Apple's Story

615 33 13
                                    

"Apple’s Story"

“Maybe you said ‘I LOVE YOU’ first… but I LOVED YOU FIRST.”

 

 

“Apple…”that is Jackie. I can hear them calling my name but that is not the voice that I want to hear. “Apple, let’s go home. Hindi ka namin masasamahan ngayon dito. May ibang lakad si Janyne, may family dinner naman kami ngayon. Please lang! we need to go home now!”

“I’m okay…” I lied and face them. “I will stay here. You don’t need to stay with me everytime. I’m even better,”I smiled. “Sige na, baka ma-late kayo, hindi lang naman ako ang dapat inaasikaso niyo.”

“Are you sure?” alanganing tanong ni Janyne. “I can cancel my appointment for --”

“Oh cut it out!”I cut her then laugh, a fake one. “Just go. I will be okay.”

“Just promise to be safe, huh?” sabi niJackie at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni Janyne. “I love you, sis.”

“Yeah, yeah.I love you more. Now go.”

Kumalas naman sila at sabay na umalis. Tinanaw ko muna sila hanggang sa makaalis sila at mawala sa paningin ko. Bago umupo ulit sa ilalim ng puno sa hill side at tinanaw ang papalubog na araw.

‘God, I miss him.’

Kinuha ko yung maliit na box sa bag ko na may laman na pictures at sinimulang tingnan iyon. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng makita ang unang picture – nasa ibabaw ako ni Paul at galit na galit na parang gusto siyang patayin sa pagkakasakal ko sa kanya. Ang mukha naman ni Paul ay hindi maipinta at hindi alam kung paano aalisin ang kamay ko sa leeg niya. Sa gilid namin ay may isang apple na may kagat na siyang pinagmulan ng ayaw namin.

At sa isang iglap ay bumuhos ang mga alaala ko:

“WHAT’S WRONG WITH YOU?!”galit na galit si Jackie na sinugod ako habang nandito kami sa soccer field at nakaupo kami ni Janyne na palaging kalmado. Hindi kagaya ni Jackie na akala mo laging may pinaglalaban. Kumuha pa ako ng isang apple sa box na nasa tabi namin at kumagat.

“Hinaan mo ng boses mo Alou.”Saway naman ni Janyne sa kanya. Alou kasi ang tawag sa kanya ni Janyne, Jackylou kasi ang buong pangalan niya. Kumuha rin siya ng apple at binato iyon kay Jackie na sinalo naman niya. At umupo naman siya sa tabi namin.

“Sira na naman ang pangalan mo, Apple.”Simula ni Jackie habang may laman ang bibig. “Kalat na kalat sa campus na pinaglaruan mo lang si Jake at itinapon mo na lang basta. Ano ba talagang nangyari at hiniwalayan mona lang bigla? Ayos pa naman kayo kahapon, diba?”

“I just found out na pinagpustahan lang nila ako ng barkada niya, kaya bago pa nila magawang ipahiya ako… inunahan ko na.”balewalang sabi ko at saka kumagat pa sa mansanas na hawak ko.“They just take me for granted, a trophy girlfriend. Mabuti sana kung una ito e, pero hindi pangatlo nayan at lahat sila hindi naman ako pinapahalagahan. They just use me. Si Tofer, ginamit ako para manalo sa Student Council. Si Leo naman, sinabing girlfriend ako para makakuha ng scholarship dito sa school dahil kasama sa board si Papa, at ngayon, si Jake naman… he just use me to prove his ego to his friends and bet for Php10,000 when he proved that he can take me to bed. Men men men.They are all the same. I’m tired of it.”

ROMCOM One Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon