Chapter 3
Tumayo ako sa doorframe ng kwarto at hinintay si Alexis habang nagpapalit siya ng kasuotan. Nauna na akong magpalit sa kanya kanina nang dumating kami, tahimik rin naming binaybay ang daan sa loob ng kanyang kotse. Ilang minuto rin ang nagdaan nang walang Alexis na sumulpot nagdesisyon akong I-check siya sa loob ngunit napahinto nang nadatnan siyang umuupo sa kabilang side ng bed at hawak ang laptop. Tumingala siya sa akin pagkatapos, "Anong hinihintay mo sa labas?"
"Hah? Ah... akala ko kasi sa labas ka nanaman matutulog."
"Oh... you don't like seeing me working inside. Marami akong nadehadong trabaho nuong naospital ka kaya ganuon. Naabala ba kita? Chine-check ko lang ang emails ko, sandali lang ito."
Agad akong umiling, "Okay lang, hindi ka naman nakakaabala. Hindi mo naman kasi sinabi."
Ruo'y itinabi niya ang laptop, "Talaga, di ka magagalit kung dito ako magtratrabaho?"
"Siguro mas magagalit ako kung pababayaan mo ang iyong sarili. Katulad ng kagabi, ni kumot ay hindi mo nagamit. Paano kung magkasakit ka?"
Ngumiti siya at tumayo, "Nakaka-motivate iyang sinasabi mo ah."
Lumipat ako sa kabilang banda ng higaan, "Mabuti naman at naisipan mo nang matulog ng kasama ako." Tinutukoy ko yung asawa niya, of course.
"Siyempre, tapos na ang trabaho ko." Tinawid niya ang higaan at humarap sa akin, "So..." Mas lumalim rin ang pagkakakulay ng kanyang mga mata. Ibig sabihin ba nito..., "Its okay, if you aren't ready yet. I just want you to know, since the day we arrived here, I want you."
Nagulat ako sa turan niya. Mag asawa sila, ngunit bakit hindi niya ginawa O hiningi? Karapatan niya iyon hindi ba? At kung siya ba naman ang hihingi, sinong hibang na asawa ang hindi bibigay. Ibinaba ko ang tingin sa sarili, Si Odessa? Ano ang sasabihin ng tunay na Odessa sa mga pagkakataong gaya nito? Naramdaman kong sinalat ni Alexis ang aking pisngi kaya't agad akong umangat ng tingin at napapikit sa halinang aking naramdaman nang sinimulan niyang dampian ang arko ng aking leeg, "Alexis..."
"I can't..." Bulong niya, "I want you."
"Hindi ko alam..." Humaluyhoy ako nang kinagat niya ang dulo ng aking tainga. Totoo. Wala akong past experience sa mga tagpong ito. Tanging mga romance movies lang ang reference ko. Kung hindi ko siya ma-sa-satisfy tulad ng ginagawa ng tunay na Odessa baka mas lalala lang ang sitwasyon nila. May mga naging suitors ako noon, pulos nga lang mga lalaki. Hindi ko pa nga maimagine kung ano ba ang nangyayari sa kwarto, sa pagitan ng mga homosexuals. Hindi sila bago sa akin at nirerespeto ko ang community nila. Ngunit ang maging bahagi? Kabilang nga ba ako sa kanila? Isa lang ang nararamdaman ko, tinatanggap ko ng buong buo ang kanyang pinaparamdam sa akin ngunit naniniwala akong malaking bahagi nuon ay ang sariling katawan ng tunay na Odessa mismo ang naghahanap ng init mula kay Alexis.
Huminto si Alexis at tumingin sa aking mga mata. Nasa mga mata niya ang magyamo. At alam kong sa sariling pakiramdam, mukhang ilang segundo lang at bibigay na ako ng tuluyan, "I don't care about myself. I just want you."
May isang lobong sumabog sa loob ng aking utak nang marinig ang mga katagang malayang lumabas sa kanyang bibig. Yun nga lang at yung lobo na iyon ay ang natitirang katinuan ko bilang si Julien dahil heto ako't buong pusong tumatango at sinalubong ang kanyang mapang-angkin na mga labi.
***
Nagising ako sa nakakakiliting mga halik ni Alexis sa hubad kong likuran. Dahan dahan akong gumalaw ngunit nang maramdaman ni Alexis iyon ay mas lalu niya pa akong niyakap palapit sa kanya. Naramdaman ko tuloy ang dibdib niyang katamtaman. Yeah... heto nanaman ang aking katawan na parang naghahanap ng kanyang pansin. Sabi ko na nga ba't ako ang malalagot nito. Alam kong ang katawan ni Odessa ang inangkin niya ng buong buo, ngunit ramdam na ramdam ko ang lahat. Ang nakakatakot pa'y nagdala iyon ng kakaibang kasiyahan. Sa aking isipan, gusto kong maulit iyon at wala na akong babalikan pa.
YOU ARE READING
Leap (gxg)
RomanceA short story about a woman waking up to a whole new body, whole new place and a different time. There's a catch, she has a beautiful wife.