Magsisimula na..
PAOLO
"Nasan si Aileen? Si Erwin? Si Joy?" Tanong ko. Silang tatlo na lang kasi ang wala dito sa room namin. Napatingin naman ako sa pinto nang pumasok si Gerald.
"Pinabibigay ni Ma'am." Sabi nya saka inabot sakin yung susi.
"Nagreple na sakin si Joy, pabalik na daw siya. Umihi lang daw." Sagot ni Rogelda. Tumango naman ako.
"Si Erwin saka si Aileen?" Tanong ko ulit.
"Cannot be reach si Aileen." Sagot ni Sam.
"Shit.. sabi na kasing wala ng lalabas dito sa room eh!" Sigaw ko. Napatahimik naman silang lahat. Kinakabahan ako. Oo.
Napatingin kaming lahat kay steven nang mag ring yung cellphone nya..
"Tangina mo dude! Nagagalit na si Paolo. Bumalik na kayo dito!" Sigaw ni steven. "Oh sge. Buti na lang may dala kayong flashlight. Ingat kayo."
"Anong sabi?" Tanong ni Karl.
"Pabalik na daw sila. May naiwan daw kasi si Aileen sa audi, binalikan lang daw nila." Nawala naman lahat ng kaba ko.
Maya-maya pumasok na agad si Joy, napansin ko namang nagtataka rin siya.
"Asan yung dalawa?" Tanong nya.
"Pabalik na daw." Steven. Napansin kong nag-smirk siya. Nagtaka naman ako kung bakit.
"K" cold na sagot ni Joy. Ano bang meron sa dalawang 'to?
Ilang minuto lang din, bumalik na si Aileen at si Erwin.
"Ano bang naiwan mo, Aileen?" Tanong ni Juvy.
"Cellphone ko. Sorry sam, hindi ko nasagot. Naiwan ko kasi sa Audi." Pagpapaliwanag nya.
"Okay lang. Tara na, ayusin na muna natin lahat 'to para bukas, madali na lang naten maayos." Naka-ngiting sabi ni Sam saming lahat. Napatango naman kaming lahat.
Bawat isa samin may kanya kanyang ginagawa.
THIRD PERSON POV
"Fuck! Mga dude, narinig nyo yun?!" Napatayo si Steven pagkatapos nyang itanong yun sa mga kaibigan nya. Nakarinig siya.. nakarinig siya ng ungol. Ungol na nakakakilabot.
"Alam mo, Steven, kesa tinatakot mo ang sarili mo, ipagpatuloy mo na lang yang ginagawa mo para matapos ka." Medyo naiinis na sabi ni Naif. Dati pa lang ay mainit na ang dugo nito kay Steven dahil sa mga pananakit nya sa damdamin ng mga kababaihan.
Umiling-iling naman si Steven, marahil inaalis ang takot na nararamdaman nya. Pero hindi siya pwedeng magkamali. Nakarinig siya ng ungol. Maraming ungol..
"Tapos na ako." Sabi ni Aileen. Natapos na pala nito ang pag gugupit. Yun kasi ang nautos sa kanya.
Pumunta si Aileen sa sulok kung nasaan ang mga bag nila.. napatayo siya bigla nang may naramdaman siyang malamig sa batok niya. Lumingon siya sa likod sa pag-aakalang pinagtritripan lang siya ng mga kaibigan. Pero lahat sila ay busy sa mga ginagawa nila.. kaya sa takot, binilisan nya na lang ang pagkuha ng ear phones nya at bumalik sa gitna ng class room kung saan nandun ang mga kaibigan nya..
Pinili na lamang nyang hindi sabihin ito sa mga kaibigan, baka kasi hindi rin siya paniwalaan ng mga ito.
Pagpasak nya ng ear phones nya sa tenga nya ay napapikit siya.
Nagulat siya nang may naramdaman siyang kamay na nakayakap sa kanya. Agad siyang napadilat dahil doon. Agad na bumaba ang tingin sa tyan nya pero wala siyang nakitang braso pero ramdam na ramdam nya na meron talagang nakayakap sa kanya.
"Tulungan nyo po ako, ate. Huhuhu" mas kinilabutan siya sa kanyang narinig. Sa hindi nya malamang dahilan, mas pinakiramdaman nya ang parang batang nakayakap sa kanya at bumulong sa rito..
"Nandito lang si ate. Tahan na.."
"S-sino kausap mo, Aileen?" Nagtatakang tanong ni Naif.
"Hah? Wala. Nakikinig lang ng music. Bakit?" Nagtataka ring tanong nya. Sa pagkakaalam nya, wala naman siyang kausap.
"A-ah. W-wala. T-tara? May baon palang pagkain si Sam para sa 'ting lahat." Nag-aalangan ngumiti si Naif kay Aileen. Alam nyang narinig nyang nagsalita si Aileen at parang may kausap talaga ito.
"Tara" Nakangiting aya sa kanya ni Aileen. Pero baka wala lang talaga yun, sabi nya sa sarili nya. Dala na rin siguro ng gutom.
Pabilog silang nakaupo sa gitna ng classroom nila.. Isa-isang binigyan ni Karl ng disposble na pingga, kutsara at tinidor ang mga kaibigan nya.
Hindi nya alam kung namamalikmata lang ba siya pero may nakikita siyang katabi ni Joy, hindi nila ito kaibigan at paniguradong hindi na ito tao. Multo? Tama. Multo ang tawag nya sa nakikita nya.
Ipinagsawalang bahala na lang nya ang nakikita. Hindi nya maiwasang tignan ito dahil katapat nya lang ito. Napalaki ang mata nya ng nginitian siya nito.
"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa nakatitig. Punyeta naman!!" Marahil akala ni Joy ay siya ang tinitignan ni Karl dahil katabi nya ang nakikita nito. Sa pagsigaw ni Joy, bigla namang nawala ang multong nakita nya. Baka naingayan sa babaeng yan, sabi nya sa kanyang sarili.
Nagpatuloy na sila sa pagkain. Si Joy naman biglang nilamig, hindi nya alam kung bakit pero nangangatog siya.
Napansin nya namang tinititigan siya ni Steven..
"Ano nangyayari sayo, Joy?!" Nag-aalalang tanong ni Steven. Halos katapat nya rin kasi ito.. naalarama naman ang lahat sa pagsigaw ni Steven.. si Paolo na katabi ni Joy ay nagulat rin, nakita ni Paolo na sobrang nangangatog si Joy kaya kinapa nya ang noo nito.
"Shit! Ang taas ng lagnat nya!" Sigaw ni Paolo. Si Sam naman ang pinakanag-alala dahil sa narinig nya.. agad agad na kinuha ni Sam ang pinabaon sa kanya ng mommy nya na gamot.
"Eto tubig, Sam yung gamot!" Sigaw ni Steven.
"Wag ka ngang sumigaw, Steven! Walang magagawa yang sigaw mo!" Sigaw sa kanya ni Karl. Ginulo naman ni Steven ang buhok nya.
"W-wala kasi kayong a-alam mga d-dude!" May namumuo ng luha sa mata ni Steven. Mababakas naman sa mga mukha nila ang pagtataka. Anong walang alam?
Hinawakan ni Keyceline ang kamay ni Steven. "Keep calm! Breath in, breath out..." pagpapakalma sa kanya nito kay Steven. Sinunod naman iyon ng binata..
"Now, ano ang sinasabi mong wala kaming alam?" Kalmadong tanong ni Keyceline. Tinignan naman ng binata ang dalaga at ngumiti lang si Keyceline dito.
"Mga dude kasi, nung huling magkalagnat siya nang ganito kataas, muntikan na siyang mamatay.. Mukha lang malakas si Joy pero napakahina nya sa loob.." Lahat ng mga kaibigan nila ay nakatingin lang sakanya. Ngayon lang nila nakitang ganito ka-problemado.
"Pasensya na.." Napatingin naman sila sa nagsalita na si Karl.. "Hindi ko naman kasi alam na may ganyan pala siyang karamdaman.." Halos pumiyok si Karl habang sinasabi nya ito. Nakokonsensya na siya.. hindi pa naman huli ang lahat diba?
Nabalot ng katahimikan ang classroom nila... makaraan ang mahigit isang oras may narinig silang nagsalita..
"Guys..."
-
Ngayon pa lang nagsisimula ang lahat.....
BINABASA MO ANG
CLASSROOM
HorrorIsang class room na nakakatakot, pinagbabawalan ang sino mang estudyante na wag papasok dito. Pero ang may isang grupo ng magkakaibigan ang sumubok. Dahil na rin sa kanilang curiousity. Paano kung mamatay sila? Papasok ka rin ba?