Ikalawang Kabanata

189 1 0
                                    

Nasa paaralan na si Kris. Kasama niya si Jewa na kaibigan at klasmayt niya. Kasalukuyan silang nasa kantina at nagmemeryenda nang dumating ang mga magbabarkada na sina Renson. Classmate din niya ang mga ito at manliligaw niya si Renson.

"Hi Kris! My loves" bati ng lalake sa kanya. Medyo may pagkamayabang si Renson kaya ito ang rason kung bakit di pa niya ito sinasagot.

"Anong my loves ka diyan at pwede ba tigilan mo nga ako" asar na sabi ni Kris. Kanina pa kasi ito bumabanat sa kanya nung dumating siya sa loob ng klase nila.

"Ang dali mo naman maasar my loves. Bakit my loves ayaw mo na ba sa akin?" Asar niyang sabi sa kanya sabay kindat.

"Mr. Lustre, I would like to clear it to you that you are not my bf and yet we don't have any affair" seryoso niyang sabi at tumingin sa lalake na nakatayo sa bandang gilid niya. Nakaupo kasi ni Jewa at bigla lang kasi lumapit ang mga ito. Di naman nagsasalita ang kasama niya.

"Bakit Ms. Sabado di mo ba ako gusto? gwapo ako, mayaman, at higit sa lahat magaling sa kama" sabi niya at nagtawanan silang lahat.

Galit at naiinis na si Kris sa mga pinagsasabi ng Renson na ito kaya she gave a sign to Jewa na layasan na ang lugar na iyon.

"O my loves bakit aalis na kayo? saan kayo pupunta?" kunwaring tanong ni Renson sa kanya.

"Sa impiyerno, sama ka?" pasigaw na sagot. Napatingin pa ang ibang estudyante na nakadinig sa sinabi niya. Diretso silang magkaibigan na pumunta sa loob ng kanilang room. Nadatnan nila ang mga ilang kamag-aral nila na nagkwekwentuhan sa isa't-isa.

"Bwisit talaga yang Renson na yan. Kailan man ay panira ng moment" pagmamaktol na sabi ni Jewa.

"Talaga...nakakawaka ng gana" sang-ayon naman niya at naupo na sa kanyang upuan. Magkatabi silang dalawa.

"Sinabi mo pa pero infairness gwapo siya"

"O sige ikaw na ang sumagot sa kanya" pang-asar niyang sabi.

"Bakit ako? ikaw ang nililigawan niya at saka di ko siya type no, ang yabang" depensa na sabi naman ni Jewa.

Napansin nilang dalawa ng biglang napatingin sa kanila ang mga classmate nung napakinggan nila ang kanilang usapan kaya nagbigay sila ng what the look sa kanila kaya bumaling na naman ang mga classmate nila sa ibang direksyon and then they talk again with each other.

"Akala ko ba pards, gf mo na si Kris?" biglang tanong ni Julius kay Renson. Kumakain sila sa kantina at inokupa ang table na iniwan kanina nina Kris dahil sa pang-aasar niya.

"Malapit na" confident niyang sagot.

"Alam mo kasi pards, dapat huwag mo siyang inisin. Tignan mo lumalayo tuloy yung tao sayo" komento naman ni Rene na isa rin niyang katropa. Tahimik naman na kumakain ang magkambal na sina Ken at Ket. Di kasi masyadong matalak ang dalawa na kasalungat naman nilang tatlo.

"Huwag niyo akong turuan. Diskarte ko to" sabi niya.

"Pero paano naman kung di ka niya talaga gusto? Pansin ko kasi, matagal mo na siyang liniligawan" sabi naman ni Julius.

"Pagsisisihan niya" seryoso niyang sagot at ngumisi. Nagkatinginan naman ang dalawa sa kanyang sinabi.

"Ah aray" biglang reaksyon ni Kris. Biglang sumakit ang kanyang puson. Napahawak pa siya rito.

"Best, okay ka lang?" nag-alalang tanong ni Jewa.

"Masakit ang puson ko" sagot niya na napapangiwi na siya sa sakit.

