Naunang magising sa kanilang lahat si Naif. Naalala nya na naman ang nangyari sa kanya kagabi sa library...
Tumayo na siya at tinignan isa-isa ang mga kaibigan nya. Mahihimbing pa ang mga tulog nito. Marahil ay napagod kagabi sabi nya sa isip nya. Nilibot nya ang tingin nya sa classroom nila. Nandun ang mga naiwan nilang gawain kagabi. Kaya naisip nyang ayusin lahat ng iyon.
Saktong pag gising ni Rogelda ay natapos na lahat ni Naif ang mga gawain nila.
"Oh? Ayos ka na ba?" Tanong ni Rogelda dito. Marahan namang tumango si Naif at ngumiti. Sa totoo lang, bumabalik at bumabalik ang mga nangyari sa kanya kagabi sa library..
Nasa kalagitnaan ang magkakaibigan sa pagsasagawa nila sa mga kailangan nila para bukas nang makaramdam si Naif na naiihi na siya kaya nagpaalam ito kay Juvy..
Walang banyo sa forth floor ng building ng mga 4th year , nasa 2nd floor ito kaya doon siya bumaba..
Pabalik na sana siya sa room nila nang makita may nakita siyang tao sa Library. Nagtaka siya, dahil sa pagkakaalam nya, sila na lang ang tao dito.
Hindi nya alam kung saan nya kinuha lahat ng lakas ng loob nya nang magsimula siyang maglakad tungo sa pintuan ng silid-aklatan.
Huminga siya ng napakalalim at pinasok ito.
Kinapa nya ang switch ng ilaw at tagumpay nya namang nakapa ito, at isa-isang bumukas ang ilaw..
Naglakad siya papapunta sa lugar kung saan nandun ang mga libro..
Titingin pa lamang siya ng libro ng mapansin nya ang librong nakabukas at nakapatong sa isang lamesa..
Mary Ignacio.
Yan ang nakalagay sa itaas ng litrato ng isang babae. Maganda ito, diretso ang buhok, mahinhin kung titignan.
Umupo siya sa upuan na nandun rin sa lamesa at tinignan ulit ang litrato, nilipat nya pa sa ibang pahina ang libro at may nakita siya dito..
Isang litrato ng magkakaibigan, isang lumang litrato din, kung hindi siya nagkakamali, kuha ang litrato sa classroom na katabi ng classroom nila..
Agad siyang tumayo, at dali-daling lumabas ng silid-aklatan pero bago siya tuluyang makalabas ay mayroon siyang babaeng nakita.
Ang babae sa litrato... si Mary Ignacio..
"NAIF!" Nagulat si naif sa pagsigaw ng mga kaibigan nya sa kanya.
"A-ah? Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
"Kanina ka pa namin tinatawag, pero hindi ka kumikibo. Okay kana ba talaga?" Paninigurado si Rogelda. Ulit, marahang tumango si Naif.
"Tara na, akyat na tayo sa audi." Aya ni Sam. Nagtanguan naman ang lahat at nagkanya-kanyang bitbit ng mga gagamitin nila.
Pagka-akyat nila sa Audi ay nagulat silang lahat nang makita nila ang Principal na nandun.
Binati nila ito ng magandang umaga at binati rin sila nito.. Nagpaalam naman si Juvy na kailangan na raw nilang magsimula para maaga silang makauwi..
Tumango naman ang Principal at nagmasid sa mga ginagawa ng estudyante..
Si Gerald na nasa gilid ay tinitigan ng palihim ang punong-guro..
Matanda na ito pero hindi mo maitatago ang ganda. Malapit na rin mamuti ang lahat ng buhok nito. Ilang taon na kaya si Principal?
tanong nya sa sarili nya. Habang nagmamasid ang Punong-guro ay napatingin siya sa mata nito, bigla siya kinilabutan, nakikita nya sa mata ng punong-guro na may balak ito. At sigurado ang binata na hindi magandang balak..
Nang mabaling ang tingin ng Punong-guro sa kanya ay agad nyang binalikan ang ginagawa nya at nagkunwaring busy siya.
Habang abala ang lahat ay nagboluntaryo na si Keyceline na sya na ang maghahanda ng tanghalian nila.
Habang naghahanda siya ay pakiramdam nya ay may nagmamasid sa kanya. Para makumpirma nya ang pakiramdam nya ay inikot nya ang tingin nya.. Bigo siya kaya nagpatuloy na lamang siya.
Napatili siya nang sobrang lakas nang may kumalabit sa kanya.
"Hey hey! It's just me! Anong nangyayari sayo?" Taas kilay na tanong ng binata. Nang makilala ng dalaga ang boses ay agad itong nakahinga ng maluwag, ang akala nya kasi ay multo iyon.
"You moron! You scared me, rizada!!" Galit na sigaw ng dalaga. Halos maputol ang ugat nito sa leeg sa lakas ng sigaw.
"Too much coffee will cause you to death." Naka-smirk na hayag ng binata. Sasagot pa sana ang dalaga nang pinigilan siya nito at sinabing ipagpatuloy na lamang nila ang paghahanda para sa tanghalian nila.
"Devero.. Devero.. Miss na miss ko na ang tatay mo. Kamusta na kaya siya?"
BINABASA MO ANG
CLASSROOM
HorrorIsang class room na nakakatakot, pinagbabawalan ang sino mang estudyante na wag papasok dito. Pero ang may isang grupo ng magkakaibigan ang sumubok. Dahil na rin sa kanilang curiousity. Paano kung mamatay sila? Papasok ka rin ba?