Umuwi ng hapon iyon si Jenny na laman pa rin ng kanyang isipan ang sinabi ng kanyang mga kaklase. Di niya alam kong papaniwalaan niya ang mga sinabi ng mga ito. Nang makarating siya sa kanilang dormitoryo ay deretso siyang pumasok sa kanilang kwarto at nadatnan niya si Xandra na nakikinig ng music sa kwarto.
Last subject na ni Kris ng hapon iyon. Nababagot na siyang nakikinig sa kanilang guro. Puro kasi kwento ng kwento ang kanilang guro ng kanyang pinuntahan na lugar na kung tutuusin ay di naman related sa kanilang subject. Walang araw na di nagkwekwento ng kanilang guro at di pa gusto ang pwesto na kanyang upuan sa kanilang klase. Nasa harapan siya. Pagkunwa'y napatingin siya sa likuran pero napatulala siya sa kanyang nakita.
Isang babae na nakadamit ng kulay puti at may kulay pula na nagkalat sa tela. Nakayuko ito na natatakpan ng mahabang buhok ang mukha nito. Imposible! Di ito totoo sigaw ng kanyang isipan sa kanyang nakikita. Gusto niyang gumalaw at magsalita pero ayaw sumunod ang kanyang katawan. Maya-maya ay napansin niyang umaangat ang ulo ng babae at lumingon sa kanyang kinaroroonan kaya bigla siyang napasigaw at napatayo.
"Ms. Sabado? What is your problem? Why are you screaming inside the class?" sunod-sunod na tanong ng kanyang guro. Napatingin siya sa harapan at di niya sinagot ang katanungan sa kanya dahil di niya alam kung totoo ba talaga ang nakita niya. Napansin niyang napatingin din ang mga kaklase niya sa kanya.
"Kanina ka pa kasi napansin na tulala at nakatingin sa likuran at sa bakanteng upuan" sabi ulit ng kanilang guro sa kanya. Tumingin siya sa binanggit ng kanilang guro pero bakante na nga ito. Wala na ang babaeng nakaupo kanina. Dahil dun bigla siyang nakaramdam ng panlalamig ng kanyang katawan at biglang nagsitayuan ang kanyang balahibo na nagpanginig din sa kanya.
"O bakit nanginginig ka pa?" sita ulit ng kanyang guro.
"Ah eh...wala to ma'am and I'm sorry" sagot niya saka napaupo.
"Okay...But I will give you a punishment for screaming a while back since you disturbed the class. You are going to report next meeting" sabi ng kanyang guro.
"Sige ma'am" sagot na lang niya.
"Since its already time...then...Class dismiss" paalam ng kanilang guro.
Mabilis na umuwi si Kris dala pa rin ang nakita niya kanina. Samu't-saring katanungan ang namumuo sa kanyang isipan. Di siya naniniwala sa multo pero ngayon ay parang gusto na niyang maniwala. Sa kanyang pagmamadali ay di niya napansin ang taong nasa harapan niya kaya nabunggo niya ito at bigla siyang napasigaw. Agad siyang napatingin sa kanyang nabunggo at si Irene pala.
"Ay sorry sis" paumanhin na sabi niya.
"Okay sis. Uuwi ka na ba?" tanong ni Irene.
"Oo" matipid niyang sagot.
"Sige...sabay na lang tayo"
"Sige"
Pagkarating nina Irene at kris sa kanilang dormitoryo ay agad silang nagpalit ng damit habang nagsusulat at nag-uusap naman sina Jenny at Xandra.
"Irene at Kris, kayo muna ang bibili ng mga groceries natin kasi wala na" pakiusap naman ni Xandra sa dalawa.
"Sige" sang-ayon na sabi ni Irene.
"O heto yung listahan at pera saka idagdag niyo na lang diyan ang contribution niyo" wika naman ni Jenny. Tumango na lang ang dalawa saka umalis.
Pagkaalis ng dalawa ay nagtungo naman sina Xandra at Jenny sa kusina para magluto. Nagsain ng bigas si Xandra sa kaldero at nagbabalat naman ng kalabasa si Jenny. Matapos mailagay ni Xandra sa stove ang kaldero ay tinulungan na rin niya si Jenny.
BINABASA MO ANG
Dormitoryo
HorrorNag-aaral ka pa ba? Naranasan mo na bang tumira sa isang dormitory? Kung "OO" ano ang mga karanasan na di mo malilimutan sa pagtira sa isang dormitory? Nakatira sa isang dormitory sina Xandra, Jenny, Kris at Irene. Magkakaroommate silang lahat. Noon...