Allison's Point Of View
NAPATINGIN ako sa perang ibinigay ni Naja at pakiramdam ko ay nakakahiya dahil nanghiram pa ako ng pera sa kaniya pampagamot ni mama.
"Allison ikaw na ang sunod." Napatingin ako kay France ng tinawag ang pangalan ko at napatango naman ako.
"Susunod na ako." Umalis na ito kaya hinanda ko na ang aking sarili at tinabi ang pera sa bag. Sinuot ko na ang maskarra at umakyat na ng tanghalan. Nakakagulat dahil mas dumami ang mga nandito ngayon sa bar di tulad noong mga unang araw ko.
Nagsimula na akong umindak sa harap ng entablado at dahan-dahan gumiling. Sa bawat pagsayaw ko ay ang paghaplos ko sa mga maseselan kong parte kaya mababanaad ang mga pagnanasa sa mga mata nila. Wala na akong pakialam pa dahil ito ang pinasok ko. Malaki ang pangangailangan ko ngayon para sa nanay ko.
Puno ng hiyawan at sipol ang buong paligid ng bar pero di ko inaasahan ang pagdako ng mga mata ko sa isang tao na prentang nakaupo habang ang mga abo nitong mata ay nakatitig ng walang emosyon.
Gusto ko mang tumakbo dahil pakiramdam ko ay manlalambot ang mga tuhod ko sa paraan ng titig niya pero ginawa ko ang lahat para hindi magpahalata dahil siguradong kaunting pagkakamali ko lang ay maalala niya ang lahat. Hindi niya pwedeng malaman kung sino ako.
Kapag nasa bar ka ay may pangalan ka o tinatawag na alyas. At tinatawag ako ditong...The Mysterious Mystique
Si France ang nagpangalan sa akin niyan kahit na hindi ko alam ang kahulugan hanggang siya nagsabi kung ano ang ibig sabihin niyon. Ang pangalang mystique para sa mga tao rito ay tinaguriang babae na may kakaibang alindog at anumang oras ay maaring malapa ng isang lobo.
Nakatingin lamang ako sa lalaking nakasama ko ng isang gabi habang may kausap ito na nasabi tabi niya lamang pero kahit hindi nakatitig ang mga mata niya ay ramdam kong pinapanood niya ang bawat kilos ko. Bakit nandito siya? Hindi kaya naalala niya na ang lahat? Kinakabahan kong bulong sa sarili.
Ng matapos na akong magtanghal ay dali-dali akong dumiretso sa backstage at nilock ang dressing room. Napahawak ako sa aking dibdib habang ang bilis ng tibok nito. Ano itong nangyayari sa akin? Malalim na buntong hininga ng pinakawalan ko hanggang sa biglang may kumatok sa pinto. Mas lalong lumakas ang katok kaya 'di na ako nagdalawang isip pa na buksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaki.
"Hi." Ngumiti lamang ako sa kaniya at pakiramdam ko ay hindi ko gusto ang paraan ng mga pagtitig niya-- nasaan ka na bang bakla ka?! "I just want to ask you if you don't mind." Tinitigan ko siya ng maayos at para bang nagkita na kami ngunit hindi ko lang matandaan kung saan. Napasinghap ako ng makilala ko na kung sino siya.
Siya si Stephen! Napaayos ako ng tayo dahil hindi niya pwedeng makilala kung sino ang nasa likod ng maskarrang suot ko.
"A--anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong kasabay ng pagtalikod.
Napapikit ako ng mariin dahil kahit ilang taon na ang nakakalipas ganyan pa rin ang itsura niya. Lagi niyang ipinapakita ang mapang-akit niyang ngiti kaya halos lahat ng mga estudyante sa campus ay pinagpapantasiyahan siya.
"Babayaran kita just dance for us-- I mean with my bestfriends." Napadilat ako sa gulat at dali-dali siyang hinarap.
"Sorry pero may lakad pa ako kaya pwede ka ng lumabas." Para akong timang dito na natataranta dahil baka makilala niya ang boses ko.
Si Stephen ang ultimate playboy since high school kaya balit-balita na kung sinu-sino ang babaeng nakakasama niya.
Sinubukan niya akong ligawan noon pero kaagad ko siyang binusted. Hanggang ngayon ay nabalitaan ko na hinahanap niya pa rin ako para ituloy ang panliligaw. Ginawa ko ang lahat para iwasan siya.
BINABASA MO ANG
THE BAD MAFIA IS NOW AVAILABLE ON DREAME
Romance[The Hunk Mafia series 2] The Bad Mafia [ Book 2 ] Lion Hills Matagal ng pinasok ni Allison ang trabahong dancer sa isang club, mahirap man pero iyon lamang ang paraan para tustusan ang mga pangangailangan niya sa pang araw-araw. Pero paano na lang...