"Baka may dalaw ka. Sige, uwi ka muna at ako na lang ang magpapasabi sa ating guro" sabi ni Jewa.

"Salamat fren" sabi niya sabay tayo at lumabas sa kwarto. Nagmamadali siyang lumakad papunta sa kanya dormitoryo.

"O bakit andito ka na? Wala ka na bang pasok?" tanong ni Jenny sa kanya nung dumating siya sa kanilang kwarto. Wala na ang dalawang kasamahan nila. Nag-aayos naman ng sarili si Jenny para pumasok na. Alas dyes kasi ang umpisa ng klaxe nito.

"Masakit kasi ang puson ko" sagot niya at isinabit niya sa dingding ang bag niya.

"Baka may dalaw ka riyan" wika nang kanyang kasama.

"Siguro" tugon naman niya at inumpisahan na niyang magpalit ng damit.

"O sige paalis na ako" paalam ni Jenny sa kanya.

"Sige"

Nag-iisa na si Kris sa kwarto nila. Humiga muna siya sa kama ni Jenny dahil di niya talaga maintindihan ang sakit ng kanyang puson. Napahaplos-haplos siya at napapikit siya.

Siya si Kris. Mayaman ang kanyang pamilya. Maganda siya kaya nga di siya tinatantanan si Renson. Minsan mataray siya sa mga lalake na bumabastos sa kanya. 

Bigla siyang napamulat ng mata ng may maramdaman siya kakaiba. Luminga siya sa loob ng kanilang kwarto pero wala naman siyang napansik. Maya-maya ay biglang umihip ng malakas na hangin at lumamig at atmospera ng kwarto. Parang giniginaw si Kris kaya kinuha niya ang kumot at kinumutan ang kanyang katawan. Tumigil ang pag-ihip ng hangin. Kaya tinanggal niya ang kumot hanggang bewang niya lamang.

Kinuha niya ang kanyang Cp at dinayal ang number ni Jewa. Nagring ito pero di niya sinasagot. Naisip niyang baka nagklaklase pa lang sila. Maya-maya ay naramdaman niyang may malamig na bagay sa pagitan ng kanyang hita at napansin niyang gumagalaw pa ito.

Nanginig siya sa takot. Di naman siya naniniwala sa mga multo at kung ano pa pero ngayon ay natatakot na siya pero nagpapakanatag na lang siya.

Unti-unti niya kinalas ang kumot sa kanyang mga paa at nagulat siya sa tumambad sa kanya. Isang babae na nakahiga ito sa paanan ng kanyang mga paa na dumudugo ang kanyang mata. Duguan ang buong katawan nito at nakita pa niya ang mga dugo na naipunas sa kumot at bedsheet.

Napatalon siya sa kama at patakbong lumabas pero di niya mabuksan ang pinto. Lumingon siya sa kama pero wala na ang babae doon. Nakahinga rin siya ng maluwag.

"Hays...guni-guni ko lang siguro" bulong niya sa kanyang isipan. Bumalik siya sa kama at nahiga ulit. Di na siya nagkumot pa. Tinignan niya kung may bahid ng dugo ang bedsheet at kumot pero wala.

"Guni-guni ko talaga" pampakalma niya sa sarili. Pipikit na sana siya ulit pero may narinig siyang kaluskos sa gilid niya. Inisip na lamang niyang pusa pero nagtataka siya kung pusa yun ay paano ito makakapasok. Ayaw niya sanang tignan pero may nag-uudyok sa kanyang isipan. Lumingon siya sa kanyang gilid at nabigla na naman siya.

Nakatayo ang isang babae na kanina ay nakita niya sa kama. Duguan ang buong katawan pero naaagnas na ito. Duguan rin ang kanyang mata na mapansin mo ang kalungkutan dito.

"Mag-ingat kayo" bulong ng babae at bigla itong nawala.

Kinurap-kurap muna ni Kris ang kanyang mata at nagbabasakaling panaginip ang lahat pero hindi. Kitang-kita niya ang lahat at dinig niya ang sabi ng babae. Di niya maintindihan kung ano ang ipahiwatig nito sa kanya. 

DormitoryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon