"Unspoken Feelings"

520 8 3
                                    

Unspoken Feelings

 

Febuary 14. Ang araw kung kailan nagsisilabasan lahat ng mga magkasintahan para inisin ng bonggang-bongga ang mga single dyan sa tabi tabi. Mga single naman, walang ibang magawa kundi magpakabitter at isumpa lahat ng mga naglalampungan na may araw din kami.

Yup. Single pa rin ang Lola nyo. Sabihin na lang natin na choosy ako kahit na ang totoo eh wala talagang gustong manligaw sakin. *Sob* Ang saklap.

Simula ng magtrabaho ako dito sa DeVega Corporation, di na ako nakaranas na ligawan. Kung may manliligaw man, tumitigil din. Hindi ko nga lubos maisip ang dahilan kung bakit. Not that I’m bragging pero may itsura naman ako. Ganun na ba talaga ako kahaggard at nilalayu-an na ako ng mga lalake? Hindi naman mabaho hininga ko. Nagto-toothbrush naman ako araw-araw tapos nagmamouth wash pa. Naliligo rin ako araw-araw and I make sure na wala akong muta sa mata o kaya’y kulangot na lumalabas sa ilong ko. Sinisigurado kong hanggang ilong lang sya. What’s in your nose, stays in your nose.

Pero kahit na ganun, wala pa ring nagbabago. Single pa rin ang Lola nyo! Huhuhu.

Napabuntong hininga na lang ako. Makabalik na nga lang sa trabaho. Baka kung ano pang magawa kong mali at pagalitan na naman ako ng alien kong boss. Yung walang hiyang alien na nag-uumapaw sa ka-gwapuhan kong boss. Bwiset!

Siya lang naman ang nagiisang rightful sole owner ng DeVega Corporation. Si Alecsander DeVega. Ang sought-after bachelor ng henerasyong ito. He’s ruthless in business  and usually cold. Hindi ko nga alam kung bakit humaling na humaling sa kanya lahat ng mga babae dito sa kompanyang ito. At isa na ako dun. Hehe. Eh bakit ba? Ang gwapo nya kasi talaga! Tsaka may something talaga sa kanya na di ko ma-pin point kaya humaling na humaling ako sa may sayad na iyon.

I must give it to him. Ang gwapo nya kasi kahit nakabusangot na ang mukha. Ewan ko ba kung bakit ganoon 'yun, hindi naman niya siguro pasan lahat ng problema sa mundo, nuh? Sobra naman siya. Di na nakontento sa problema ng kompanya at pinasan pa ang problema ng mundo. Ikaw na kuya! Ikaw na! Hiyang-hiya naman yung buhok ng kili kili ko sa'yo.

Caitlyn!

Shoot! Bigla kong naibagsak lahat ng dala kong files. Yung effort ko! Wasted! Tss. Naman oh! Inis akong yumuko para kunin lahat ng 'yun ng biglang bumukas ang pinto. Lo and behold! I give you Alecsander and all his glory! As usual, walang nagbabago. Pasan pa rin ang mundo.

Bakit ba ang tagal mo? Simpleng pagfile lang ng mga folders di mo pa magawa!” Iritado nyang sabi. Aba’y loko 'to ah! Kung siya kaya pinagfile ko ng mga files na 'to na kasing taas ng Mt. Everest, di kaya siya matatagalan? Ang demanding nito. Ano ba problema nya? Valentines na Valentines, 'yung mukha pinagsakluban ng langit at lupa. Siguro tinanggihan ng date niya kaya ganyan 'yan makaputok ng butchi ngayon. Wawa naman ng alien kong boss na reject for the first time! Sabing sa akin ka na lang di ka pa magsisisi. Sasalubungin pa kita ng kaligayahan! Hahahahaha! Joke lang. Bawal seryosohin. Nakamamatay!

Hindi na lang ako nagsalita. Baka ma-football pa ako ng wala sa oras. Nakakahiya sa mga kalahi ko. Baka i-disown pa nila ako.

Eto na,Sir. Eto na po. Tapos na oh.” Sabay bigay sa kanya.

May gusto ka pa po bang ipagawa sa akin,Sir?” may nakatagong sarkasmo ang aking tinig at nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Makuha ka sa ngiti!

Tinitigan niya ako ng matagal na para bang may tinitimbang. Bigla akong na conscious. Bakit ba kasi kailangan pang tumitig. Nahihiya tuloy ako. Yeeeeeh. Hahahaha! Siguro may hidden desire ‘to sa akin, ayaw lang sabihin dahil nahihiya sya. Sus! Nahiya pa eh alam naman niyang I would gladly welcome him with open arms! Hahahaha. Joke lang ulit. (Mamatay kayo sa inggit! Hahaha.)

ROMCOM One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon