Unang Kabanata

350 0 0
                                    

Hingal na hingal na siya sa kakatakbo pero pabalik-balik lang naman siya sa loob ng isang kwarto. Lalabas siya sa pintuan at pagpasok na naman niya sa isang pintuan ay sa kwarto na naman na kanyang kinalabasan ang kinalalagyan niya. Ano ba ang nangyayari? may naglalaro ba sa kanya? pilit niyang sumigaw pero di niya maibuka ang kanyang bibig. Maya-maya biglang nagsarado ang pinto at patay sindi ang ilaw. Nanginig na siya. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at pagtingin niya sa aparador na malapit sa bintana ay may nakalutang na babae. Duguan ang kanyang buhok at lupaypay ang mga kamay na nakayuko ito. Dinig niya ang hikbi ng babae at palapit na palapit na ito sa kanya. Nabigla siya sa kanyang nakita at patakbo niyang binuksan ang pinto pero ayaw bumukas. Kinabog niya ang pintuan at nagbabasakaling may makarinig sa kanya. Biglang tumahimik ang loob ng kwarto. Wala na siyang marinig na hikbi ng babae. Lumingon siya sa kinaroroonan ng nakalutang na babae pero wala na siya doon. Napabuga siya ng hangin at napayuko siya. Gusto na niyang umiyak. Walang humpay ang panginginig ng kanyang katawan at napayuko siya pero nagulat at bigla siyang napasigaw ng nakita niya ang babae sa baba niya at nakatingin sa kanya ang mga duguan niyang mata habang nakahiga sa sahig.

"Xandra, gising" yugyog ni Jenny sa balikat ng dalaga. Nagising silang magkakakwarto dahil sa pagsigaw niya kanina. Napamulat naman ng mata ng dalaga at napansin nila ang takot at nginig sa mga tingin nito.

"Ano bang nangyari? bigla ka kasing sumigaw?" tanong ni Jenny na umupo na ito sa gilid ng kama. Di muna siya umimik. Ramdam niya ang pagdaloy ng pawis sa kanyang noo at nanginginig pa rin siya.

"Nanaginip ka ba?" tanong ulit ni Jenny.   Napatango na lang siya.

"Irene, kumuha ka nga ng isang baso ng tubig sa kusina" utos ni Jenny sa isa pa nilang kakwarto.

"Takot ako" wika naman ni Irene.

"Magpasama ka kay Kris na lang"

Pumunta na ang dalawa at ng bumalik sila ay isang pitsel ng tubig ang dala nila at dalawang baso.

"O bakit naman isang pitsel ang kinuha niyo?" tanong ni Jenny sa kanila.

"Para di na babalik dun sakaling kailanganin ang tubig. Nakakatakot kaya" sagot naman ni Irene at nahiga na ito sa kanyang kama.

"Sige uminom ka muna para maibsan ang panginginig mo" baling naman ni Jenny kay Xandra na kanina pa tulala simula nung magising ito. Kinuha naman ito ni Xandra at uminom lang ng konti.

"Sige matulog ulit tayo saka bukas na lang tayo magkwentuhan. Hatinggabi pa kasi sabi ni Jenny sa kanila at bumalik na ito sa kanyang kama na malapit sa pintuan pagkatapos niyang ilagay sa lamesa ang baso.

Narinig na ni Xandra ang paghilik ng kanyang mga kakwarto pero sya ay nanatiling gising pa rin. Di na niya makuha ang tulog nito simula nung mapanaginip niya yun. Ramdam niya pa rin ang takot sa kanyang isipao at naiimagine na niya tuwing ipikit niya ang kanyang mata ay nakikita niya ang mukha ng babae sa kanyang panaginip.

Kinaumagahan ay abala ang tatlo niyang  kasama na naghahanda ng pagkain. Bale silang lahat ay nagsasama sa isang kwarto at tumitira sa dormitoryo ng paaralan na kanilang pinapasukan. Pare-pareho silang nag-aaral sa kolehiyo at galing sa iba't-ibang lugar. Si Irene ay galing sa Ilocos pati si Kris habang si Jenny ay taga Pangasinan at siya naman ay galing Cagayan. Pareho silang nag-aaral sa St. Catherine College sa Maynila at nagkakakilala silang apat ng tumira sila sa St. Catherine Ladies Dormitory at nagsama sa iisang kwarto.

Hiwalay ang dormitoryo ng lalake at babae. Nasa side ng paaralan ang dormitoryo ng lalake habang nasa likod naman ang kanilang dormitoryo. May kabuuan na 20 rooms ang dormitoryo nila at dalawang palapag ito. Fully intak na ang bawat kwarto na may apat na nakatira at bawat kwarto ay may sariling C.R at B.R para daw walamjg agawan at di malate sa pagpasok sa kanilang paaralan.

Sa baba ang kanilang kwarto at di problema sa kanila ang C.R at B.R kasi di na naman sila magkakapareho ang schedule kasi di naman sila pareho ng kursong kinuha. Si Jenny ay BSN, si Irene ay BSBA, si Kris naman ay BSIT at siya naman ay BSE.

Nung una silang magkakasama ay kanya kanya silang gamit at paglutuan pero di tumagal ay nagkakasundo silang magtipon tipon na lang para makatipid. Gumawa sila ng skedyul ng kung sino ang magluluto at maghuhugas.

"O Xan, bakit ang laki ng eyebags mo?" biglang tanong ni Kris sa kanya habang kumakain sila. Napatingin naman ang mga kasama nila sa kanya.

"Di ka ba nakatulog nung magising ka kagabi?" tanong naman ni Jenny. Ito rin ang pinakamatanda sa kanila habang magkaedad naman sina Kris at Irene.

"Ano ba kasi ang nangyari?" si Irene naman ang nagtanong.

"Mamaya ko nang ikwento baka may makarinig diyan" matamlay niyang sabi habamdg palinga linga siya sa mga kadoormates nila palabas pasok sa kusina. Walang nagawa ang tatlo niyang kasama at natahimik na kumain hanggang matapos sila. Sila naman ni Irene ang naghugas ng pinagkainan nila.

"O sis pwede mo na bang ikwento amjg napanaginipan mo" atat na sabi ni Irene pagpasok pa lang nila sa kanilamjg kwarto. Nadatnan na nilang naghahanda na si Kris para maligo. Maaga kasi ang klase niya pero napahinto ito nung sinabi ni Irene yun.

Umupo muna siya sa gilid ng kanyang kama. Double deck ang kama nila at dalawa lang kada kwarto at may dalawang aparador ang meron. Nasa baba siya at sa taas naman niya si Kris habang sa ibang double deck na kama ay si Jenny ang nasa baba at si Irene naman ang nasa taas.

"Napanaginipan ko ang isang duguang babae" maikli niyang sabi. Nagulat naman ang mga kasamahan niya.

"Yun lang?" reaksyon ni Kris.

Nagkwento naman siya ng mga nangyari sa kanyang panaginip.

"Hay naku...panaginip lang yun" reaksyon pa rin ni Kris saka nagpunta sa B.R nila na malapit sa kusina. Naiwan silang tatlo sa loob.

Matapos marinig nila ang kanyang salaysay ay ayun di na nagkomento ang dalawa. Parang naniwala naman simja Jenny at Irene pero si Kris ay hindi. Di kasi siya naniniwala sa mga kababalaghan na kwento. Siya ay umidlip lang sandali kasi antok pa rin siya total alas nuebe naman ang pasok niya.

DormitoryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon