglalakad papasok ay rinig ko pa rin ang sipol ng mga ito. Napansin kong pinupulot na ni France ang pera kaya bumalik na ako sa loob ng dressing room. May tagaktak ng pawis ang dumadaloy sa aking mukha dala ng suot kong maskarra. Napatingin ako sa pinto ng makita si France na papasok.

"Grabe mukhang mas dumami pa ang manonood mo Ally." Sabay bilang nito sa pera kaya nagpalit na ako ng damit ko.

"Mabuti naman dahil kailangan ko ng pera ngayon." Sagot ko sa kaniya habang tinatanggal ang kaunting make-up sa mukha.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin ang mga alok sa table-- sabi ko nga hindi," aniya. Alam ni France kung bakit hindi ko tinatanggap ang alok niyang bagay na iyan dahil alam ko kung ano ang sunod na mangyayari. Okay na ako sa ginagawa kong pagsayaw kahit pa hinuhubaran na ako nila sa kanilang isipan ngunit hindi ako papayag na may hawakan ng mangyayari. 

Biglang bumukas ang pinto dahilan para mabilis kong ibinalik sa aking mukha ang maskarra. Ang ayaw ko sa lahat ay may nakakaalam kung ano nga ba ang totoo kong itsura lalo na't iniingatan ko ang katotohnan na ito.

THE BAD MAFIA IS NOW AVAILABLE ON DREAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon