Vanessa's PoV:
Madami kaming napag-usapan ng mommy ni Andrea. Kainggit nga ehhh, kasi yung mother niya andito lang laging nakasupport sa kanya. BC rin yung parents niya sa business pero may time parin sila para sa anakshies! nila. Hhuhuuhu sana all!."Andrea, asan na ang kuya andrei mo?"Sabi ng mama ni Andrea
Andrei, yan yung pangalan ng kuya ni Andrea. Nakwento niya sa akin. Hehehe share ko lang😀✌.
"Wala pa po mommy ehh, ewan ko kay kuya, na kipag sunt- estei naggroupings ata..."
malalim na buntong hininga ang naisagot ng mama niya.Hindi makatingin si Andrea sa mama niya ng maayos. Pustahan may tinatago tohh...😏
"Hayy, nako talagang pasaway ang batang iyon. Anong oras na antagal tagal umuwi."
Buti pa mama neto nagaalala eyong magulang ko naalala pa ba nila ako? Ang swerte swerte nang iba kasi may nagaalala sa kanila at nagiisip. Sana all... HUHUHUhhhu...Kanina habang nakikipagusap ako pinipigilan kong hindi mahikab... naantok na talaga si ako ehhh...
Maya-maya may pumasok na lalaki. Naka uniform na pang school nang Alvarez University, that means nagaaral siya sa school namin, Famous talaga ang school namin yieee...
Pero diko makita mukha niya, naka face mask.. Siguro pangit tohh, or madaming pimples or di kaya bingot? hehehehe... oops! masyado na ba akong judgemental? sorry naman Ayaw kasi ipakita ang mukha ehh..
Pero may buhok siyang pang koreano Omayghaddd!!! naalala ko tulay si Kim Taehyung babyyyy!!! yieeee...
Matangkad siya at... at... Dugyot..Yeah! dugyot like duhh! andumi dumi I mean kusot kusot ng uniform niya parang galing lang sa suntukan..
Tinitigan niya ako, nang magkasalubong mata namin parang biglang huminto sa pagtibok ang puso ko...
Umiwas siya ng tingin, at umalis na.Haysstt.Bastos na bata! Parang ako. ehhehe
Pagkaalis niya parang nawala ako sa pagiisip.. di ko alam ehhh parang nakatulala lang ako. di ko alam kung bakit tapos yung puso ko pa parang bumilis yung pagtibok.. Tssskk.. dumaan ata si kamatayan...
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na akong umuwi.
"alis na po ako."
"Ahhh iha, gusto mo ipahatid na kita sa anak ko?"
"ahhhh wag na po *ahhhh* (hikab ko yan)" sabay kurap kurap mata.Sabay labas ng susi galing sa bulsa ko.
"Hindi ako papayag, baka mapaano ka pa....Andreiiiiii!!!!!! hatid mo si Vanessa sa bahay nila dali!"-sabi ng mama ni Andrea
Biglang dumating si andrei daw tapos kinuha ng gago ang bag kong nakalagay sa sofa...
Aba-aba! ang kapal ng mukha...tapos sinabit ang isang strap ng bag ko sa balikat niya..Omooo!!! sinabit? my ghaddd mahal yan....
lumapit ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Magsasalita na sana ako ng
"Ho-"
sabay takip ng isa niyang daliri sa bunganga ko like what the fuckk!!Gusto ko sanang kagatin yung daliri niya kaso bago ko pa mabuksan yung bibig ko inalis na niya yung daliri niya sa bunganga ko..
"Miss Vanessa Stewart Alvarez, mamaya na ang arte. Halika ka na wag kang choosy ikaw na nga ang tinutulungan.."
Aba't iniinis ako nitong lalaking to!
"Ayaw ko baka manyakin mo ako o baka kidnapin mo ako NO NO NO NO"
Pero di siya nagpapigil. Kinuha niya yung susi ng kotse sa kamay ko at lumabas sa bahay. Tumingin ako sa mama ni andrei at kay andrea na nakangiti. Kinunotan ko lang siya nang noo. Wahhh!! nababaliw na ba ako?
"Awiiiee! ang cute nyong dalawa.."
Sabi ni Andrea na kinikilig kilig pa."Sige na, magpahatid kana. Mabait at mapagkakatiwalaan yang anak ko. Ikaw lang ang babaeng tinrato ka nang ganyan."Sabi nang mama ni Andrea
Huhhh? Tinrato ng ganyan? diko gets!? Ano connect?
*Beep!-beep*
Pagkatingin ko sa gate nakita ko agad si Andrei na feel na feel na nakaupo sa driver seat, Nasarapan ata ang gago!
Nagmarcha akong lumapit sa sasakyan ko at umupo sa front seat.
"Give me your address."
Cold na sabi ng mokong"At bakit naman? ayaw ko nga baka manakawan pa kami tapos akyat bahay gang ka pala!!!"Sabi ko
"Tsskkk.. Idiot! Saan kita ihahatid?"
Ay oo nga pala.Nakakabobo kasi tong kausap ehh!
"Lucinda Village, Block 13"
At pinaandar niya yung sasakyan. Medyo mabagal yung pagmamaneho niya, hayaan na nga!
"Tssskk.. Aarte arte pa! maghahatid rin pala"
Hindi ko marinig yung sinabi ng hinayupak kaya tinarayan ko nalang siya.
Kinapa-kapa ko sa bulsa ko kung andito ba yung pepper spray ko. And, Thanks god! andito nga. Agad kong tinanggal yung takip at pasimpleng nilagay sa gilid ko.Lagot siya sa akin kapag may ginawa siyang kalokohan.
Sana may laman pa tohh...
Ginamit ko kasi ito nang may nakasalubong akong aso sa labas ng mall....Kahit ganito ako, may kinatatakutan parin ako no! at isa na doon ang aso. like duhhh!! I hate pets.
Nobody's Perfect nga diba
