"You're an Exemption"
"Can I Court you?"
Yan ang paulit paulit na naririnig ko sa isip ko after namin magdinner kanina ng bestfriend kong si Alexis. Hindi ko alam kung pinagtitripan na naman ako ng lokong to kasi sa dami ng mga babae niya bakit naman niya ko liligawan. Pero hindi ko makalimutan yung mga titig niya nung sinabi niya yun sakin. I see and I feel his sincerity.
Bwisit ka Aleximia Orig! Binabaliw mo ko! Feeling mo bibigay agad ako sayo! Porke gwapo at hunk ka na ngayon.hmp!
Oo yan ang full name ni Alexis. Naaasar nga siya dati nung mga bata pa kami pag yan ang tawag ko sakanya kasi feeling daw niya baklang baboy siya.hahaha
Parang pang girl daw kasi yung Aleximia tapos yung Orig kasi sa bicol it means pig. Kaya ang feeling ng loko kong bestfriend si Ms.PigGay siya.
Since grade 3 close na kami, ako ang tagapagtanggol niya pag binubully siya. Siya ang lalaki pero ako etong nagtatanggol sakanya. Napakaiyakin niya nung bata pa kami, mataba kasi siya at maitim kaya madalas siyang tawagin baboy ramo.
Ako naman tingting pa nung mga time na yun. Pero kahit payatot ako kayang kaya ko sila. Boyish kasi ako dahil ikaw ba naman magkaroon ng limang kuya kundi ka maging siga, medyo nalessen na nga lang ngayong highschool na ako dahil sabi ni mama pano daw ako magkakaboyfriend kung lalapit palang sila sakin natatakot na sila.
Isipin ko na nga lang isa lang yun sa mga joke ni Alexis. Sembreak ngayon kaya gusto ko mag gala, ako lng kasi nandito sa bahay. Yung lima ko kuya nasa work. Si mama at papa naman nasa vacation. Lonely ang peg ng lola niyo tuloy. Matxt nga si Alexis na mag gala nalang kami.
After 20mins narinig ko na ang busina ng kotse ni Alexis.
"Wow aga mo bez ah. Bagong buhay?" Pano 1st time ito na hindi siya late sa said time.
"Syempre ayoko maturn off ang nililigawan ko. Baka hindi mo pa ko sagutin bez"
"Puro ka kalokohan. Pinagtitripan mo na naman ako. Siguro nabuking ka na naman ng mga girlets mo na pinagsabay sabay mo sila noh."
"Aray naman bez makabatok ka wagas. Yung totoo babae ka ba o nagpasex change ka lang?" hawak hawak niya yung ulo niya, napalakas siguro talaga pag pagbatok ko.
"Aba! Gusto mo pa ata ng isa pang batok a!"
"Kiss na lang bez" ngumuso pa tong lokong to
"Loko ka talaga e noh. Gusto mo ikiss kamao ko? Hoy tara dito!" ang loko tumakbo sa labas at dumeretso sa kotse niya
"Hoy buksan mo to Aleximia Orig! Babangasan talaga kita!" kinalampag ko ang car window niya
"Ayoko buksan! Kawawa naman ang handsome face ko pag binangas mo" sabay belat sakin
Witwiwwwww... Narinig kong sitsit ng mga lasing na mokong. Upukan ko kayo isa isa diyan e. Porke nakashort at spaghetti strap pwede na manyakin.hmp!
"Maria Solydad get in!" sigaw ni Alexis
"Wait lang bez upakan ko lang mga to. Paisa lng"
ARAY! Pasaway bigla ba ko hilahin papasok ng kotse. Hinilot hilot ko ang kaliwang braso ko, feeling ko magpapasa to.huhuhu
"Masakit?" upakan ko kaya tong si Alexis
"Malamang" sabay irap
"Sorry natakot lang ako kanina"
"Sus! Kaya ko naman ipagtanggol sarili ko noh"
"I know...pero ang dami nila kanina pano kung nasaktan ka nila. Hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyaring masama sayo"
BINABASA MO ANG
ROMCOM One Shot Writing Contest
RomanceOne Shot compilation from the members of WMBC & FU group