Ikawalong Kabanata

123 0 0
                                    

Maaga pa sa alas singko ay nagising na ang tatlo. Di na nila ginising sina Irene at Kris dahil alam nilang di naman sasama ang dalawa.

Agad silang nagpaalam sa landlady nila na gising na rin na bibili sila ng pandesal pero sa totoo ay pupuntahan nila ang nasunog na storage room. Matapos kasi nilang iwan ito kagabi ay di na nila alam ang mga sumunod na nangyari.

Pagdating nila sa site ay meron pang mga natitirang mga nasusunog so naisipan nila na wala talagang nakapansin ang pagkasunog nito.

Dahil di pa masyadong maaga at may kadiliman pa ay kanya kanya nilang binuksan ang lights ng kanilang mga cellphone. Nagbabasakali sila na may matagpuan na ebidensya.

Lakad at hanap ang gawin nila pero parang walang senyales na may nagtangkang sumunog sa kanila. Nagdesisyon silang bumili ng pandesal na lamang pero sa paglalakad ni Xandra ay may naliwanagan siyang isang key chain na may tatak na RL.

"Guys tignan niyo" sabi niya sa dalawang kasama niya.

Agad naman na lumapit sa kanya ang dalawa at tinignan ang hawak niyang key chain.

"San mo nakita yan?" Nagtatakang tanong ni Jenny sa kanya.

"Diyan, naliwanagan ko" sagot naman niya.

"Guys, buti pa ay bibili na tayo ng pandesal at dun na lang sa dorm natin pag-usapan tungkol diyan. Baka kasi mamaya may makapansin pa tayo" sabi naman ni Myla.

Kaya lumabas na sila at pinuntahan ang malapit na bakery shop sa School nila at bumili ng pandesal.

Pagbalik nila sa dorm ay agad inilapag ni Jenny ang pinamili nila. Nagtimpla na sila ng kanya-kanyang kape.

Nagising na rin ang dalawang kasamahan nila na iniwan nila kanina.

"San ba kayo galing?" Tanong ni Irene sa tatlo na pansin na kagagaling sa pagtulog dahil magulo pa ang buhok.

Si Kris naman ay nagpupunas pa ng mata.

"Pinuntahan namin ang lugar kagabi" sagot ni Jenny.

"Hah? Ano may nahanap ba kayo" Irene asked na kasalukuyan ng nagtitimpla ng kape.

"Meron" Xandra answered.

"Ano" tanong pa rin ni Irene.

"Heto" sagot ni Xandra at ipinakita sa dalawa ang key chain.

"Key chain? Ano naman ang kaugnayan niyan?" Nagtatakang tanong ni Kris.

"Yun nga. Alam namin na wala sa atin ang nakakey-chain pero tignan niyo may tatak ang key chain" paliwanag ni Xandra.

Agad naman na kinita sina Irene at Kris ang sinasabing tatak ng key chain.

"So ano ang ibig sabihin niyan?" Takang pa rin ni Kris.

"Maaaring may ibang tao dun na may-ari nito" sagot ni Xandra.

"Pero teka di ba matagal na yan o nalaglag lang ng tao na pumunta dun" suhestiyon naman ni Kris.

"Sa pagkakaalam ko ay matagal ng walang pumupunta dun kaya nga ipinagbabawal na puntahan dun" singit ni Myla.

"Kung ganun, maari nga na merong ibang tao kagabi na nakakita sa atin kaya nung makita niya ang ginagawa natin ay intention niyang sunugin tayo" sambit naman ni Irene.

"Pwede yan pero ang tanong sino siya at bakit niya ginawa yun?"Jenny curiously said.

"Yan nga eh pero kung may tatak na letra ang key chain at pag-aari nga ng taong yun maaring initial ng pangalan niya ito?" Myla said.

Agad na napaisip ang apat na napatungo sa sinabi ni Myla.

"Kung ganun bakit kaya gusto niya tayong sunugin? Di kaya siya ang killer na pumatay kay Angie?" Konklusyon na pahayag ni Kris.

Sabay-sabay naman na nag-nod ang kasamahan nito.

"Kung ganun kailangan alamin natin kung sino ang may-ari ng key chain na ito" suhestiyon ni Xandra.

"Pero pano? Alangan naman na ipublish mo o ipost sa bulletin ang found isang key chain please claim kay--" katwiran ni Irene.

"Baka mamaya malalaman pa ng killer na yun kung sino tayo" dagdag ng dalaga.

"Kung ganun ano ang nararapat natin na gawin?" Naguguluhan na tanong ni Kris.

"Ang alam ko diyan ay malapit lang siya sa atin kaya siguro alam niya ang mga ginagawa natin. Ang mabuti diyan ay talasan natin ang ating mga mata" paliwanag naman ni Jenny.

Matapos ang mahabang diskusyon tungkol sa nakita nilang Key Chain ay isa-isa na silang naligo at nagbihis.

Araw ng lunes ngayon at tiyak na alam na ng buong eskwelahan ang nangyari sa storage room kaya ito ang buong balita sa paaralan nila.

Papasok sana si Kris sa kanilang room pero agad siyang napasimangot dahil nasa labas ng pinto ang makulit at mayabang na si Renson. Palaging kinukulit niya ang dalaga tungkol sa panliligaw niya.

"Hi Kris" pangiti na bati ng lalake sa kanya.

Hindi niya ito pinansin bagkus ay umiwas siya at pumasok sa loob pero bigla siyang hinawakan ang lalake sa kanyang braso na dahilan para mapatigil siya.

"Ano ba?" Di mapigilan ng dalaga ang mapataas ng tono.

"Alam mo ang hindi ko gusto sa isang babae ay yung snobera at binabastos ako" seryosong sabi Renson.

Matalim na tinitigan ni Kris si Renson at napatingin siya sa kamay ng lalake na nakahawak pa rin sa braso niya.

Kapag kunwa'y ay nagulat siya dahil sa tattoo sa kanyang kamay. Di niya ipinahalata sa lalake ang kanyang pagkagulat saka bigla niyang hinila ang kanyang braso para makawala siya.

Nag-iisang pumasok si Xandra sa c.r ng eskwelahan nila. Agad siyang sumalamin pero laking gulat at nginig ang bumalot sa kanya. Biglang nagpatay sindi ang ilaw at nag-lock ang pinto. Nanginginig na siya dahil parang naririnig niya na may bumukas na cubicle at naka-open na gripo. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at ng mapatingin siya salamin ay isang imahe ang biglang lumitaw dun na nagpasindak sa kanya.

Hindi yung babaeng dating nagpapakita sa kanyang panaginip. Kita niya sa katawan ng babae na tadtad siya ng pako at nakabitin ito. Duguan ang katawan at kita ang pagtulo ng dugo mula dito.

Pero mas lalo siyang nasindak mjg mapansin niya ang sapatos ng dalaga na gamit niya.

"Oh no!" Natutop niya ang kanyang bibig.

Matapos makita ni Xandra ang imaheng yung ay biglang nawala ito at nagbalik sa dati. Akala niya namamalik-mata lang siya pero kinurot niya ang kanyang sarili at talaga nasa realidad siya.

Agad niyang kinuha ang kanyang bag at mabilis siyang bumalik sa dorm. Kailangan mapigilan niya ang lahat bago may mangyari pang masama.

>>>>>

Yehey...malapit na nang mag-end to...

Abangan ang nakakakilabot na pagtatapos nito..

Comment na guys.. 

DormitoryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon