Pumasok ang apat na babae sa loob ng UTC building. Di nila alam ang pangambang nakaabang sa kanila. Maingat silang lumakad papasok hanggang makarating sila sa kalagitnaan ng loob. Bigla silang napahinto ng may magsalita sa likuran nila.
"Hanggang diyang lang kayo" sigaw ng isang boses lalake.
Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses pero di nila ito maaninag.
"Sino ka? At ano ang kailangan mo sa amin?" Galit na tanong ni Xandra.
Pero tumawa lang ang kausap nila at biglang sinindihan ang ilaw sa kinaroroonan nila. Lumitaw sa kanila ang maraming pako na patirik sa harapan nila at sa taas ay nakabitin sa ere si Kris. Di ito makasigaw dahil may takip ang bibig nito. Agad silang nagpanic dahil sa kalagayan ng kasamahan nila.
"Kung gusto niyong maisalba ang kaibigan niyo ay kailangan kalagan niyo at alisin ang mga pako na nasa sahig. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para gawin yan pero kung hindi ay...patay ang kasamahan niyo" utos ng killer.
"Hayop ka" sigaw nilang lahat.
"O ano pang ginagawa niyo? Times start now" nang-aasar pang sabi ng killer. Saka umalis sa likuran nila. Agad naman na nagtulungan ang mga babae para tanggalin ang mga pako pero sadyang mahirap. Pawisan na sila pero ni kahit isang pako ay wala pa silang natanggal hanggang---
"10, 9, 8, ...5, 4, 3 ...1, ..sorry" sigaw ng killer at pinutol ang tali sa katawan ni Kris.
"No!" Sabay na sigaw nilang lahat. Bumagsak sa harapan nila ang katawan ni Kris na tusok na tusok sa mga pako.
Napaiyak pa silang lahat.
"Tama na ang dramahan. Di pa tayo tapos" sabi ng killer.
"Simula pa lang yan" dagdag na sabi ng Killer.
"Hayop ka! Bakit mo kami ginaganito ha? Ano ba ang kasalanan namin sayo?" Pasigaw at maiyak-iyak ng sabi ni Jenny.
"Alam niyo ba kung bakit? Dahil pakialamera kayong masyado" sigaw ng killer at saka nagpakita sa kanila.
"Ikaw?"
"Oo ako to...si Renson Lopez ang ultimate killer dito" tawa niyang sabi.
"Hayop ka" umiiyak nang sabi ni Xandra.
Tumayo si Irene at patakbo siyang pumunta sa pinto pero biglang pinalo ito ng ulo si Myla. Duguan na napahandusay sa sahig ang dalaga.
"Bakit ginawa mo yun?" Tanong ni Jenny sa pagpalo ni Myla kay Irene.
Ngumisi ang dalaga.
"Alam niyo, isa rin akong killer. Ako ang tagamasid sa loob ng dorm" sagot niya.
"Hayop ka. Traydor" pasigaw na wika ni Xandra.
"Hahaha....kasalanan niyo kasi dahil nagtiwala kayo. Kaya ngayon, mamamatay kayong lahat" sabay tawa ng malakas ang dalaga.
"Kung ganun ikaw rin ang may salarin sa pagkasunog ng storage room?" Tanong ni Xandra.
"Hindi siya kundi ako. Ako ang sumunog sa storage room. At ako rin ang pumatay kay Angie" sagot naman ni Renson nasa kabilang banda.
"Oo. Siya ang pumatay kay Angie. Alam kong nalilito kayo pero ang mga isinalaysay sa inyo ay totoo. Matapos kasing mangyari ang pagpatay kay Angie ay ganun din ang nangyari kay Ate Cath" dagdag naman ni Myla.
"Pero bakit ka pumapatay?" Jenny asked.
"Dahil gusto kong ipatikim din sa inyo kung ano ang naranasan mng ate ko. At alam niyo ako mismo ang pumatay sa kanya dahil nalaman niya kung sino ang pumatay kay Angie" sagot ng dalaga.
"Hayop ka. Pero bakit kinakampihan mo pa ang lalakeng yan. Dapat siya ang patayin mo" galit na wika ni Xandra.
"Hahaha....dahil mahal niya ako" sumagot si Renson.
Umaapoy na sa galit ang mga mata nina Xandra at Jenny sa mga pinagsasabi nina Myla at Renson.
"Alam niyo ba kung bakit una namin pinatay si Kris dahil nakita ko sa notes niya ang sign ni Renson kaya tinawagan ko na si Renson na iligpit siya" sabi ni Myla at tumawa pa ng malakas na parang demonyo.
Dahil di mapigilan ni Jenny ang kanyang galit ay bigla niyang sinunggaban ang buhok ni Myla. Naglaban sila at nag-aagawan sa bakal. Tutulungan sana si Xandra si Jenny pero biglang hinila ni Renson ang buhok nito saka sinakal.
Patuloy pa rin sa pagsasabunutan nina Jenny at Myla hanggang sinuntok ni Myla ang tiyan ni Jenny. Nagpilipit sa sakit si Jenny at pilit na pinatatagan ang katawan. Tumayo si Myla at kinuha ang bakal at akmang itutusok kay Jenny pero umiwas ang dalaga ang buong pwersa niyang sinipa si Myla na dahilan naman ng isa na maihagis si Myla sa isang cabinet at nabagsakan ito asido ang mukha niya.
Di na masyadong makahinga si Xandra dahil sa pagsakal ni Renson sa kanya. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa leeg niya pero biglang may lumitaw na imahe sa likuran ni Renson at siya naman ang sinakal nito.
Biglang napabitaw si Renson sa pagsasakal kay Xandra. Biglang napaupo sa sahig si Xandra na hawak ang leeg nito. At nang iniaangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya kung paano inihagis ang kaluluwa ang katawan ni Renson sa maraming pako na kung saan bumagsak ang katawan ni Kris.
Naghihingalo pa ang katawan ni Renson saka ito nawalang ng buhay. Bumangon naman si Jenny at kinuha niya ang bakal na nabitawan ni Myla kanina sa ka nilapitan itn. Walang pag-alinlangan na itinusok niya sa puso nito.
"Yan ang bagay sayo" sambit ni Jenny at nilapitan si Xandra.
Inalalayan niya itong tumayo at nilapitan naman nila si Irene na nakahandusay sa sahig na duguan. Pinulsuhan nila ito at tumitibok pa. Pinagtulungan nila itong binuhat at nilisan ang lugar na yun.
Muling lumingon si Xandra sa building at nakita niya ang kaluluwa ni Kris na tumulong sa kanya kanina.
Kasama niya ang kaluluwa ni Angie na parehong nakangiti sa kanya.
"Sana manahamik na kayo. At salamat sa pagtulong niyo sa amin" sambit ni Xandra at nagpatuloy na silang lumakad.
Maya-maya biglang may sumabog sa building at ng tignan nila ay nasusunog na ito.
Wakas....
BINABASA MO ANG
Dormitoryo
HorrorNag-aaral ka pa ba? Naranasan mo na bang tumira sa isang dormitory? Kung "OO" ano ang mga karanasan na di mo malilimutan sa pagtira sa isang dormitory? Nakatira sa isang dormitory sina Xandra, Jenny, Kris at Irene. Magkakaroommate silang lahat. Noon...