AILEEN MACARAIG
"Ano kaya talagang meron sa classroom na yun? Nakaka-curious talaga e!" Sigang tanong ni Rogelda. Punyeta. Hindi nya ba babawasan kasigaan nya? Tsk.
"Malay ko. Edi sana kung alam ko sinabi ko sa inyo diba? Isip isip din." Bored kong sagot sa ko. Nandito kasi kami sa tapat ng room namin since wala kaming klase. Kasama ko dito si Rogelda at si Erwin. Yung ibang yata may kanya-kanyang ginagawa.
Tinignan naman ako ng masama ni Rogelda at tinarayan ko lang siya. Duh. Hindi ako natatakot sa kanya. Ang mga takot lang kay Rogelda yung mga totoong hindi nakakakila sa kanya.
"Kada tumitingin ako dyan, tumatayo balahibo ko. Nakakatakot mga dude!" Bigla sabat ni Erwin. Srsly?! Bakit sa barkada namin mas matatakutin pa ang mga lalaki. Psh.
"Bakla ka yata, Malate e." Sigang sabi ni Rogelda. Unti-unti namang naglakad papunta si Erwin kay Rogelda at akmang hahalikan nang sampalin ni Rogelda si Erwin.
"Bakla pala ah." Pang-aasar ni Erwin. Dahil naaalibadbaran ako sa kanilang dalawa...
"Doon nga kayo maglandian. Mga punyeta kayo!" Sigaw ko sa kanina. Mga papansin e. Tinaasan ko naman sila ng kilay ng sabay nila akong sabihan na masungit. Pake ba nila?!
Nagmumuni-muni ako dito nang mapatingin na naman ako sa pinto ng classroom na yun. Ano ba talagang meron dun? Dahil na rin sa curiousity ko. Unti unti akong naglakad papunta doon.
Saktong pagpatong ko ng kamay ko sa door knob nay humawak rin sa balikat ko.
"Shit!" Mura ko. Pagtingin ko si Naif pala. Shit talaga!
"Sinabi na ngang walang papasok dyan e. Tigas talaga ng ulo mo! Haha." Aba't?! Tinawanan pa ako? Gago rin 'to ah.
"Nakaka-curious kasi. Ikaw ba? Hindi ka naku-curious?" Tanong ko sa kanya pero nakatingin pa rin ako sa pinto. Wala namang nakakatakot. Pero pag hinawakan mo, titindig talaga ang balahibo mo. Geez.
"Araw-araw, Ai. Araw-araw akong naku-curious. Pero syempre, natatakot ako. Nakita at narinig mo naman si Principal diba? Sobrang nakakakilabot yung tono ng pagsasalita nya. Lalo na yung huling linya nya. Para siyang galit." Sagot nya. Nag-agree naman ako dun. Sobrang nakakakilabot talaga si Principal.
"Pero alam mo gusto ko talagang pumasok dito..." hahawakan ko na sana ulit yung door knob nang hawakan nya ang kamay ko.
"Tara na, Aileen. Lunch time na. Wag matigas ang ulo." At hinila nya ako. Bago pa kami makalayo, lumingon ako ulit doon
Mapapasok din kita...
ROGELDA ESTRELLA
Kasalukuyan kaming nagbabangayan netong si Erwin. Tangina kasi neto, sabihan ba akong tomboy? Ang ganda kong tomboy ah!
"Tangina ka! Hindi nga ako tomboy! Fuck you!" Sigaw ko sa kanya saka binato yung bag ko.
Nasalo naman nya.. urg! "Hahahahaha. May babae bang ganyan kalutonh magmura? Hahahaha tomboy ka e. Tomboy tomboy tomboy!" Sa sobrang inis ko. Iniwan ko na siya doon pero bago yun, binato ko muna siya ng napulot kong maliit na bato! Ayun, bulls eye! Hahahahaha.
Tuwang tuwa akong naglalakad kasi nakaganti ako kay Erwin kahit papano. Pero nawala lahat ng tuwa ko nang nakita kong papalapit ako nang papalapit sa classroom na yun.
Papalapit na sana ako doon, nang tawagin ako ni Karl Luis. Whoo! Buti na lang. Baka kung hindi pa ako natauhan, nasa loob na ako. Geez. Katakot.
"Sa Audi daw, sabi ni Juvy, Rogelda." Sabi nya. Lumapit naman ako sa kanya pero tumingin ulit ako doon.
BINABASA MO ANG
CLASSROOM
HorrorIsang class room na nakakatakot, pinagbabawalan ang sino mang estudyante na wag papasok dito. Pero ang may isang grupo ng magkakaibigan ang sumubok. Dahil na rin sa kanilang curiousity. Paano kung mamatay sila? Papasok ka rin ba?