"It Must Be Him"

395 23 7
                                    

It Must Be Him

"LEA!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko habang kinakatok ang pinto ng resthouse niya. kanina pa kasi ako kumakatok at wala namang nagbubukasng pinto. Ayoko namang isipin na wala siya dito dahil wala na akong mapupuntahang iba. Huminga ako ng malalim at saka bumwelo at sumigaw ulit. "LEAAAAAAA!!!!"

"WAIT!" may narinig akong sigaw galing sa loob, pero hindi masyadong rinig ang boses.. Tinigilan ko muna ang pagkatok sa pinto at umupo sa maleta sa tabi ko para maghintay.

Pagbukas ng pinto ay lumabas ang isang napakagwapong lalaki na nakatapis lang ng tuwalya sa baba at may mga sabon pa siya sa braso, sa dibdib at sa... abs! Nagpatuloy ang paningin ko pababa.

'Oh my gosh!!!! Yummy!!'

Hindi ko napansin na napatulala na ako. Kahit sino naman kasi maglalaway kapag gantio ka-HOT ang makikita.

"Anong kelangan mo?" bakas sa boses niya ang pagkairita. Siguro dahil nasira ko ang paliligo niya, o dahil sa pagtingin ko sa katawan niya. Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ako makarecover sa ganda ng view na nakikita ko. "Pasensiya na, Miss. Hindi ako bibili." sabi niya habang nakatingin sa maletang inuupuan ko.

Doon lamang ako natauhan at napatayo bigla.

"Wait!" Isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko siya at napahinto naman siya. "Hinahanap ko lang sana si Lea... Nandiyan ba siya?"

'Nasa taas ang mukha, Nikka. Wala sa baba!'

Pinigilan ko ang sarili kong huwag tingnan ang katawan niya at mag focus sa mukha. Pero parang napakaperfect ng mukha niya kaya iniwas ko ang paningin ko at sumilip na lang sa likod niya - pretending na hinahanap si Lea. Hinahanap ko naman talaga si Lea, diba?

"Wala siya dito kaya umalis ka na." Isasara na ulit sana ang pinto pero iniharang ko ang braso ko para pigilan ulit siya.

"Ano... pwede ko bang malaman kung nasan siya? Kelangan ko kasi ng matutuluyan ngayon. At sinabi niya na pwede akong magpunta ito anytime."

"Wala nga siya ngayon dito, kaya umalis ka na. Bumalik ka na lang." walang ganang sabi niya.

"Ay, hindi pwede!" Nagsisimula na akong magpanic! "Wala kasi akong tutuluyan ngayon e. Eto na lang talaga ang choice ko. Kung gusto mo... Matutulog ako ngayong gabi lang, tapos aalis din ako bukas. Pagabi na rin kasi at malayo pa yung mga hotel at wala masyadong sasakyan...”

“Hindi kita papapasukin. Paano na lang kung magnanakaw ka pala? Eh di naisahan mo ko. Umalis ka na lang, Miss.” isasara sana niya ulit yung pinto pero pinigilan ko ulit.

“Hindi! Kelangan ko talaga tumuloy dito ngayon!” at nagpilit ako para makapasok ng pinto habang siya naman ay halos itulak ako palayo! “Kaibigan nga ako ni Lea, itanong mo pa sa kanya!” patuloy kami sa pagtutulakan hanggang...

ROMCOM One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon