Chapter Two
Nasangkot ako sa isang aksidente na akala ko'y kikitil sana ng aking buhay. Ang nangyari'y mahiwaga at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap hanap ng kasagutan. Ang aking kaluluwa'y napunta sa katawan ng ibang katauhan. Ang katauhan ni Odessa na namumuhay ng napakasalungat kaysa sa akin.
"May sasabihin ako." Huminto si Alexis sa pagsusubo at bumaling sa akin.
"Ngayon lang ako nakakain ng Italian spaghetti, ang sarap mong magluto Alexis." Ngumiti ako sa kanyang nag-blush na mukha, "Hindi ko ba ito nasasabi parati sa'yo?"
Nginitian niya lamang ako at sumubo nang muli, "Gusto mo pa?"
Agad kong dinampot ang malinis ko nang pinggan at mistulang in-offer iyon sa kanya. Tumayo siya't pinuno nga ulit ang pinggan ko ng spaghetti, "Dalawa pang meat balls please."
Tumaas ang isa niyang kilay, "Baka tataba ka niyan."
Ngumuso ako, "Mas maganda nga iyon." Prinisinta ko pa ang aking sarili, "Payat payat ko na..." Hindi ko na natapos ang sasabihin nang maalalang yung dating katauhan ko ang akin palang tinutukoy. Marahil ay maingat ang totoong Odessa sa fitness lifestyle niya. Wala akong nagawa kundi'y tumango, "Okay, half lang."
Ngumiti siya ng kay tamis at inilagay sa pinggan ang isang malaking meat ball, "Sorry, sa susunod, dadagdagan ko yung meatballs. Akala ko kasi'y di ka mahilig sa mga putaheng medyo maaasim."
Pinigilan kong umawang ang aking bibig. E sa wala naman talaga akong kaide-ideya na maarte pala ang tunay na Odessa sa pagkain. Kaya ko ngang kumain ng hangin e, basta kahit anong edible na bagay ay kakainin ko. Nakikiming tinanggap ko na lamang ang pagkain at hindi na muling umimik pa sa kabuuan ng paghahapunan naming dalawa.
Sa gabing ito'y muli nanamang nagpalipas si Alexis sa kanyang ginagawang trabaho. Hindi ko alam kung bakit ngunit kahit na papano'y nagpapasalamat na lamang ako. Hindi ko pa kabisado ano nga ba ang ginagawa ng mag-asawa tuwing gabi. Besides ang matulog ng magkasama. Mag-iisang linggo na nga pala at hindi ko na matukoy kung sinasadya ba ito ni Alexis.
Alas kwatro ng umaga ay agad agad na akong bumangon sa higaan pagkatapos ang halos isang oras na nakatingala lamang ako sa kisame habang pasulyap sulyap sa dako na lugar ni Alexis. Kung babasehin ko sa nararamdaman ng katawan ng tunay na Odessa, mukhang hinahanap nito ang init ng kanyang katipan. Bumuntong hininga na lamang ako, "Sabi ko na talaga na ako ang malalagot nito."
Napangiti ako nang muli at madatnan si Alexis sa sofa, sa pagkakataong ito'y nagawa pa nitong humiga na yakap yakap pa ang sarili. Ginawa ko na lamang ang nararapat. Pagkatapos ko siyang itaklob ng kumot ay dumiretso ako sa kusina. Kailangan ko sigurong gampanan ang pagiging asawa sa kanya, para na rin sa tunay na Odessa.
Husto nang naglalapag na ako ng mga kubyertos sa mesa at nakahanda na ang lahat ng aking mga niluto ay dumating na nga si Alexis, "Des?"
Huminto ako at tumuwid ng tayo, naghandog rin ako sa kanya ng isang matamis na ngiti, "Goodmorning."
Nahihiwagaang inilako niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng mesa, "What's this?"
"Uhmmm... may sobra pang kanin kagabi kaya nagluto ako ng sinangag, nakahanap rin ako ng bacon sa ref. Okay lang bang sunny-side-up ang pagkaluto ko sa itlog? Tsaka iyong isda na iniwan ni Aling Bella kahapon, sinabawan ko na rin..."
"You made all this?" Sabat niya sa patuloy kong pag-explain, tumango tango kaagad ako at tinanggal ang apron na suot ko. Ikinalarma ko ang pag-iba ng ekspresyon, na imbes saya ay kabaligtaran ang ipinakita niya, "Y-you know how to cook?"
Namilog ang aking mga mata at hinigpitan ang pagkakahawak sa apron ko, "O-oo?"
Nagkasalubungan ang kanyang kilay, nasa mukha niya rin ang pagtataka, "But you never."
YOU ARE READING
Leap (gxg)
RomanceA short story about a woman waking up to a whole new body, whole new place and a different time. There's a catch, she has a beautiful wife.