Ikaanim na Kabanata

147 1 0
                                    

Flashback:

Katatayo pa lamang ang St. Catherine Dormitory. Tatlong taon itong itinayo. Dalawang palapag ang nasabing gusali. Sa dormitoryong iyon ay unang tumira sina Cath, Angie at iba pang babaeng estudyante ng St. Catherine University. Puro babae lang ang pwedeng mag-occupy dun.

Magkasama sa iisang kwarto sina Cath at Angie. Dadalawa lang sila infact dapat ay apat ang mag-stay sa isang kwarto pero konti pa silang nagdodorm dun muna.

"Sis, lets go" yaya ni Cath kay Angie. Si Cath pala ay kapatid ni Myla.

"Okay" excited na sang-ayon ni Angie. Parehas ang kurso ng dalawang babae. Nursing Student sila.

Pumasok na sila sa school at buong hapon silang nag-kaklase. Palaging araw-araw ay ganun ang nangyayari.

School, dorm o mamasyal ang ginagawa nila.

Matapos ang tatlong buwan, umiba ang buhay ni Angie. Minsan napapatulala siya kaya nagtataka si Cath.

"Sis, may problema ka?" Tanong ni Cath sa kanyang kasamahan. Di kasi mapakali ang babae sa napapansin niya sa dalaga.

"Kwan sis, may gusto sana akong ipagtapat sayo pero promise huwag mo akong pagtawanan" sagot naman ni Angie.

"Sige" sagot naman ni Cath.

Agad naman na ikinewento ni Angie kay Cath ang problema niya at sa totoo nagulat pa ang isa sa mga kwento niya.

"Huwag kang mag-alala sis. Manalig lang tayo sa diyos" payo naman ni Cath.

Isang hapon ay umuwi na si Cath pero di niya kasama si Angie dahil kausapin pa niya si Dean.

Madilim na pero di pa bumabalik ang kasamahan ni Cath. Tinawagan niya si Angie pero di niya ito sinasagot. Gusto niyang ipaalam sa kanilang landlady pero baka pagalitan pa niya ito.

Inisip na lang ni Cath na sana may pinuntahan si Angie kaya di siya nakauwi. Natulog na lang ito pero parang ramdam niyang malakas ang ihip ng hangin. Kaya sinara niya ang mga bintana.

Kinabukasan, isang nakakamatay na balita ang sumabog sa kanilang paaralan dahil may natagpuan silang bangkay dun sa storage room ng kanilang eskwelahan and worst si Angie ang biktima.

Kasalukuyan...

"So you mean si Angie ang nagpaparamdam sa amin?" Irene asked to Myla.

Tumango naman ang babae.

"Pero bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Kris.

"Yan ang di ko alam" sagot ni Myla.

"Kung ganun, ano ang gagawin natin?" Tanong naman ni Xandra.

"Kung gusto niyo ay magpatulong tayo sa isang espirista" suhestiyon ni Myla.

"Ha?" Sabay na bigkas ng apat na babae.

"Oo, may kilala ako at tiyak matutulungan niya tayo" dagdag na sabi ni Myla.

"So kailan at saan?" Jenny asked.

"Bukas kasi weekend naman" sagot ni Myla.

Tumango naman ang apat na babae.

Matapos na pag-usapan ang lahat ay nagdesisyon silang bumalik sa kanilang bukas.

Kinagabihan ay nagkwentuhan silang apat tungkol sa isinalaysay ni Myla sa kanila.

"Kung malalaman natin ang rason kung bakit nagpapakita ang multo ni Angie sa atin, anong gagawin?" Tanong ni Kris.

"Yan ang di ko pa alam pero ang tanong pano kung ang hula ay nagpapatulong sa atin, anong gagawin niyo?" Irene said.

"Well, tulungan natin para sa ikakatahimik ng lahat" Xandrad said.

"Sa anong paraan?" Naguguluhan na tanong ni Jenny.

"Alam niyo, ipagpaliban pa natin yan at bukas na lang natin pag-usapan okey? Matulog na tayo" asik ni Xandra dahil pati siya ay gulong-gulo din.

Kaya nagsitulugan na silang lahat.

Kinabukasan nga ay pinuntahan ang limang babae ang tinutukoy ni Myla na espiritista. Pagpasok pa lang nila ay agad na nabungaran nila sa sala ang isang matanda na babae na nakapikit na may hawak na dice.

"Alam ko ang problema niyo. Gusto niyong magpatulong sa akin kung bakit nagpapakita sa inyo ang isang kaluluwa" biglang wika ng espiritista.

Nagulat silang lahat dahil pano nalaman ang manghuhula ang kanilang pakay.

"Ah. .eh. .opo" biglang bawi na wika ni Jenny.

Iminulat ng espiritista at tumingin sa kanila. Kunway may sinasabi siyang mga latin na salita at biglang inihagis sa lamesa aamjg dice at tumambad sa kanila ang mga letrang apat. Kinuha ito ng matanda at binuo.

H-E-L-P

ito ang nabuo na letra.

"Ano po ang sabihin niyan?" Takang tanong ni Xandra.

"Nagpaparamdam sa inyo ang kaluluwa dahil may kailangan niya sa inyo" sagot ng espiritista.

"Ano po ang kailangan niya?" Irene asked.

"Kailangan ay tulungan niyo ang kaluluwa para manahimik siya" sagot pa rin ng matanda.

"Sa anong paraan?" Jenny asked.

"Kailangan ay hanapin niyo ang pumatay sa kanya" sabi ng matanda.

"Pero pano? Di ba pwedeng, hulaan niyo na lang" asik ni Irene.

"Di pwede. Mga kaluluwa lang ang kaya kong hulaan" sabi ng matanda at tumayo na ito.

"Salamat na lang" sabi ni Jenny at nagsialis na dun.

Pagdating nila sa kanilang dormitoryo, lahat sila ay naguguluhan sa sinabi ng espiritista.

"o tignan niyo, tama talaga ang teorya ko" sabi ni Irene.

"Pero anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Kris.

"Kung gusto niyo guys, may suhestiyon naman ako para malaman natin kung sino ang pumatay kay Angie" wika ni Myla.

"Mamayang gabi ay puntahan natin ang lugar kong saan nakita ang bangkay ni Angie" suhestiyon ni Myla.

"Ano ka ba? Anong gagawin natin dun? At saka nakakatakot naman yang sinasabi mo" sabi ni Irene.

"Alam niyo guys, ito lang ang alam kong paraan para masolusyunan ang problema niya" katwiran ni Myla.

"Ano ba kasi ang gagawin natin dun?" Tanong ni Xandra.

"Basta dun niyo na malalaman" sabi ni Myla at deretso itong pumasok sa loob ng kanilamjg dormitoryo. Sa labas kasi nag-usap sa isang kubo dun. Sumunod naman ang apat na babae.

Lingid sa kanilang kaalaman nung makaalis sila sa kanilang lugar na pinag-usapan ay may nakarinig ito sa kanilang pag-uusap. Nagtataka man siya ay gusto niyang siguraduhin ang lahat.

"Ano kaya ang binabalak ng mga ito?" Bulong niya sa kanyang sarili saka umalis na ito sa kanyang pinagtataguan kanina.

>>>>>

Comment comment din pag may time... 

DormitoryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon