4

39 1 0
                                    

ERWIN MALATE

Habang naglalakad ako sa hallway sa 4th floor, pasipol sipol lang. Cool. Swag. Mga ganon. Hahaha.

Bigla akong napatigil sa pag sipol nang makita kong papalapit na pala ako sa classroom na yun. Lahat ng buhok ko tumayo. Kahit yung buhok ko sa kili-kili at sa etits tumayo. Punyeta! Kahit sinong gwapong lalaki matatako din dito. Katulad ko na lang. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magpatuloy sa paglalakad.

Nagulat naman ako sa sarili ko nang mapahinto ako dito. Bakit parang lahat ng takot ko, nawala? Anyare? Magic? Rude? Yucks corny. Pero seryoso, nawala lahat ng takot ko.

Nakatitig lang ako sa pinto. Ewan ko, may parte sakin na ayaw umalis dito. Na parang may nag-uutos sakin na buksan at pumasok sa loob.. Papasok ba ako? Kaso, baka masaktan siya. Baka kasi virgin? Joke.

Halos kinse minutos na yata akong nakatitig lang sa pinto. Wala namang nakakatakot, maayos naman ang pinto. Kakulay pa nga ng mga door ng ibang classroom dito. Nakakapagtaka lang talaga kung ano ang kakaiba at nakakatakot dito. Tinamaan na rin yata ako ng curiousity.

Makailang beses akong lumunok bago ko gawin ang unang hakbang ko. Tangina. Ubos na laway ko. Tubig nga o kaya yung juice nyo na lang, girls. Ay joke ulit. Bago ko gawin ulit ang panibagong hakbang nagdasal naman ako..

"TANGINA!" Mura ko nang may humawak sa balikat ko.

"Ay sorry bro! Hahahahaha. Pasenya dude." Tangina netong Steven na 'to. Papatayin ko 'to!

"Tangina mo ulit, Rizada!" Sigaw ko sa kanya at tinaas ang middle finger ko.

"Sorry na nga e. Tangina mo rin! Hahahaha. Gago, tawag kasi tayo ng adviser natin. Ikaw na lang kasi kulang sa barkada." Tumango na lang ako at pinakalma muna sarili ko. Whoo. Muntik nkong mamatay. Ayoko pa, Virgin pa 'ko e.

SAM GONZALES

"Kaya mo ba? Tulungan na kita." Alok sakin ni Karl. Ngumiti ako sa kanya at binigay ang konti sa mga dala ko. Mga kakailanganin namin 'to para mamayang overnight namin dito sa school.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nag-'your welcome'

Tinext kasi ako ni Aileen na hinahanap daw kami ni Ma'am Tiongson, adviser namin para daw pag-usapan ang gagawing overnight mamaya.

Pagdating namin sa room, napatingin sa classroom na katabi ng room namin. Yung sinasabi ni Principal. Yung nakakatakot na classroom. Tinanggal ko lahat takot at imahinasyon ko bago ako pumasok sa room namin.

"Ready na ba kayong lahat, mga anak? Lahat ba ng kakailanganin nyong gamit, dala na ninyo?" Mabait na tanong sa'min ni Ma'am Tiongson.

"Opo." Magalang na sagot naming lahat. Sa barkada, lahat ginagalang si Ma'am Tiongson, maski si Joy. Si Ma'am Tiongson nga lang ang ginagalang na teacher nyan e.

She was my best friend back then. Kaso pinandirian ko siya. Nandiri ako sa kanya nang hindi ko inaalam ang buong istorya. Pero nung nalaman ko naman ang buong istoryo siya naman itong nagalit. Kesyo wala daw akong kwentang best friend. Iniwan ko daw siya. Ako na nga lang daw ang tinuturing nyang pamilya pero iniwan ko siya. Lahat ng paraan ng paghingin ng tawad, ginawa ko pero lagi nya akong tinataboy. Wala na daw magagawa ang sorry ko. Wala na..

"P-po?" Tinatawag na pala ako ni Ma'am Tiongson.

"I said, pinayagan ka ba ng mommy mo dito?" Naka-ngiting tanong ni Ma'am. Ngumiti naman ako bago sumagot.

"Opo ma'am. Ipinaliwanag ko rin naman po kay mama kung bakit kami mag-o-overnight dito." Magalang kong sagot.

"Good to hear that. Wait, where's Gerald?" Sasagot na sana ako nang magsalita si Joy.

"Hindi po siya pumasok, nay. Pero pupunta daw po siya dito 5 pm sharp." Sagot nya. Napangiti naman ako ng palihim. Kapag kasi kausap namin si Ma'am Tiongson, parang siya ulit ang dati kong best friend. Magalang, mahinhin, mabait..

"Ahh. Okay. Basta, kung ano man ang mangyari sa inyo, itext nyo ko agad. Tatakbo ako dito school mula sa bahay." Natatawang paalala ni Ma'am. Natawa naman kaming lahat. She's our mom here in school. Sobrang maaruga siya samin siguro dahil na rin sa wala siyang anak. May asawa siya, oo. Pero namatay ito agad noong 2 taon pa lamang silang kasal ng asawa nya kaya hindi sila nagka-anak. Pano ko nalaman? Actually, alam ng buong klase namin yun. Mahilig kasing mag-kwento si Ma'am lalo na kapag maikli lang ang lecture nya. She's our science teacher pala.

"Oh paano? Mauuna na ako ah? Yung mga paalala ko mga anak. Wag na wag kakalimutan. Mag-ingat kayo dito." Napatango naman kaming lahat. Sino ba ang hindi gagalang kay Ma'am? Napakahinhin nyang magsalita at napakaganda kahit na may edad na.

"Ingat po kayo, Nay!" Napatingin kami sa sumigaw na yun, Si Joy. Siya lang naman ang tumatawag na 'Nay' kay Ma'am. Nang mapatingin siya sakin ay nginitian ko siya pero wala akong natanggap na ngiti mula sa kanya. Naiintindihan ko naman. Masakit talaga ang iniiwan..

Lumabas ako ng room at sinundan si Ma'am ng tingin hanggang sa makababa siya. Pabalik na sana ako ng room na mapatingin na naman ako sa classroom na 'yun.

Nang maramdaman kong naglalakad na pala ako papunta sa tapat ng classroom na yun ay nagdasal ako ng paulit-ulit at kinuha ang rosaryong nasa bulsa ko.

Tumigil. Idinilat ko ang mata ko. Nasa tapat na pala ako ng classroom. Habang papalapit ako kamay ko sa door knob ay nagdadasal ako. Pero bago ko mailapag ang kamay ko sa door knob ay may humawak sa kamay ko. Muntik na akong kapusin ng hininga pero natuwa ako nang makita 'kong si Joy pala iyon.

"Ang tigas ng ulo mo. Sinabi ng wag bubuksan at walang papasok dyan." Walang emosyon nyang sinabi yun pero nakikita ko sa mata nya ang care nya sa 'kin bilang best friend.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at niyakap siya. Napapikit ako. Sobrang tagal na ng huli naming pagyayakap. Mas hinigpitan ko pa ang yakap nang hindi niya ako itinaboy.

"I'm sorry.."

GERALD ANGELES

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Cliton High School. Ang school na sobrang popular sa lahat ng asignatura at isports.

Tatlong araw na at hindi ko pa rin maalis sa isipan ang classroom na nabanggit ni Principal. Sino bang hindi maku-curious doon? Oo, first day pa lang, napapansin ko na yun. Unang araw pa lang ng pagiging senior high ay na-curious na ako sa room na yun. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ba talaga ako meron sa room na yun, bakit kami pinagbabawalan? May kakaiba kaya dito? Hmmm.

Wala pang tatlumpong minutos ay nakarating na ako sa tapat ng Clinton High.. kung titignan mo 'to. Parang napakaperpekton paaralan. Halos lahat ng estudyanta ay papangarapin talagang makapag-aral dito dahil ganda, laki at lawak ng paaralan. Pero napaka-misteryo ng paaralan na 'to. Sa apat na taon kong pag-aaral sa Clinton High ay nakakaramdam na ako ng kung ano-ano.. lalo na ngayong naging senior na ako. Nakakatakot, oo.

Pinakita ko ang ID ko sa guard at pinapasok naman ako. Pagpasok na pagpasok ko sa gate ay nakasalubong ko si Ma'am Tiongson, ang adviser namin..

"Oh, Gerald, buti na lang pala at nakasalubong kita. Ito nga pala ang susi ng classroom naten, nakalimutan ko kasing ibigay sa mga kaibigan mo. Mag-iingat kayo dito ah? Pero may mga gwardya naman na mag-iikot ikot dito pero mag-iingat pa rin kayo." Bakit kinukutuban ako na may masamang mangyayari? Bakit pakiramdam ko.....

..............may mamatay?

---

Mag-ingat sa lahat ng gagawin, sasabihin at sa mga gagawin ninyong desisyon..

CLASSROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon