Ally point of view
NANINGKIT ang mga mata ko ng makita ang biglaang pagtawa niya. Ng marealize niyang nakatingin ako ay bigla niyang pinigilan ang pagtawa at inayos ang upo.
"What?" Tanong niya ng titigan ko siya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" Kunot noong tanong ko at napailing naman agad siya.
"No I'm not!" Depensa nito. Nanliit ang mga mata ko."Can you please stop torturing that food? Mukhang natatakot na sa'yo." Napairap na lamang ako at kumain na lang dahil sa gutom na nararamdaman pero aaminin ko na masarap ang lasa ng pagkain na ito kahit-- alam mo na, ang laswa ng pangalan.
"Pumayag akong kumain tayo dahil nasa sa'yo ang aso ko hindi ibig sabihin na close na tayo." Saad ko sa kaniya, Nawala naman ang ngiti nito at napalitan ng walang emosyon.
Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero huli na--minsan talaga ang hirap kontrolin ng bibig aish! Habang kumakain ay may oras na napapatingin ako sa kaniya pero mukhang seryoso na siya. Hindi tuloy ako komportable. Napatayo na lamang ako dahilan para mapatingin ito sa akin.
"Kailangan ko ng umalis," nagsimula na akong maglakad papunta sa pet place para kuhanin si zac dahil hindi ko kayang tumagal na kasama siya. Anong tingin niya parang wala lang nangyari?Ano pa bang aasahan ko eh ganoon naman lahat ng lalaki. Kapag natapos na ang lahat ay parang wala lang nangyari. Aaminin ko na hindi ko kayang tumagal na kasama siya lalo na't iba ang tinatakbo ng kokote niya. Napahito ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa. Tumatawag pala si Naja at paniguradong hinahanap na niya ako pati si zac.
"Goodevening maam." Bati ng nagbabantay. Inabot ko naman sa kaniya ang card kung sinong aso ang kukuhanin. Ng makita na niya si zac ay ibinigay niya ito sa akin.
"Salamat po." Napatango-tango naman siya at nilagay ko na ang tali sa leeg ni zac kasabay ng pagsagot sa tawag ni Naja.
[Thank Ghad! Sinagot mo rin, nasaan ka na ba?] Bungad na tanong niya.
"Pauwi na bakit may problema ba?"
[Si tita gusto ng umuwi kinukulit ako.] Aniya.
"Papunta na ako sandali lang." Sagot ko at dali-daling naglakad paalis pero bigla akong napahinto ng may marealize ako. Napasapo na lang ako sa noo ng maisip na hindi ko kabisado ang lugar na ito. Aish! Ng dahil sa lalaking iyon kaya napunta ako sa lugar na 'to. Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang bumusina.
"Tatayo ka na lang ba diyan?" Sarcastic na tanong nito. Napairap na lamang ako at hindi na nagdalawang isip pa na 'di sumakay. Napangisi ito at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
"Salamat ulit sa paglibre." Sambit ko habang nakatingin sa bintana nitong kotse dahil hindi ko kayang titigan ang mala-abo niyang mata. Kapag tinitigan ko siguro ang mga mata niya ay siguradong mas lalo lang magiging awkward dito.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe at ng makita ko na ang terminal ng taxi ay pinahinto ko na ang kotse niya.
"Ibaba mo na lang ako diyan." Sabay turo ko sa sakayan ng taxi.
"Are you sure?" Napatango naman ako at napansin kong hininto niya ang sasakyan.
"S--salamat." Nauutal kong saad at napatingin sa kaniya na sana ay hindi ko na lang ginawa. Nagkatitigan pa kaming dalawa ng matagal at mahigit ilang minuto rin 'yon pero ako na ang umiwas. Dali-dali akong bumaba ng kotse at nagmadaling naglakad papunta sa sakayan ng taxi.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong hinahabol sa sobrang kaba. Bulong ko sa sarili habang hawak ang dibdib. Napailing na lang ako at sumakay na ng taxi. Sinabi ko naman ang pangalan ng hospital kay manong. Sa tuwing natutulala ako ay biglang pumapasok sa isip ko ang mga abong mata no'ng lalaki. Tigilan mo na ang pag-iisip sa kaniya, Allison.
BINABASA MO ANG
THE BAD MAFIA IS NOW AVAILABLE ON DREAME
Любовные романы[The Hunk Mafia series 2] The Bad Mafia [ Book 2 ] Lion Hills Matagal ng pinasok ni Allison ang trabahong dancer sa isang club, mahirap man pero iyon lamang ang paraan para tustusan ang mga pangangailangan niya sa pang araw-araw. Pero paano na lang...