Chapter Nine
Nagising ako ng umagang iyon na mabigat na mabigat ang aking pakiramdam. Di lang ng piskal kong katawan, pati na ng aking kalooban. Umupo ako sa sariling kortson at lumingon sa natatangi kong wall na may nakakabit na poster. Du'y lumipat ang aking tingin sa isang maliit na kalendaryong nakaupo sa katabing mesa. Isang date na nakamarkang 'x' ang pinagtuunan ko ng pansin. Dumaan na nga yung araw kung kailan ako nagising muli sa sarili kong katawan. Hindi ko pa nga nababago ang buwan E. Bukas lang ay December 1 na, humihina na rin ang unos ng divorce news nina Alexis at Odessa sa media. Malamang ang tunay na Odessa na yung tinutukoy nila siyempre, at nung mga iba niya pang mga gawaing masama na bigla bigla na lamang na umusbong.
Naririnig ko pa rin ang mga salitang binitawan ni Alexis bago ako nagising sa aking tunay na katauhan. Una una'y akala ko panaginip lamang ang lahat. Isang maganda at masamang panaginip. Tinambak pa nga ako ng katotohanang nabaon kami sa utang upang mapanatili lamang akong buhay ng isa at kalahating buwan. Milagro ang nangyayari sa akin. Humihinga ako ng maayos ngunit di lamang na nagigising. Minatili nila yung I-V at yung tubo na siyang ginagamit upang ako'y mapakain, hindi nawalan ng pag-asa sina mama at papa. Salamat na lamang at hindi nila ako sinukuan. Limang taon na kinimkim ko lamang ang aking naranasan. Marami na rin ang nangyari sa limang taon. Namatay si papa sa kanyang sakit na High-blood, magdamag siyang namasada, pag-uwi niya'y masaya pa kaming nakipag-kwentuhan, ngunit kinabukasan ay hindi na siya gumising. Sa nangyari'y napilitan kaming umuwi ng probinsya, napilitan ring huminto si Jerson sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong. Sa mga utang na di pa namin nababayaran, ay bumalik ako sa siyudad sa mga trabaho ko dati. Kasama ko na ring bumalik ang aking kapatid.
Kahit pa sa mga taong iyon na lumipas na parang isang magnanakaw, hindi nawala si Alexis sa aking isipan. Pati na yung feelings ko para sa kanya. Ngunit ang mga memorya ko sa tagpong iyon ay palagi na lamang na nauuwi sa kanya, bulalas ang mga katagang, sana'y hindi na lamang na nag-krus ang aming mga landas. Kahit pa hindi ako sigurado noon kung nabubuhay nga siya sa mundong ito.
Kaya nagulantang na lamang ako nang minsan siyang nabahagi sa isang balita. Na-feature hindi lang dahil sa anak siya ng isang namayapang business tycoon at siyang susunod nga sa mga yapak ng kanyang ama, kundi'y dahil rin sa taglay niyang kagandahan.
Dun ko lamang na sinimulan ang pagbahagi ng aking na-experience sa aking pamilya't mga kaibigan. Ngunit tanging si Gimmie lang ang nagbigay sa akin ng atensyon. Nagmistulan akong isang fan-girl sa mata ng mga taong nakapaligid sa akin.
Bumuntong hininga ako at bumaling sa nakangiting si Alexis na nasa larawan ng poster. Isang close-up shot yun kung saan ay ngising ngisi pa siya na tila hinahambog ang mapuputi niyang mga ngipin. Yung inaad-vertise niya nga lang ay iyong resort na isa sa mga pagmamay-ari niya. Ang ganda niya sa pinong summer dress na sleeveless pa.
Panay rin ang pag-iyak ko nang ma-announce sa madla ang engagement niya sa cheater niyang asawa. Hiniling ko pa nga sa mga tropa ko na magkalat ng tsismis. Alam ko namang masama ang ugali nuon. Ngunit dahil nga sa kapwa mala-diyosa ang mga dating nila kung bakit sinuportahan sila ng Universe. Nagselos ako ng husto siyempre. Ngunit wala naman akong magawa e. Langit siya. Lupa naman ako.
Sinubukan ko na ring I-DM siya sa twitter o I-message sa messenger at lahat lahat ngunit walang nangyayari. Pati nga ang makibahagi sa isang fan page ay nagawa ko na, upang man lang maramdaman ko na kahit na katiting ay malalapit ako sa mundong kinagagalawan niya.
Halos di rin ako makatulog sa buong buwan ng Oktubre at Nobyembre kakaisip kung napunta nga ba talaga ako sa katawan ni Odessa. Ng asawa ni Alexis. Wala ring nabalitaan ukol sa aksidente ni Odessa nung araw na yun e. Marahil ay itinago lamang nila ang nangyari, since, si Alexis lang naman talaga yung famous sa kanilang dalawa.
YOU ARE READING
Leap (gxg)
RomanceA short story about a woman waking up to a whole new body, whole new place and a different time. There's a catch, she has a beautiful wife.