Part II: ALEXIS

146 10 0
                                    

Chapter Six

"Why did you freeze my account Alexis?!" Tumaas ako ng tingin mula sa puspusang trabaho at humarap sa galit na galit na mga mata ng magandang babaeng ito na minsan ko nang pinakasalan. Umiling iling ako at bumalik sa paglalagda ng mga papeles. Napasinghap lamang nang hinampas niya ang aking kamay, tuloy ay nabahiran ng useless na marka ang nilalagda kong kontrata, "Can't you hear me? I am demanding an explanation!"

"Natasha." Tawag ko sa aking secretary at matalik na kaibigan upang ibigay sa kanya ang nasirang dokumento, "Can you please print me another?"

"Ano?" Sita ni Natasha at bumaling kay Odessa, "Ano nanaman ang ginawa mo?!"

Pumameywang lang si Odessa at masugid siyang hinarap, "I have all the right coz my wife seemingly takes her papers more important than I am!"

Bumuntong hininga ako at tinapik tapik si Natasha sa balikat, "Ako na ang bahala."

Pagkatapos siyang tumango sa akin ay binigyan niya pa ulit ng masamang tingin si Odessa bago umalis sa aking opisina, "Odessa..."

"Babe... I was suppose to go shopping today. You made me embarrass myself infront of so many people. They thought I was some crazy woman trying to blend in."

"Odessa, I froze them because I see fit. Everyday, you always end up crossing the limit of spending our money."

"That's the reason I have these cards remember?"

"Baby, come on. Just for today. Just relax for today. And tomorrow you can go shopping." Nakangiti kong pakiusap sa kanya.

Ngumuso siya, "I can't believe you Alexis."

Hinalikan ko ang kanyang pisngi, "I love you."

Suminghap siya, "Kung mahal mo ko. Hindi mo gagawin ito." Nakakalungkot isipin na sinisikap kong mahalin siya ng totoo ngunit ang kanyang isinusukling pagmamahal ay sa tuwing nabibigay ko lamang ang kanyang mga gusto. Hindi ko malalaman ang totoo, palagi na lang siyang galit these days. Somehow, we lost all the sparks that we had few years ago. We weren't the perfect couple though, but Odessa made me challenge myself to go for my goals and do what's best for everything. Utang ko sa kanya ang success ko sa aking buhay. Though, ang bilis ng pagbaba ng aking bank balance ay kailangan ko rin sigurong punahin. Hindi dahil sa mauubusan ako ng pera, ayokong mamuhay siya sa marangya at kaalamang makapangyarihan ang salapi.

Mahigpit ko siyang niyakap at sinuyo, "Come on babe. Its not so hard."

"I feel like I will die for a day."

Napatawa ako sa kanyang turan, "Ano ba namang joke yan? May pera tayo, ngunit yung pagsasama nating ito ang tunay na kayamanan natin pareho. Hindi ba? At isa sa mga araw na ito'y magtatayo tayo ng sarili nating pamilya. What's there to be worried about? A day without spending anything won't kill you, I promise."

Hindi siya umimik, kaya medyo nag alala ako sa kanyang inasta, "Odessa?"

"Then date me tonight, duon sa restaurant niyo."

Ngumiwi ako sa naalalang schedule, "Pinag-usapan na natin ito. Last time, kinansela ko na ang meeting na iyon para sa'yo."

"Fine." Namarka ko kaagad sa kanyang tinig ang pagkadisgusto, "Edi gawin mo ang gusto mo. Tutal mas importante yan sayo."

Bumuntong hininga ako't pinakawalan na siya sa aking mga bisig. Sa ganitong mga pagkakataon ay hinahayaan ko na lamang siya sa kanyang kagustuhan. She'll forgive me eventually. Napailing iling pa ako ng makarinig ng ilang bangayan bago pumasok si Natasha dala ang bagong dokumento, kailanman ay hindi na talaga magkakasundo ang dalawang ito, "Alexis, heto na ang contract."

Leap (gxg)Where stories live. Discover now