Chapter Ten
Nine years ago, nasangkot ako sa isang aksidente na naging sanhi upang lumipad ang aking kaluluwa sa ibang katauhan na nagmumula sa hinaharap. Ruon ko nakilala ang babaeng magpapatibok sa aking puso. Si Alexis. Ang problema'y, mismong katawan ng kanyang asawa ang aking nahiram. Kahit di ko sinasadya'y napamahal ako sa kanya ng sobra sobra. Ang masaklap, hindi niya ako nais at hindi niya ako kinikilala. Ang pagmamahal ko ay di nagbunga bagkus ay umuwi ang lahat sa isang dalamhati.
Pagdadalamhati na aking dinala hanggang sa kasalukuyan. Ngunit minaliit ko ata ang kapalaran dahil lingid sa aking kaalaman ay nanatili ako sa puso ni Alexis. Minahal niya rin ako, kahit hindi ako, ako.
"Pwedeng huminahon ka Julien?" Minasama ko ang aking tingin sa aking kapatid na siyang nagmamaneho sa kasalukuyan, "Makakarating rin tayo sa bahay niyo."
"Wala nga akong ginagawa."
"Ows... e panay iyang tingin mo sa cellphone e. Halos isang minuto palang ang lumipas simula nung binaba mo ang tawag sa girlfriend mo."
Tinuon ko ulit ang tingin sa kalsada, "Hindi nga siya sumasagot. Akalain mo ba namang three months kaming hindi nagkita, tapos pagkarating niya ang sabi niya lang sa akin, ay matutulog muna siya. Ewan ko! Tatlong oras na ang lumipas, nabangungot na siguro yun."
"Eto na, binibilisan na. Sakaling humihinga pa yun. At saka hiningi niya sa'yong sumama ka sa Manila hindi ba?" Dagdag pa ni Jerson.
"May trabaho ako, di ko pwedeng iwan iyon." Naiinis kong turan sa kanya.
"Hininto ko na ang pagtratrabaho at nakabalik na ako ulit sa pag-aaral. Nabayaran na ang lahat ng mga utang natin, higit pa du'y nakapagpatayo na rin tayo ng bahay. Secured na ang pag-aaral ng mga kapatid natin. Lahat ng pangarap nina mama at papa, natupad na. Ano pa ba ang ikinatatakot mo Julien?"
Bumuntong hininga ako, "Ikinatatakot kong nabibigay niya ang lahat sa akin. Kahit pa hindi ko hiningi."
Natawa si Jerson, "Isipin mong ito ang consequence ng natupad mong pangarap."
"Sigurado kang okay lang to?"
"Ganito kasi iyan. Iyang nobya mo, isang CEO, nagma-may-ari ng kung anu anong kumpanya. Sa bank account niya, milyon milyon. Sa savings na iyon, may parte kung saan malalaan para sa kanyang future. Sa makabila, ikaw na literal na pobre niyang nobya, ay nagsasakripisyo ng tatlo tatlong trabaho, gising ng 3 am, matutulog ng 12 am. Lulong sa utang at may itinataguyod na pamilya."
"So?"
"Ayaw mong tulungan ka ni Alexis."
"So?"
"Para saan niya pa naitatabi ang kanyang pera kung hindi niya magagamit sa'yo? Hindi mo ba nakikita na ikaw ang future niya? Siya'y namumuhay ng marangya. Nakakatulog ng tama sa oras, nagigising sa tamang oras, na-cra-cram lamang kung kinakailangan. At nakikita ka niya. Isipin mo Julien, ano na lang ang maituturing niya sa kanyang sarili diba?"
Napaisip pa ako sa punto ni Jerson. Ilang beses na nga kaming nagtatalunan ni Alexis sa ganitong mga bagay. Una una'y ang pagbayad niya nga sa mga utang namin na hindi ko malaman kung paano niya nalaman. Ang naging kapalit ay ang paghiling niyang mag-focus ako sa iisang trabaho na lamang. Sa huli'y napilit kong manatili sa fast food chain. Pangalawa ay nang hilingin niya sa akin na magsama kami dahil nababagod na siyang bumisita sa limitadong oras. Nanalo ako sa bangayang iyon sa kahilingang hindi ko nais na mapalayo sa lugar namin. Ngunit ilang linggo lang ang lumipas at dinala niya ako sa isang dibisyon at sinorpresa ang simple ngunit napakagandang bahay. Hindi ko magawang tanggapin ang kanyang alok. Sa kaisipang ayokong matulog sa isang maganda at malambot na kortson habang ang pamilya ko'y nagkakasya sa barung barong. Ruo'y isang message ang aking natanggap galing kay Jerson. Dalawang pictures ang ipinakita niya sa akin, una-una'y ang malawak na lupa, pangalawa'y ang malaking bahay, kasabay ruon ang ulat niyang amin ang lupa't bahay na binigay ni Alexis. Ilang linggo niya na pala itong pinaplano, na-touch lang ako konti na hindi lang pala kaming dalawa ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.
YOU ARE READING
Leap (gxg)
RomanceA short story about a woman waking up to a whole new body, whole new place and a different time. There's a catch, she has a beautiful wife.