Chapter 13: So Happy!

86 12 0
                                    


Aiza's POV

Nung makarating na kami sa house ay nagtipon-tipon muna kami sa sala namin. Isa sa best night toh! Grabeh lang ang saya namin ni twinnie kanina.

"So mom and dad, tita and tito! Kailan po kayo babalik sa france?" tanong ni twinnie, bakas sa boses nya ang lungkot.

"Oo nga po, kailan po balik nyo?" tanong ko din sa parents namin.

"Cguru this friday na princesses" sagot naman ni tito Rex. Ok! Expected na babalik talaga sila. Nakakalungkot lang isipin.

"Ah ganun po ba?" sabi ko naman na patanong.

"Oo princess" sabi naman ni mom.

"Nakakalungkot lang isipin!" sabi ko naman sa kanila.

"Bakit naman sweetheart?" tanong ni tita Lenny sakin.

"Aalis na naman kayo, tapos iiwan nyo na din ulit. Kami nalang naman ni twinnie lagi magkasama eh expected nah" malungkot kong sabi.

"At sino naman ang nagsabing iiwan namin kayo aber?!" sabay nilang sabi. Dahil sa sinabi nila, nagkatinginan kami ni twinnie.

"A--ano pong ibig nyong sabihin?" sabay naming tanong sa parents namin.

"Walang iiwan" sabi ni tita Lenny.

"So hindi na kayo aalis?" tanong ko.

"Aalis pa rin" sabi ni tito Rex.

"Paanong di kami iiwan nyan? Eh aalis naman din pala!" disappointed na sabi ni twinnie.

"Slow nyo mga princesses!" sabi ni tita.

"Try nyo ipa-intindi samin, baka sakaling ma GETS namin!" sabi ko at diniinan ang word na GETS.

"Walang maiiwan kasi lahat tayo aalis, at doon kayo mag-aaral sa france ng college. Doon sa school na pagmamay-ari ni Lenny" paliwanag ni mommy.

Di kami makapaniwala sa sinasabi nila. Ang saya isipin nun! Sa iisang bahay kami magkakasama. Excited na ako!

"Ta-talaga po!!!!" paninigurado namin ni twinnie. Bakas sa mukha namin ang saya.

"Oo naman princesses! Namiss kaya namin kayo! Kaya doon sama-sama na tayo sa france!" sabi nila samin ni twinnie.

"Yey!!!! Excited na ako!" masayang sabi ni twinnie.

"Ako din kaya!!!!" sabi ko din. Ang saya neto!

"O'sya matulog na kayo, at simulan nyo na din ang pag-iimpake sa susunod na araw na ang alis natin" sabi naman ni daddy.

"Opo!!! Goodnight po sa inyo! We love you all!!!" masayang sabi namin ni twinnie. Kiniss namin sila sa chicks nila.

KWARTO

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala! Kung panaginip man toh, wag nyo nako gisingin pls! Hahaha grabeh ansaya!

"Twinnie? Hindi ba tayo na nanaginip?" tanong ko kay twinnie na nakangiti. Lumapit sya sakin at sinampal ako! Putekkk anong problema netong babaeng toh! Masakit din yun ah!

"Hoy babae! Para saan yun? At sinampal mo ako ha?" sigaw na tanong ko.

"Ah confirm!" sabi nya. Anong confirm confirm pinagsasabi nito?

"Anong confirm oiii?!" tanong ko.

"Di tayo na nanaginip! Totoo yung nangyari at sinabi ng parents natin!!!!" sabi nya.

"Ba't kailangan may sampal?! Ano ako tester?!" tanong kong pasigaw sa kanya.

"Wala lang! Chinicheck ko lang kung totoo ka!" sabi niya at natawa pa gaga.

"Explain mo nga kung ba't kailangan pang sampalin ang maganda kong mukha?! Try mo din sampalin yang mukha mo para patas tayo!!" sabi ko naman sa kanya.

"Woah! Ang hangin ah?! Teka nga, di ko yan gagawin sa mukha ko noh! Mahal ko tong fes ko! At masakit kaya ang sampal! " sabi niya.

"Alam mo naman pala ang feeling eh! Pero sinampal mo pa rin ako leche! Gaga ka di mo pa sinasagot ang tanong ko babae!" sigaw kong sabi.

"Ok fine! Chill ka lang dyan! I'll explain naman eh" sabi nya. Di ako sumagot pero binigyan ko sya ng explain-mo-dali-look!

"Ganto kasi yan" panimula nya "Di ba kung akala ng isang tao ay na nanaginip lang sya, sinasampal nya sarili nyang mukha para malaman kung dream lang ba yun o hindi. At ang kaso ng sayo ay ako ang tinanong mo, kaya ako na ang gumawa para sayo*smile* you're welcome!" sabi nya. Aba! Ang gaga ng you're welcome na, bakit di naman ako nagpasalamat sa kanya ah!

"nye nye nye.... So magpapasalamat ako sayo ganun?" sabi ko with sarcastic voice.

"Oo syempre" confident nyang sagot.

"Salamat nga pala sa pagsampal twinnie ah? Natutuwa ako! Sobra! Di din masakit noh?!" inis na sabi ko sa kanya.

"Owh wala yun twinnie! You're welcome!" pang-aasar nya sakin.

"Deputa ka twinnie! Makatulog na nga lang!" sabi ko at nahiga na then nag takip ng unan.

"Cgeh! Goodnight twinnie!" sabi nya.

"Che! Manahimik ka!" sigaw ko sa kanya.

"Bad mo twinnie *pout*" sabi nya.

"Wag kang mag pout! Di bagay sayo!" bored kong sabi.

"Whatever" sabi nya.

Natulog na din sya. Ang saya ko! Sa susunod na araw na ang alis namin. Bukas na ang huling araw namin dito sa pinas. Sure akong gagala kami bukas. Magsusuggest ako na sa zoo kami pupunta. Excited na ako! Matulog na nga lang ako para bukas ok na lahat!

When Cold Hearted Queen Fall Inlove ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon