Mommy, Baby and Daddies?
Paano kung isang umaga ay magising ka na lang na nakahubad. Walang saplot na kahit ano at tanging manipis na kumot lang ang nakatakip sa iyong katawan.
Hindi lang 'yon, dahil sa paggising mo ay may apat na lalaking nuknukan sa kagwapuhan kang kasama sa iisang kwarto at ang masaklap ay pareho-pareho kayong walang saplop.
And here's the twist. Nabuntis ka. At sa apat na iyon ay hindi mo alam kung sino ang Ama.
--
Irene POV
Nagising ako dahil sa lamig na bumabalot sa buong katawan ko, para akong nasa isang kwarto na nagyeyelo, napakalamig na parang nagkaroon ako ng instant aircon sa kwarto ko na kahit kailan ay alam kong hindi mangyayari. Kinapa ko ang gilid ng kama na kung saan madalas kong inilalapag ang salamin ko sa mata.
*kapa pababa, kapa pataas * weird? Parang may pandesal. Kelan pa naging sweet si Mama at nagdala ng breakfast sa kwarto ko?
Wala kasi akong nakapang salamin, tanging matigas na bagay lang ang nakapa ko, sa pagkaka alam ko ay walang uka uka ang table na malapit sa kama ko, pero bakit parang nagkaroon ng mala pandesal shape ang mesa ko? Baka ginugutom na ako kaya pandesal agad ang nasa isip ko.
Sinubukan kong umupo sa kama nang may maramdaman akong masakit sa bandang ibaba ko, meron ba ako? Pero usually puson ang sasakit sa akin pag may period ako.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. *bukas mata blink, blink* sa una medyo malabo pa ang paningin ko, malabo naman talaga ang paningin ko lalo na pag wala akong suot na salamin pero nakakakita pa din ako, yun nga lang malabo.
Nakita kong nasa ibaba ng kama ang salamin ko, bumaba ako ng kama at akmang pupulutin ang eye glasses ko ng biglang natanggal ang kumot na bumabalot sa katawan ko.
Para akong nanigas sandali, agad kong pinulot ang salamin ko at isinuot ito, kinapa kapa ko ang katawan ko at laking gulat ko na balat ko na ang nahahawakan ko walang kahit anong damit akong makapa, agad akong bumalik sa kama at hinila ang kumot para takpan ang katawan ko, ng biglang may gumalaw.
O_O
May gumalaw? Teka! Kung may gumalaw, may multo akong kasama?
Pinikit ko ang ang mata ko at nagdasal ng Our Father, ang aga aga namang nagmumulto ng multong ito!
" Irene nananaginip ka lang, hindi ka nakahubad, kelan kapa natulog ng nakahubad? At walang multo! Hangin lang yun hangin! Gumising ka! " pinalo palo at kinurut kurot ko pa ang magkabila kong pisngi, umaasang magigising ako sa panaginip 'kong ito.
Binuksan ko ulit ang mga mata ko
* bukas ng isang mata (O_-)*
*bukas ng dalawang mata (O_0) *
Agad kong nakita ang lalaking nasa sofa, nakahiga at nakahubad na tanging unan lang ang tumatakip sa kanyang ibabang parte ng katawan. Teka? Bat may lalaking nakahubad?
Nilipat ko ang paningin ko sa ibaba ng kama sa may gilid, may lalaki ding walang malay na parang tulog pa, nakahubad at may mat na nakatakip sa ibabang bahagi din ng kanyang katawan. Tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko, inalog alog ko pa ang ulo ko, baka naghahallucinate ako.
Inilipat ko ulit ang mata ko sa ibang direksyon, sa may cabinet may nakahigang lalaki walang damit. Niyakap ko ang sarili ko at napakagat labi, lahat sila walang suot na kahit ano. Nasa heaven na ba ako? Pero bata pa ako, ayaw ko pang mamatay! Disi-otso palang ako! Ga-graduate muna ako bago mamatay!
BINABASA MO ANG
ROMCOM One Shot Writing Contest
RomanceOne Shot compilation from the members of WMBC & FU group