2

49 2 0
                                    

STEVEN RIZADA

"Wala ka talagang puso Steven! Wala!" Here we go again. Tsk. Kung wala akong puso, edi sana hindi ko siya pinatulan. Hindi ko naman papatulan to kung hindi siya marumi e.

"Tapos kana sa speech mo? Umalis ka na. Nakakairita kang babae ka!" Pagpapataboy ko sa kanya. Daig pa si Nora Aunor kung umarte. Punyeta.

Pinulot ko lahat ng damit nya dito sa kwarto ko at binato sa kanya. "Umalis ka na. Tapos na ako sayo." Walang emosyong kong sabi. Arte e.

"Makakahanap ka rin ng katapat mo,Steven. Tandaan mo yan!" Sigaw nya ulit. Napaismid na lang ako. May direktor ba dito? Sobrang maka-arte e.

"Tatandaan ko. Sge na, alis! Shoo!" Pag sarado nya ng pinto tumawa ako ng malakas. That's the 46th. Whoo. 4 to go. Makakasekwenta na naman ako na babaeng napapaiyak. Ang gwapo ko kasi e.

Wala naman akong paki sa nararamdaman nila e. Simula nang saktan ng nanay ko ang tatay ko nagalit ako sa lahat ng babae, sa lahat ng babaeng madudumi. Ayoko sa kanila pero kinakama ko sila para saktan sila, sa tuwing may babae akong kinakama, mukha ng nanay ko nakikita ko kaya sinasaktan ko sila pagkatapos. Masisisi ninyo ba ako? Nakita ng dalawang mata ko ang panloloko ng nanay ko sa tatay ko. Kitang kita ko kung pano makipagtalik ang nanay ko sa ibang lalaki. Wala siyang kwenta.

Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Daddy. "Anak naman. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na? Wag mong idamay lahat ng babae sa mundo. Wala silang ginagawa sayo. Satin. Tama na." Napaikot naman ang mata ko. Kaya sinasaktan ka daddy e, sobrang bait mo. Hays.

"Dad, please pagod po ako." Mabait ako sa tatay ko. Sobrang bait ko sakanya. Sa kanya lang.

JUVY CALMA

"Bff? Wow ang ganda naman!" Sabi ni Keyceline. Oo sa barkada siya ang best friend ko. Kaya naiinis ako kapag may nanghuhusga sa kanya. Kesyo maarte daw. Hindi naman kasi nila alam ang nangyayari kay Keyceline.

"Thankyou, bff." Pagpapasalamat ko. Nandito kasi ako ngayon sa auditorium ng school. Dino-drawing ko kung paano ko lalagyan ng kung ano-ano 'to. Kasi malapit na ang foundation day namin.

"Alam mo bff, dapat lagyan mo pa ng konting design dito. Parang ganito..." Kinuha nya yung lapis na hawak ko at may nilagay siya. Well, okay naman tignan.

"Ang ganda bff." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin pero alam kong may problema siya kapag ganitong pumupunta siya sakin.

"Ano na naman ang problema, Keyceline?" Nag-aalala kong tanong.

"L-lagi na lang bff, p-palagi na lang nila akong sinasabihan ng maarte, mayabang.. kung ano-ano pa. Nasasaktan ako bff. Hindi naman kasi nila alam kung bakit ako ganito, diba? W-wala silang alam.." Umiiyak nyang sumbong. She's like my little sister. At eto na naman ako, naiinis kapag may umaaway talaga sa kanya. Hays.

Hinihimas ko lang ang likod nya para mapatahan siya. Hanggang sa makatulog siya. Hindi kasi nila alam na sobrang baby pa lang si Keyceline. Nasanay siya na bine-baby siya ng parents niya kaya nang mawalan ito ng oras sa kanya, humingi siya ng atensyon sa ibang tao. Sa barkada. Sa mga school mates namin.

KEYCELINE DEVERO

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako tulog. Pinikit ko na lang ang mata ko para matigil ang pag-iyak ko. Si Juvy, ang bff ko. Siya lang naman ang nakakaintindi sakin. Sa kanya ko lang naman kasi nakwento lahat. Kaya siya lang nakakaintidi sakin. Hindi ko naman pwedeng ikwento sa lahat ng estudyante kung bakit ako ganito. Saka isa pa, maniniwala ba sila? Hindi naman. Dahil lahat sila mapanghusga.

Ilang minuto rin akong nakapikit. Hinahaplos-haplos ni Juvy ang buhok ko. Naiiyak na naman. Ganitong-ganito ang ginagawa sakin ni mommy kapag umiiyak rin ako. Pero ngayon, hindi na. Wala na silang oras para sakin.

"Ms.Calma? Pwede ka bang maka-usap?" Teacher yun. Alam kong teacher yun..

Bago pa ako gisingin ni Juvy, ako na mismo ang tumayo. Nagkusot ako ng mata. Parang bagong gising lang.. Tumango na ako sa kanya. Tumayo na siya at sumunod kay Mrs.Igat.

Mag-isa na naman ako.. kahit naman marami kaming magkakaibigan, si Juvy lang ang totoong nakakaintindi sakin. Kahit sabihin nilang naiintindihan rin nila ako, hindi sila katulad ni Juvy na totoong naniniwala sakin.

Papatayo na sana ako nang may mahigit ang mata ko..

S-siya... b-ba... y-yun...?

--

Wag agad-agad manghuhusga kung hindi nyo pa alam ang buong istorya...

CLASSROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon