Allison's Point Of View
"I'll treat you Allison. Please pumayag ka na!" Pamimilit nito sa akin habang nakasaklop ang dalawang kamay kaya napakamot na lang ako sa batok.
"Oo na basta mabilis lang." Napatango naman siya kaagad habang malapad ang ngiti. Kanina pa kasi niya ako kinukulit na mag bar kaming dalawa para naman daw makapagbonding kami.
"Yes! thank you." Napailing na lang ako at bumalik na sa ginagawa. Matapos ang insidente kagabi ay minabuti ko na lang kalimutan ang nangyari.
"Good morning sir--" hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng huminto sa harapan ko ang isang bulto. Napatulala lamang ako sa kaniya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Paano niya nalaman na nandito ako? Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw ng maalala ko na naman ang nangyari kagabi. Pero kakaiba ang mga titig niya ngayon.
"Excuse me." Malamig na aniya. Napadilat kaagad ako kasabay ng pagbigay daan sa kaniya dahilan para makapasok siya at dumiretso sa counter. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya ako nakilala pero pang may kaunting kirot akong naramdaman.
"Uy Allison! Kanina ka pa tulala diyan." Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita si Naja sa gilid ko.
"H--hah?" Nagsalubong ang kilay niya at napahimas sa baba.
"Huwag mong sabihin type mo 'yon." Sabay turo nito sa lalaking walang emosyon na nakaupo. Mabilis kong siniko ito.
"Naja tumigil ka nga, bumalik na tayo sa trabaho." Hanggang sa huling pagkakataon ay napatingin ako sa lalaking nakasama ko ng isang gabi at tulala itong kumakain ng mapatingin ito sa akin kaya dali-dali akong umiwas na kunwari'y may ginagawa. Nakahinga na ako ng maluwag ng maramdaman na hindi na ito nakatingin.
"Allison tawag ka ng anak ni maam Melissa." Sabay turo ni Naja sa may lalaking prentang nakaupo habang nakahawak sa baba. Ngunit nanlamig ang buo kong katawan ng makitang magkatabi lang sila ng lalaking nakasama ko ng isang gabi. Napansin kong nag-usap din ito na tila magkakilala ang dalawang ito. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pwesto ng anak ni maam Melissa at ngumiti ng maliit.
"G--good morning sir may kailangan po kayo?" Tanong ko pero nakatingin lamang ito ng walang emotion.
"My mom told me that you know how to cook pakbet." Nakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pakbet?
"Opo sir pero may chef naman po tayo dito--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng putulin niya iyon.
"Can you please serve me what I want?" Madiin na aniya. Napatango na lamang ako dahil pakiramdam ko ay bakas na boses nito ang inis.
"Yes sir." Dumiretso na ako ng kusina at nagsuot ng apron. Napatingin naman sa akin si chef na nakakunot ang noo.
"Ano ang gagawin mo Allison?" Nagtatakhang aniya.
"Magluluto po ng pakbet, gusto ng anak ni Maam Melissa ako magluto. Pasensya na chef." Sabay kamot ko sa batok at nagsimula ng magluto. Natawa naman si chef habang nakahawak sa tiyan.
"Alam ko Allison na marunong kang magluto kaya ayos lang sa akin." Napangiti ako sa papuri ni chef.
"Salamat chef."
Nagfocus na lamang ako sa niluluto ko ng biglang pumasok si Naja.
"Mukhang seryoso ah." Panunukso nito. Natawa ako bahagya dahil sa sinabi nito.
"Kailangan baka magalit.Alam mo naman na topakin ang anak ni maam Melissa." Natawa ito sa sinabi ko kaya bumalik na ito sa trabaho niya. Ng matapos na akong magluto ay hinanda ko na ang pagkain. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko na nilapag sa lamesa nila ang pagkain. Tila nakahinga ako ng maluwag ng hindi nila ako tawagin ngunit nagkamali ako ng biglang nagsalita ang kasama ng anak ni maam Melissa. Humarang ito sa harapan ko kaya napahinto din ako.
BINABASA MO ANG
THE BAD MAFIA IS NOW AVAILABLE ON DREAME
Romansa[The Hunk Mafia series 2] The Bad Mafia [ Book 2 ] Lion Hills Matagal ng pinasok ni Allison ang trabahong dancer sa isang club, mahirap man pero iyon lamang ang paraan para tustusan ang mga pangangailangan niya sa pang araw-araw. Pero paano na lang...