Chapter 1

7.4K 158 12
                                    

Spg Alert!! Please be aware sa mga hindi angkop na exploit scenes. Ngunit sa mga makulit ay wala na akong magagawa pa dahil binalaan ko na kayo. 

Allison's Point of View

     Ano ng gagawin ko ngayon? 

Tulalang nakatingin lamang ako sa mga tao na dumaraan sa harapan ko habang nakaupo sa isang bench. Hindi ko na mapigilan pa ang pagluha sa aking mata dahil dumating na ang oras na kinatatakutan ko at iyon ay ang paglala ng sakit ni mama. Nitong mga nagdaang araw ay sinabi ng mga doctor noong nagpacheck up kami na baka dahil sa pagod at sa kinakain niya kaya sumasakit ang tiyan nito pero hindi namin na isip na may apendicitis na siya. Pinunasan ko kaagad ang luha sa aking mata dahil alam kong walang magagawa ang pag-iyak ko lalo na't kailangang  operahan ni mama sa lalong madaling oras habang hindi pa sumasakit muli ang tiyan nito. 

Dinukot ko ang aking cellphone mula sa bulsa at para bang bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip ang alok ni France. Napakagat ako sa ibabang labi at hindi na nag-atubili pang tawagan si France para tanggapin ang alok nito. Ng denial ko na ang number ni France ay ilang ring pa lamang sinagot na niya ito.

[Oh Allison napatawag ka--] hindi na niya natuloy pa sasabihin ng sumagot ako.

"Tinatanggap ko na." Napapikit na lamang ako at napakagat sa ibabang labi. Narinig ko ang pagsinghap nito mula sa kabilang linya.

[What do you mean-- seryoso Allison?] 

"Oo." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Desidido na akong tanggapin ang alok niya.

[Sige aantayin kita dito sa bar bukas ng gabi pero sigurado ka talaga na gagawin mo?] Nag-aalinlangang niyang tanong.

"P-para kay mama." Pagkatapos ko sabihin ang mga iyon ay inend call ko na ang tawag at bumalik na muli sa silid ni mama. Habang pinagmamasdan ko sila ni Abigail ay para bang may kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Alam kong kapag nalaman ni mama ang ginawa ko ay hindi niya ako mapapatawad pero sana balang araw ay maintindihan niya kung bakit ginagawa ko ang bagay na ito. Sana.

Napahiga na ako sa sofa hanggang sa ilang minuto lang ay nakatulog na ako ng tuluyan.

Kinaumagahan ay Inayos ko na ang mga gagamiting damit ni mama sa hospital at mga gamit ni Abigail. Nakausap ko na si Abigail tungkol sa bagay na titira muna siya pansamantal kila tita Lea habang abala ako sa pagbabantay kay mama. Ngayon ay hindi na ako magtataka na matalino itong si Abigail dahil bata pa lamang ay nauunawaan niya ang sitwasyon.

"Basta babalikan ka rin ni ate pagmaayos na si mama maliwanag? At huwag mong pasakitin ang ulo ni tita Lea." Paalala ko sa kaniya na kinatango niya.

"Opo ate naiintindihan ko, bantayan mo si mama ate." Napakangiti ako at tumango kasabay ng pagtap sa ulo niya. 

"Good girl." Hinatid ko na siya kay tita Lea na kapatid ni mama para ro'n muna siya pansamantala habang nagpapagaling pa si mama at ito na ang bahala sa paghatid sa pagpasok.

"Allison!" Sigaw ni tita Lea mula sa malayo at bakas sa mukha nito ang saya. "Mabuti naman ay nakadalaw kayo, kamusta ang mama mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Kailangan pong operahan si mama sa madaling panahon kaya balak ko po sanang ibilin si Abigail sa inyo." 

"Aba walang problemsa akin iyan, Abigail ako si tita Lea mo." Ngiting sabi ni tita at binati naman siya ni Abigail. Napangiti ako ng mapansin na nagkasundo kaagad silang dalawa hanggang sa nagpaalam na ako para pumasok ng trabaho.

"Ba-bye ate!" Paalam ni Abigail.

"Mag-ingat ka sa trabaho mo." Sambit ni tita Lea at tumango naman ako.

THE BAD MAFIA IS NOW AVAILABLE ON DREAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon