chapter 8

1.4K 38 3
                                    

Andrei's Pov:
"Yieeee! milktea! milktea! kuya gusto ko yung nakalagay sa galoon ahh, Yung malaki tas masarap, hahahaa"

To talagang kapatid ko, may sanib!

--a few moments later--

*Bluuuurppp*

Takte! antakaw talaga nito"Kyahhhh! di ko na kaya!, cr lang ako"
Tumango lang ako sa kanya, yan kasi katakawan.
Masarap naman talaga kasi yung milktea, kaso nakaka-adik.Parang ikaw yieeee!!
Nung huli kasi akong uminom niyan, pabalik-balik ako ng cr, kakaihi.

"Ayyy kuya, daan daw pala tayo sa Sm"

"SM?"Sabay kunot ng noo ko.SM ehhh andito na nga kame

"Oo SM, Supermarket! ano kala mo yung SM na mall, ehhh andito na nga tayo! tskk.."

Oo nga nohh, naisahan niya ako doon ahh! Eto namang si Andrea ngiting wagi,ang loko.

Pagkatapos naming mamili, iuuwi ko na tong si andrea, may balak akong pumunta ngayon sa tambayan namin.

"Kuya ihi lang lang ako haaa! dyaan ka lang" Nanaman.

Habang inaantay ko si Andrea, I saw a girl. Si........

Vanessa.

at, sheeeyyt!!!! ang ganda pala niya.
habang naglalakad siya parang nagee slow mo yung paligid, kahit seryoso yung mukha niya, hindi parin nawala yung magandang aura ng mukha niya. Pano pa kaya pag napangiti ko to, sigurado mas gaganda siya.Lagi kasi siyang masungit ehh!

Nakatitig parin ako habang naglalakad siya, then our eyes met.
Takte! may side yung mukha niya na parang mataray pero ang ganda parin talaga niya. At Boom! nilagpasan niya ako.

Pagkadaan niya amoy ko yung pabango niya, shit! nakakaadik.
Hanggang sa nakaalis siya,  di parin ako gumagalaw.
"Kuya? Kuya?" Narinig ko yon, pero di pa rin ako gumagalaw."Kuya? eto panyo ohhh baka tumulo" still. nakatayo parin ako. "Kuyaaaahhhh!!"
"Ano!" pasigaw kong sabi. "Kanina pa kita tinatawag di ka namamansin!"
Nababaliw na talaga ako. Gumagana naman utak ko pero ayaw makisama ng katawan ko."Lika na nga hatid na kita sa bahay, ingay mo ehh!".Buset!

Vanessa's PoV:
Ano tulala kayo sa beauty ko no!! as I walk to the mall andami talagang napapatingin sa akin like duhh! ngayon lang ba sila nakakita ng dyosang naglalakad sa mall. As I walk the path going to a milktea shop I saw a familiar person... Wait let me think of it.... Ahhh! orayttt!

Siya yung lalaking nasa puno. Kapre?
Hindi yun!! yung may black na mask
Oh! I remember na! yung lalaking parang kapatid ni andrea, hindi ko pa kasi nakikita yung mukha noon so I was just curious about him. And he is a gang member. That's creepy.

At nakapunta na nga ako sa finish line I mean sa milktea shop. And enjoy drinking my milktea

Later on, my phone ring
Calling mother earth

"Hey Vanny! my dear, how are you"

"Hey mom, Im okay. What now?"

"We we'll be going back to manila, I'm expecting you to welcome us with your sister."

Sabay end ko ng call. Kala ko naman sila lang! kasama pa pala yong demonyita kong kapatid.

I hate her really much!. Cause she is so bida bida like duhh!! and plastic like af. lagi siya yung pinapansin ni mommy at daddy, at siya pa talaga yung sinama nila sa U.S, so eto ako ngayon lonely sa Pinas.

Okay na sana eh! panira lang talaga ng araw yung bwisit na Demunyang Liana na yun!

flashback:

(Inagaw lahat)

"Mommy I want ice cream"

"No baby it's bad for you"

"Bakit si Ate pwede?"

"Remember? may ubo ka diba? kaya bawal ka kumain?"

Nang tumingin ako kay ate nakatingin rin pala siya sa akin, tapos bigla niya nalang akong binelatan at halatang nag-papainggit sa kinakain niya.

×End×

Naiinis talaga ako sa kanya! kase sa lahat ng bagay na sa akin inaagaw niya gaya nalang ng atensyon nila mommy

Flashback:

Today is my graduation day, and it is one of my important day in my life. Syempre! pinaghirapan ko to! para maging proud sila mama saken

Ng grade 6 students na ang tatawagin. Hinanap ko si Mommy and Daddy. Nakita ko sila kumaway kaway pa sa akin. Nginitian ko lang sila, sobrang excited na talaga ako.

Unang tinawag ang mga walang honors at huli yung may mga honors
Top 3 na ang tinawag, pero pagtingin ko sa kanila ni mommy and daddy, may kausap sila sa phone at halatang nag woworry sila. At bigla silang tumakbo palabas ng school.

Tatawagin ko na sana sila ng biglang minention ang name ko sa stage.

"M-omm-yyy!- Mho-m..myy"

Then I heard my name mention again.
and again.

Yung teacher ko na mismo yung bumaba ng stage, para alalayan ako, papunta sa stage.

Kahit ayaw ko umakyat paren ako, pero wala yung focus ko sa nagsasabit sa akin ng medal.

×End×

After ng graduation I was so sad that day, syempre ikaw ba naman iwanan.
Hindi masasaktan? Wala man lang paalam?

When I came home, Mom apologized
about what happened. Na ospital daw kase ang demunya,umatake daw ang asthma niya then nahimatay sa school and sinugod sa ospital.

Nang makapunta na sila mommy sa hospital okay naman na daw ang lagay niya sabi ng doctor.

Then I found out na all of it was  a show. Sinadya nya talaga yun para hindi maka attend ng  graduation sila mom and dad.

And that's the day that I get so much much much sobra! sobra yung galit ko sakanya!



Hi! MhielGwyneth thank you sa pagcocoment! bigla tuloy akong ginanahan mag update(^^)  Kala ko kasi wala ng mag babasa nitong story nato.

Chill ka lang jan ginagawa ko pa yung next chapter

Your maldita girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon