Ikapitong Kabanata

116 0 0
                                    

Kinagabihan ay nagpunta ang limang babae sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Angie. Kahit kinakabahan sila ay kailangan nilang palakasan ang loob nila para sa ikakatahimik nila.

Pinasok nila ang madilim na kwarto.

"Ano ba kasi ang gawin natin dito?" Tanong ni Irene.

"Huwag ka nga maingay, mamaya lang malalaman mo rin" sagot ni Myla.

Nang makarating sila sa isang maluwang na lugar na medyo malayo sa pintuan ay inilabas na ni Myla ang mga dala-dala niyang gamit.

Sinindihan niya ang isang kandila.

"Ano ang mga yan?" Nagtatakang tanong ni Kris.

"Ito ang gawin natin, kailangan patibayin niyo ang mga loob niyo sa ating gagawin ngayon" pauna ni Myla sa mga kasamahan niya.

"Kailangan ay mag-spirit of the glass tayo para malaman natin kong sino ang pumatay kay Angie" paliwanag ni Myla.

"Ano? Totoo ba yan?" Natatakot na sabi ni Irene.

"Oo basta maniwala tayo. O ano deal?" Myla said.

Kahit takot man na gawin nila yun ay pumayag na sila kung alam lang nilang yun lang ang paraan para malutas ang lahat.

Umupo na sila at sinimulan ang pagdasal. Lahat sila ay inilagay nila sa baso ang hintuturo nila. Si Myla ay may sinasabi pang mga latin na wika saka nagsimulang magtanong.

"Spirit andyan ka ba? Magparamdam ka" wika ni Myla. Limang beses na paulit-ulit na wika ni Myla.

Maya-maya, umihip ang ng malakas at biglang gumalaw ang baso papunta sa nakasulat sa papel na Yes. Meaning meron na ang espirito sa loob ng baso.

Nagtanong ulit si Myla.

"Maaari bang magpakilala ka" Myla said.

Gumalaw na naman ang baso at binuo ang letrang ito.

A-N-G-I-E

Lahat sila namangha sa kaluluwa na pumasok sa loob ng baso.

Itinuloy ulit ni Myla ang pagtatanong. Tinanong niya kung ano ang ikinamatay niya. At sa cwat pagtanong niya ay gumalaw naman ang baso.

Pero ng tanungin ni Myla kung sino ang pumatay sa kanya ay biglang may nagliyab sa paligid nila na nagpahinto sa kanilang ginagawa. Nung pansinin nila ay lumalagablab na apoy sa paligid nila. Nagkalat na ang usok sa loob.

Agad silang binitiwan ang paghawak sa baso at napatakbo silang lahat sa pinto pero nagtataka sila dahil di nila ito mabuksan. Pilit nila itong binuksan pero bigo sila. Bumalik sila sa loob at naghanap ng lagusan.

Pawisan at panic ang nasa mukha nila dala ang nangyayari sa paligid nila.

"Ayaw ko pang mamatay" nagsisigaw na si Irene.

"OMG! Katapusan na ba natin" paiyak naman na bigkas ni Kris.

"Magtigil nga kayo. Mas lalo lang tayong magpanic sa mga pinagsasabi niyo" bulyaw ni Jenny sa dalawa.

Oo, naiintindihan ni Jenny kung ano ang nararamdaman ng mga kasamahan niya pero walang mangyayari kong mag-iyakan ang gawin nila.

Sina Myla naman at Xandra ay patuloy na naghahanap ng bintana at sa wakas ay may naaninag si Xandra na isang maliit na bintana sa isang sulok. Nasulyapan niya ito dahil may kaunting sinag na nagmumula dito.

Kahit nauubo na sila at pawisan at pilit nilang tinungo ang bintana. Di ito masyadong mataas pero malas pa rin dahil may rehas ito. Humanap ng bakal si Jenny na maaring makasira sa rehas.

Nakita niya ang isang martilyo at agad na kinuha niya ito. Agad na pinagpokpok ang rehas hanggang matanggal. Lumalaki na ang apoy at nasusunog na ang pintuan.

Agad na pumanhik palabas si Myla. Sumunod si Irene na walang tigil pa rin sa pag-iyak. Sinunod naman ito ni Kris na humihikbi din. Saka sumunod si Jenny.

Si Xandra na ang sumunod pero ng pumanhik siya ay naisabit ang maong niya sa isa pako kaya di siya makatalon. Ipinaabot niya sa mga kasamahan niya ang kanyang kamay para hilahin pero talagang parang naipako talaga ang pagkasabit ng maong niya sa isang pako. Pilit naman na hinihila ng mga kasamahan niya sa labas siya.

Tumingin siya kanyang likuran at malapit na ang apoy sa kinaroroonan niya.

Buong pwersa nilang hinila ang kamay ni Xandra hanggang mapunit ang maong nito at nagtagumpay naman sila.

Agad silang tumakbo palayo sa lugar na yon na muntik na silang mapahamak. Hingal na hingal sila na makarating sa dormitoryo nila. Lihim silang pumasok sa isang bintana. Ayaw nilang pagdudahan sila na lumabas sila.

Nang nasa loob na sila ay saka nag-usapan ang nangyari.

Mga pasa at kaunting galos lang ang natamo nila pero pansin sa mukha nila ang takot.

"Muntik na tayo dun" wika ni Myla.

"Oo nga at buti na lang nakaligtas pa tayo" sabi naman ni Jenny.

"Ayaw ko ng gawin yun" pahikbi naman na wika ni Irene.

"Ako din" segunda naman ni Kris.

"Pero ito ang tanong? Pano nagkaroon ng apoy dun?" Nagtatakang tanong ni Xandra sa ka pinalitan ang napunit na pantalon nito.

"Oo nga" sang-ayon ni Jenny.

"Di kaya may gustong pumatay sa atin?" Sabi naman ni Myla.

Lahat sila ay nagkatinginan na magkahulugan.

"Bukas puntahan natin ang lugar" sabi ni Xandra.

"Na naman" reklamo ni Irene.

"Kayo na lang. Maiwan na lang ako dito" natatakot na wika ni Kris,

"Ako din" segunda ni Irene.

"O sige lang. Kaming tatlo na lang" sabi naman ni Jenny.

Matapos silang mag-usap ay natulog na sila. Doon na natulog si Myla at pinahiraman na lang ito ng damit.

Bukas ay nakapagdesisyon sina Xandra, Jenny at Myla para alamin ang buong katotohanan kung paano nangyari ang sunog.

Sa kabilang banda. Napapangiti at napapalakhak siya ng makita niyang nilalamon na ng apoy ang storage roo building. Alam niyang walang lulusutan ang mga tao sa loob.

"Maluluto kayong paramjg letson" sigaw niya saka humalakhak. Nung makita niyang malakas na ang apoy ay tuluyan na niyang nilisan ang lugar. Inisip top news na ito bukas sa kanilang school.

>>>>>>>

Ayan...comment naman diyan kung hindi naman ay mag-vote na lang.

TY

DormitoryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon