Third Person's POV
Nakasilip lang sa may back stage ang dalagang si helexa. Nakikinood sya sa performance ng ibang contestants. Kinakabahan ang dalaga, basang basa na ang kamay nya dahil sa kaba.
'Argh! Gusto ko ng mag back out!' sinisigaw ng utak nya.
'Para yan sa section nyo! You're a madison. You should fight!' sigaw naman ng kabilang panig ng utak niya.
"Ah shyt! Bahala na" sabi nya sa sarili nya at gulong gulo na sa kakaisip. Ito pa kasi ang unang pagkakataon na sumali ang dalaga sa ganitong events.
"Hoy! Anong sinisilip silip mo dyan?" nagulat sya sa biglang pag sulpot ng kaibigan nya.
"Ano ba kaye! Ba't ka ba nang gugulat?!" may inis sa tono na sabi ng dalaga.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" napakamot ng ulo si kaye.
"Obvious? Nanonood ng performance ng iba" at inirapan nya lang si kaye.
"Tara na nga lang at mag retouch ka na" sabay hila sa kamay ni helexa.
"Teka! San---"
"Woah! Di naman halatang kinakabahan ka noh? Sa lamig at pawisan mo ba namang kamay" may panunuyang sambit ni kaye sa kaibigan. Sinamaan lang naman sya ni helexa ng tingin.
"Hindi naman sigurong masamang kabahan, di ba?" sarkastikong nyang sagot.
"Hahaha hindi naman. Tara na nga at malapit na kayong sumunod" sabay pa upo ni kaye sa kaibigan nya. Agad namang dumating ang dalawa nilang kaibigan na mas maraming alam sa pagpapaganda ganda. Si trixie naman ang nag retouch sa kanyang best friend at si alice naman ang nag aayos ayos ng damit na sinuot ni helexa. Si kaye naman ay todo review sa kaibigan kung ano ang mga posibleng lalabas na questions mamaya, habang patuloy pa rin sa pag aayos ang dalawa.
"Ano ba naman kayo. Para naman akong octopus neto" reklamo ng dalaga. Humalakhak naman ang mga kaibigan nya at hindi pinansin ang kaibigan nila.
"Hoy mga bruha! Isa isa lang! Hindi yung may nag aayos sa mukha ko. May nag aayos sa damit ko. May nag sasalita sa may gilid ko!" at tinawanan na naman sya ng mga kaibigan nya. Sinamaan nya ng tingin ito.
"Wag ka na ngang mareklamo bruhilda. Wala ng oras" natatawang umiiling iling naman si alice.
"Eh, ano bang nakakatawa?! Nakakabanas na kayo ah!" sigaw ng dalaga sa mga kaibigan.
"Wala lang. Natatawa lang kami pag naiinis ka" tumawa ng mahina si trixie.
"Anyway, handa ka na ba sa performance nyo?" pag-iiba ng usapan ni kaye. Pero hindi ito sinagot ng dalaga at nag kibit balikat lang.
"Anong mukha yan?" tanong nilang tatlo kay helexa. Hindi na kasi maipinta ang mukha ng dalaga. Nakanguso na nakakunot ang noo na magkasalubong ang kilay nito.
"Normal lang ang kabahan helexa. Parte yan ng pagpe-perform" tinapik tapik naman ni alice ang balikat ng dalaga.
"Wow naman po! Ang isang Queen Of Gangster ay kinakabahan dahil lang sa isang talent show? Amazing!" panunuya ng dalagang si trixie. Sinamaan sya ng tingin ni helexa pero tumawa lang ito. Kampanteng sinabi ni trixie ang salitang 'gangster' dahil sila lang naman ang tao sa silid.
"Shut up twinnie" inis na sambit ni helexa. She's trying to relax her self from nervousness. She didn't even know that, the nervousness that she felt, can make her friends see and feel it.
"What a nice performance from class 6-gc!" nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng gym. "And now. The last performer, the class 4-ac! Are you ready to witness their talent?" muling naghiyawan ang mga tao pero mas malakas pa ito kaysa sa kanina. "Let's welcome the class 4-ac!" excited din na sigaw ng emcee.
![](https://img.wattpad.com/cover/191804259-288-k150663.jpg)
BINABASA MO ANG
When Cold Hearted Queen Fall Inlove ✓
Teen Fiction"What if I tell you na gusto kita. No. Mahal na pala kita?" tanong ni ethan sakin. "Gino-good time mo ba ako?" tanong ko. "No. I'm not joking here lexa. I swear, and I mean it" seryosong sabi niya sakin. Well, I secretly fall inlove with him. Ayoko...