Part I: ODESSA

121 10 0
                                    

Chapter Four

It turns out, na puno ng marijuana ang pakete na dala ko kanina. Sinabi ko sa kapulisan ang katotohanan. Na sa drawer ng tunay na Odessa nagmula ang pakete. Tinanggihan ko ring magkakilala kami ni Sylvester, giniit kong ang araw na iyon ang una naming pagkikita. Tinawanan lamang ako ng dalawang imbestigador nang dinagdagan ko ang parteng may amnesia ako. Tuluyan akong nahulog sa kalaboso. Hindi ko magawang tawagan si Alexis sa kahihiyang aking pinasukan, hindi nga nagtagal at isang reporter pa ang pumasok at nagtangkang kunin ang komento ko. Ngunit magiliw ko iyong tinanggihan. Marahil sa pangalan ni Alexis kung bakit siguro kilala rin si Odessa sa industriya ng media. Kaya hindi na rin ako nagtaka nung sandaling pinakawalan ako ng mga pulis ay inayunso rin nila ang taong naghihintay sa akin sa labas.

Hawak ang aking pulsuhan, masugid na hinarap ni Alexis ang mga reporters na nagtatangkang kunan kami ng picture at kunin ang aming mga komento. Mabuti na lamang at nagpakumbabang tumulong ang mga kapulisan sa aming paligid at nagawa kaming itakas tungong police mobile. Nang makabalik sa mismong kotse ni Alexis, ay pinasalamatan niya pa ang mga police officers bago nagpaalam.

Hindi ko magawang tingnan siya. Maging ako rin ay nalilito. Set up ba yun? Kung ganuon, paanong napunta ang ilegal na mga halamang iyon sa drawer ni Odessa? Narinig ko siyang bumuntong hininga, nakuha ko ang pagkakataon na siya'y sulyapan. Oops. Dun niya rin nakuhang titigan ako, "When did you started?" Napigilan kong lumunok dahil sa nakakakilabot niyang tinig.

"I'm sorry." Tangi kong nasambit nang di ko malaman ang isasagot.

"For what?"

"Hin... hindi ko alam."

"You were fucking selling drugs! They have you on their list, you were hot and they were observing you months ago!"

"Hindi ko alam." Pag-uulit ko dahil yun ang totoo.

"You saw the footage too right? There weren't just one, Odessa. And it was clearly all of you!" Hindi ako sumagot at namuno ang ilang segundo ng katahimikan sa pagitan namin, "Do you do drugs too?" Nasa tinig niya ang akusasyon.

Dun na lamang ako napuno, "Hindi ko nga alam, dahil hindi ako si Odessa!"

"Shut the fuck up Odessa! Stop pretending and face the consequences! Do you want to stay there huh?! huh?!"

Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. Sa naaalala ko'y nag-usap na kami ng masinsinan tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa akin at sa kanyang asawa. At ang akala ko rin, naiintindihan niya ako, "Hindi ko maako ang kasalanang hindi ko ginawa Alexis. Hindi ako masamang tao."

"Are you talking about yourself? Or about this nonsense, imaginary being existing in your body right now?"

Hindi ko na nga napigilan ang aking mga luha, "Really? Nonsense? Imaginary?"

I thought I saw her flinch. Ngunit nanatili ang mapanghusga niyang mga mata, "Subukan mong ipilit pa iyang kasinungalingan sa akin at hindi kita mapapatawad."

I sniffed, "Talaga."

"Ngayon, aminin mo na lamang ang lahat ng totoo Odessa! The world knows, you are doing drugs right now! You can't escape the truth!"

"Tanggap ko yun..." Ramdam ko yung bigat ng aking kalooban, "Ngunit di bilang ang tunay na ako."

"That's it..." Narinig ko ang magkasabay na clicks nang na-unlock ang mga pinto sa kotse, "Get out."

Hindi rin ako nagdalawang isip at dali daling kinapkap ang door handle. Pag-kasara ko ng pinto ay lumundag pa ako nang bigla na lamang na kumaripas ang kotse palayo sa aking kinatatayuan. Mahirap man kami ngunit kailanman ay hindi naging opsyon ang mga ilegal na gawain. Alam ko sa puso ko na wala akong kasalanan.

Leap (gxg)Where stories live. Discover now