6

24 2 0
                                    

Pagkagising ni Joy, lumapit agad sa kanya si Steven at inalalayan itong tumayo at pinainom agad ng tubig...

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod na tanong ng binata dito. Nagtataka namang tinignan ng dalaga si Steven.

"Ano bang nangyari? Tapos na ba lahat ng gagawin? Bakit ba ako nakatulog?" Lahat naman sila ay nagtaka sa tanong ni Joy. Wala itong alam? Pero bakit?

"Hindi mo ba naalala, Joy?" Nag-aalalang tanong ni Sam.

"Magtatanong ba ako kung naalala ko? Tch." Mataray na sagot nito.

Kahit anong pilit ni Karl na wag sabihan ng masasama si Joy ay nasasabihan nya pa rin dahil sa ugali na pinapakita nito.

"Ah, kasi, Joy, ngatog na ngatog ka kanina tapos sobrang init mo.." Sabi ni Paolo at hinaplos ang noo nito.. "Buti na lang bumaba na ngayon, salamat kay Sam dahil siya ang nag-tyagang punas-punasan ka." Kahit labag sa loob ni Joy ay nagpasalamat siya kay Sam.

"Tara na? Ituloy na natin?" Pagsingit ni Aileen.

"Sige, tara na." Sagot naman ni Joy. Lahat naman sila nagsikilusan agad. Bumalik sila sa mga ginagawa nila kanina.

Sa hindi malamang kadahilanan ng magkakaibigan, biglang lumabas sa room nila si Naif, hindi na nila ito pinansin dahil sa pag-aakala nila na baka ito'y naiihi lamang.

Pero makalipas ang bente minutos ay nag-alala na si Juvy dahil hindi pa rin nakakabalik ang isa sa mga kaibigan nila. Nasan na ba ito?

"Guys, si Naif, hindi pa rin siya bumabalik." Nag-aalalang saad ni Juvy. Lahat naman sila inikot ang tingin sa buong classroom at wala nga si Naif dun.

Kumilos silang lahat at kinuha ang kani-kanilang flashlight para hanapin si Naif. Alas-diyes na rin, sobrang dilim na.

Bigla naman tumayo ang mga balahibo ni Keyceline nang mapadaan sila sa classroom. Sa hindi nya malamang dahilan, napahinto siya dito...

"Keyceline, tara na!" Tila wala itong narinig sa pagtawag sa kanya ni Erwin.

"Guys! Si Keyceline ayaw umalis sa harap ng classroom na yun!!" Natatakot na sigaw ni Erwin. Lahat naman sila napatakbo pabalik doon.

Agad na hinila ni Paolo si Keyceline paalis sa classroom dahil ang isang paa nito ay nasa loob na. Papanong nabuksan nya yun? Tanong ni Karl Luis sa sarili nya. Nakakapagtaka dahil nung siya ang nagtangkang magbukas nito ay naka-lock.

"God, keyceline!" Naiiyak na niyakap ni Juvy ang best friend nya. Kahit sinong kaibigan naman ang makitang nasa pahamak ang kaibigan ay maiiyak talaga.

Nagpatuloy sa paghahanap ang mga lalaki kasama si Joy at si Sam. Naiwan sila Juvy, Keyceline, Aileen at Rogelda sa room nila para bantayan si Keyceline.

Lahat sila ay isinisigaw ang pangalan ni Naif habang naghahanap sila..

"G-guys, nagtext sakin si Roda, nandun na daw si Naif.." Sabi ni Sam. Lahat naman ay napatingin sa kanya at tumango. Naunang maglakad sila Joy at Steven, hawak ng binata ang kamay nito. Hindi na tinanggal ni Joy ang pagkakahawak sa kanya dahil alam nya namang kukunin at kukuhain ng binata iyon.

Nasa likod nila sila Erwin, Karl Luis, Gerald, Sam at si Paolo. Titig na titig si Paolo sa kamay ng dalawa. Hindi nya ang alam kung ano ang nararamdaman nya. Pero ang alam nya naiirita siya sa kanyang nakikita.

Pagdating na pagdating nila sa room nila ay naabutan nilang tahimik na nakaupo ang lima nilang mga kaibigan. Si Naif at Keyceline ay tila tulala sa kawalan.

"Anong nangyari sa kanila?!" Tila natatakot na tanong ni Steven.

"H-hindi namin a-alam. K-kanina nung wala pa k-kayo, may narinig kami, s-sobrang sakit sa tenga, t-tapos s-sigaw sila ng sigaw dalawa. P-para silang n-nawala sa sa-sarili.." Halos pumiyok na si Rogelda ng ikwenti ito. Nawala lahat ng pagkasiga nya sa katawan..

"A-ano?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Joy. Ano nga ba ang nangyari? Bakit nga ba ito nangyayari? Halos lahat sila ay ito ang katanungan sa kani-kanilang isip.

"B-bukas, t-tawagan natin si Ma'am T-tiongson, guys. P-pero sa ngayon, m-matulog m-muna t-tayo." Kahit itago ni Juvy ang takot ay talagang lumalabas ito. Nasaksihan nya ang nangyari sa dalawang kaibigan..

Lahat naman sila ay tumango na.. Hindi na muna natulog si Paolo dahil hinintay nyang makatulog ang lahat. Kahit na natatakot na siya ay kailangan nyang magpakatatag dahil siya ang tumatayong Lider...

Bigla namang tumayo si Gerald.. sa ilang oras na nandito sila ay tahimik lamang siya.. wala rin naman siyang sasabihin..

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Paolo dito. Napasarado naman ang kamao nito. Bakit ba kailangan lahat alam nya? Tanong nya sa sarili nya. Naiinis na talaga siya kay Paolo dati pa..

"Magyoyosi." Simpleng sagot nito. Napailing na lang si Paolo sa sagot ni Gerald. Talagang matigas ang ulo nito, kahit na ilang beses ng nahuhuli hindi pa rin tumitigil.

"Dalian mo na lang." Sagot ni Paolo dito.

Lumipas ang limang minuto ay bumalik na agad si Gerald sa room. Humiga na ito sa tabi ni Erwin..

Gerald | Erwin | Naif | Aileen | Juvy |  Keyceline | Rogelda | Sam | Karl Luis | Steven | Joy | Paolo

Yan ang pwesto ng pagtulog nila..

Nagulat si Paolo nang biglang mapayakap sa kanya si Joy. Huminga siya ng malalim.. Eto na naman ang nararamdaman nya..

Pumikit siya ng mariin para mapigilan ang nararamdaman. Nang pagdilat niya ay may nakita siyang anino ng babae.

A-anino? Anino? Anino pero nasa kisame?

CLASSROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon