Part I: ODESSA (NSFW)

160 13 0
                                    

Chapter 5

Ang tanging lugar na malayo sa mga mapanuring mga mata ng mga taong hindi ko kilala, kasama na si Alexis na alam kong hindi ko kailanman maaangkin ay ang tanggapan ni doktora Ace. Hindi niya pinipilit sa akin na umalis sa katawang hindi akin. Pinipilit niyang ipalaya ang aking sarili na nakatago sa anino ng katawan na aking hiniram lamang. Ng dahil kay doktora Ace kung bakit ako sumiglang muli at naging totoo sa aking sarili.

Masayang umupo ako sa passenger seat ng sasakyan ni Alexis at nag-seat belt. Nanlamig si Alexis sa akin nitong mga nagdaang araw. Masakit man isipin, ngunit malaking parte ng behavior niyang iyon ay hindi dahil sa ilegal na gawain na ikinasangkot ng kanyang asawa, kundi'y dahil sa sarili ko mismo. Bilang si Julien. Hinayaan ko na lamang siya dahil alam kong karapatan niya ang yaon. Alam ko sa aking puso na mahal ko na nga siya, ngunit alam ko rin na hindi ako ang tunay niyang asawa. At ang kanyang pagmamahal ay pag-mamay-ari na ng iba. Marahil ay kabilang lamang yung feelings na ito sa pagsubok na aking nararanasan ngayon. Hindi ko matatanggi na ito rin ang pinakamahirap sa lahat, "Tara na."

Tumaas ang aking kilay nang hindi siya kumibo, "Ahh... Alexis?"

"Was I too hard on you?"

Lumingon ako sa kanya, hindi pa rin siya tumitingin sa akin, tsaka ko inalala ang mga pangyayari nitong nagdaang linggo. Sinubsob niya nanaman ang sarili sa kanyang trabaho. Hindi niya kinakain ang mga niluto ko at palagi niya akong tinatapunan ng malamig na tingin na nakakatunaw, sobra. Oo. Super harsh niya nga sa akin. Ngunit di ko siya masisi, pinipilit ko siyang intindihin, dahil alam kong nasasaktan rin siya sa mga nangyayari. Dahil alam kong nauulila siya sa kanyang mahal na asawa. Kasalanan ko nga ang lahat at kahit pa may sarili akong sakit na nadarama, ay pinilit kong isantabi para sa kanya, "Naiintindihan kita Alexis. You miss her right? Na-mi-miss mo ang tunay mong asawa."

Ngumiwi siya ngunit hindi ko itatanggi ang lahat, isa iyon sa mga natutunan ko sa doktora. Ang teorya niya'y kung pipilitin kong magpanggap, siyang magpapalubha ng lahat, isa itong pagsubok na kailangan naming harapin ng magkasama, "Hindi nga ba siya ikaw?"

Ang sabi rin ng doktora ay hindi ko rin dapat na basta iako ang sariling nararamdaman at kaalaman. Ako pa rin ay ang Odessa, sa piskal na nakikita ng karamihan. Malaki rin ang tsansang ako pa rin ang tunay na Odessa kahit sa emosyonal na aspeto, "Malalampasan rin natin ito."

Unang pagkakataon pagkatapos ang skandalong aking pinasukan ilang linggo na ang dumaan, inabot niya at sinalat ang aking pisngi. Sapat na iyon upang patibukin ng kay bilis ang aking puso, "I just want you to know, I miss you."

"Alam kong hindi ako ang tunay na Odessa, ngunit nararamdaman ko sa aking puso na na-mi-miss rin kita Alexis."

"I'm sorry."

Huminga akong malalim, sana'y ako na bilang Julien na lang ang nakikita niya. She look so precious, I want to eradicated all pain that she's experiencing right now. Neither me or Odessa, deserve her. Ngunit alam naman nating lahat kung sino na ang nanalo, wala nga ako sa larawan sa una una palang. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaluha, "It's not you. Wala kang ginawang masama Alexis. Sa totoo niyan, ako nga dapat ang mag-sorry e. Kasi dahil sa akin kung bakit ka nahihirapan ngayon. Alexis, in my eyes you are perfect. I, as your wife, is the luckiest."

Nasalamin ang aming mga pumapatak na luha sa isa't isa ngunit may namarka nang ngiti sa mga labi ni Alexis at kung ako ang dahilan, wala na akong mahihiling pa.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at ako'y hinalikan, agad ko iyong tinugon dahil sa kasabikan. Bahala na ang tunay na Odessa, sasamsamin ko na lamang ang natitirang sandali para sa aming dalawa. At kung sinuwerte, tatagal ng panghabambuhay. Selfish man kung tatawagin.

Leap (gxg)Where stories live. Discover now