Lahat ng estudyante sa CLINTON HIGH SCHOOL ay ipinatawag ng Principal na si GNG. MARICEL PURIPICASION.
"Ano na naman bang i-a-announce ne'tong matandang 'to? Nakakainis!" Reklamo ni Keyceline Devero sabay tingin na naman salamin. Isang estudyante na kabilang sa star section sa fourth year. KIKAY ng barkada at sa klase nila.
"Pwede bang manahimik ka na lang, Keyceline? Ang arte arte mo!" Bulyaw naman sa kanya ni Rogelda Estrella. Kaklase nya ito. Ito naman ang SIGA ng School. Oo kahit babae ito, mas siga pa ito sa siga.
"Wag mo na lang din kasing pansinin, Rogelda!" Pakikisabat naman ni Paolo Carandang. Ang TOP 1 sa kanilang klase at PINAKAMATALINO sa barkada. Gwapo ito at magaling sa basketball. Full packaged kumbaga.
"Ayan na, nagsasalita na siya. Tumahimik na kayo!" Pagsaway sa kanila ni Juvy Calma. Ang ARTIST sa barkada at school. Artist dahil sa galing nito sa pagde-design sa kung ano-ano.
"Okay Clinton High School, kaya ko kayo pinatawag dahil sa napakahalagang sasabihin ko. Makinig kayong mabuti..." Lihim na napangit ang Principal. Pero bakit?
"Dali na! Nagpapa-suspense pa. Letche!" Pagrereklamo ni Joy Salas. Ang IT GIRL ng barkada at school. Ex rin ng bayan ang bansag sa kanya. Malandi in short.
"Ssh. Matuto ka ngang gumalang sa matatanda!" Saway sa kanya ni Karl Luis Dalampasig. Ang NERD sa barkada. Hindi nga nila alam kung bakit sila pumayag na ipasok ito sa barkada ni Samantha.
"Oo nga, Joy." Pag-sang-ayon ni Sam kay Karl Luis. Tumaas naman ang kilay ni Joy at umalis sa tabi ni Sam at ni Karl Luis. Si Sam Gonzales naman ang pinakamabait sa barkada nila. THE INNOCENT ONE.
Nagpatuloy na sa pagsasalita ang principal.. "Sa fourth floor ng school naten ay may isang class room na hindi ginagamit dahil nakakatakot ito. Haunted. Haunted ang tamang tawag sa room na 'yun. Kaya pinagbabawalan ko kayong lahat! Walang papasok doon! Wala. Kung sino man ang hindi sumunod sa utos ko ay magdudusa. Magdudusa..." Nakakatakot ang boses ng Principal. Parang may hinanakit. May galit.
Napangit naman ng palihim si Gerald Angeles. Ang adventurer sa barkada. Walang kinakatakutan. Walang takot sa buhay. MANHID na tao. "Mukhang may bago na naman akong malalagay sa album ko.." Natutuwa nyang saad. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ng Principal na kung sino ang papasok dito ay magdudusa.
Pagkatapos ay pinabalik na sila sa kani-kanilang classroom.
"Nakakakilabot yun mga dude!" Sabi ni Steven Rizada. Ang PLAYBOY sa barkada. Pero takot sa mga multo at kung ano-ano pa. Pero hindi siya takot na makasakit ng damdamin ng mga kababaihan. Wala siyang puso.
"Tangina mo! Pero pag nanakit ka ng babae hindi ka kinikilabutan!" Sigaw sa kanya ni Naif Magarang. Ang LOYAL sa barkada. Kasalungat ni Steven. Sobrang bait nito sa mga babae pero sobrang salbahe sa mga lalaki.
"Well. Hahahaha."
"Gago mga dude. Katabi ng room naten yung classroom na sinasabi ni Principal." Sabi naman ni Erwin Malate. Ang CLOWN ng barkada. Lahat sa kanya biro. Siguro hindi tumatawa ang barkada nila kung wala siya.
"Guys, tara na. Nandun na daw sa room si Ma'am TIONGSON." Sabi ni Aileen Macaraig. The MATURED ONE. Para na siyang matanda kung magsalita. Napakalawak ng mga salita na binibitawan. Hindi na nga minsan maintindihan ng barkada ang sinasabi nya. Nakakakilabot rin.
BINABASA MO ANG
CLASSROOM
HorrorIsang class room na nakakatakot, pinagbabawalan ang sino mang estudyante na wag papasok dito. Pero ang may isang grupo ng magkakaibigan ang sumubok. Dahil na rin sa kanilang curiousity. Paano kung mamatay sila? Papasok ka rin ba?