Dumaan ang ilang araw at sa mga nalalabing araw nayon bago ang 2nd semester nila ay nagawa pang makalabas nitong si Rosh at Elise para sa kanilang date and bonding moments nila, nagawa pa nilang tumambay sa apartment ni Rosh para manuod ng movie at kung ano pa, at sa sumunod na araw ay lumabas at gumala at tumambay sa MOA.
Habang ito namang si Jas ay todo paghahanda sa susunod na pasukan na ilang araw nalang ang parating at bumili ng mga kailangan niya at ng maaring kailanganin nitong si Rosh. Masaya siya tuwing ginagawa niya iyon dahil alam niya na makakalimutin din itong si Rosh minsan at yung mga basic na pangangailangan niya talagang nakakaligtaan niya. Alam naman niya na inaabisuhan siya ng parents nitong si Rosh pero talagang nawawala nalang bigla ito sa isip niya. Kaya naman minsan, siya rin ang tinatakbuhan ng mga magulang nito.
---------------------------------------------------
Dumating na ang araw ng first day of classes at present lahat sa barkada nitong si Rosh. Si Sheryl, Daniel, Ferdinand, Catherine, Kim, Jennifer, Gaby, at Janice. Medyo kulang sila; kasi si Casey simula nung 1st week ng first semester di na nakapasok, lumuwas ng amerika dahil sa isang family matter na halos buwan narin at wala pa silang update, na ang tanging alam nila ay malapit na tong matapos at mag eenroll nalang siya mula doon.
Habang ang isa sa kanila, si Estella ay matagal narin nilang hindi nakakasama simula nung pinauwi siya ng province dahil din sa isang family matter na hindi na niya na update ang barkada. Nasa cafeteria sila noon ng Education Building at nagiintay na magsimula ang klase. Kahit hapon pa ang start noon pero; nagtipon narin sila para makapagbonding ng mas-matagal at dahil narin sa isang dahilan. Ipapakilala na ni Rosh si Jas sa barkada niya.
Big deal ito para kay Jas dahil kahit kelan, hindi pa siya napakilala nito sa kahit sinong barkada niya. Ilan lang ang nakakaalam ng tungkol sa kanya; si Haley at si Dominic na kasama sa isa pa niyang barkada na puro lalaki naman. Maituturing mo si Jas na Well guarded Secret nitong si Rosh sa dahilan na; ayaw niya na pagsamahin ang mga taong kilala siya sa; taong Basa siya. Medyo may issues din itong si Rosh at naiintindihan naman ito ni Jas.
Di mo naman siya masisisi. Simula ng namatay ang first girlfriend niya dahil sa isang aksidente, karamihan ng ka-batch niya ay siya ang sinisi. At lahat ng alam nila tungkol sa kanya ay ginamit laban sa kanya. Medyo dark; pero dahil doon; mas pinili nalang niya na paghiwa-hiwalayin ang mga taong kilala siya at basa siya.
Kumbaga sa libro; may mga taong nababasa lang ito at nauunawaan kung ano ang sinasabi ng nakasulat rito habang may iilan na naiintindihan ito at tila nababasa ang nais nitong iparating, na nakatago mismo sa mga nakasulat.
Kaya labis nalang ang tuwa nitong si Jas na ipapakilala siya nitong si Rosh, napaka-big deal nga naman talaga nito. Dumating na si Jas sa table nila at talaga nga naman nagulat din itong barkada niya, bigla nalang naman kasi siya sumulpot; kaparehong-kapareho nga talaga ni Rosh.
Nanginginig na tumayo noon si Rosh at hinawakan si Jas sa may bandang likod nito habang nakangiti ito sa barkada niya; "Guys oh, eto na. This is Jasmine. My bestfriend." opening niya.
"Hi, tawagin niyo nalang akong Jas for short. Sawakas at nakilala ko narin kayo!" sagot nito na may halong tuwa at saya. Isa-isa naman agad na nagpakilala itong barkada niya at halatang nag eenjoy na agad itong si Jas kahit halos kakaupo lang nila. Magkatabi sila noon at naisipan nina Rosh, Daniel, at Ferdinand na ibili na ng pagkain itong mga kasama nila at agad naman silang umalis. Inabisuhan ni Rosh si Jas at agad naman siyang pumayag.
Sunod tingin itong si Jas habang papalayo si Rosh na sa paglingon niya ay nagulat siya dahil nakatitig nalang itong barkada ni Rosh sa kanya.
"Grabe naitago ka niya samin ng halos 2 years?" nasabi nalang ni Catherine.
"Oo nga. Di kaba nainis na ginawa niya yun Jas?" agad namang singit nitong si Gaby. Natatawa nalang si Jas dahil nga tila nabigla siya sa mga sinasabi nitong dalawa.
"Guys wag niyo nga i-crowd itong si Jas. Ako na magtatanong." ang isiningit naman nitong si Sheryl. Agad na tumahimik ang iba at naghintay lang para magsimula itong si Sheryl.
"So bakit nga ba? Knowing Rosh is understandable. Pero bakit ka nga ba pumayag?" tanong agad ni Sheryl.
"Kasi gawa narin ng experience niya nuon. Alam niyo naman siguro yun?" agad na sagot nitong si Jas at tinanong narin. Nagtinginan nalang ang iba dahil hindi nila alam ang sinasabi nito.
"Naiintindihan ko naman kung bakit di niyo alam. Pero mas mabuti pang sa kanya niyo nalang itanong. Pero don't worry; ganyan lang talaga yan pero mabait yan si Rosh." dagdag niya.
"Hmp, ang laki mong secret kaya! Nakakatampo!" singit ni Jennifer.
"Please wag kayo mag-alala. ganyan lang talaga siya. Pag nalaman niyo ang dahilan mauunawaan niyo siya. Promise." pag-iinsist nitong si Jas.
"Pero bakit ka nga kasi pumayag? Ate kanina pa namin tinatanong haha!" tanong ni Kim. Natawa nalang si Jas bago siya sumagot.
"Dahil narin siguro na naiintindihan ko yung dahilan niya. At dahil narin siguro sa bestfriend niya ko. Kaya siguro pumayag ako." ang sinagot nalang ni Jas. Maya-maya pa ay dumating na ang ilan sa kanila na bumili ng pagkain at agad na binigay ang mga pinabili ng iba sa kanila.
Napansin ni Jennifer na iba ang pagtingin nitong si Jas kay Rosh habang hinahayinan ito at agad naman niyang kinuhit si Catherine. Ngumuso nalang itong si Jennifer at tumingin nalang si Catherine. Napansin niya na pagkatapos itong hayinan ni Rosh ay may iba sa tingin niya. Tila may laman na napansin nitong dalawa. Dahil nga magka-vibes itong dalawang ito ay nagtinginan nalang silang muli at tumuloy pagkain.
Sinignalan din nitong si Jennifer ang iba niyang barkada maliban sa mga lalaki na obserbahan itong bago nilang nakilala. Napansin nila na; tuwing babanat or magbibiro or kahit anong gawin ni Rosh ay tila; may laman talaga ang mga tingin at ngiti niya. Lalo pa nilang na confirm ito nung punasan nito ang dumi sa may bandang labi nito si Rosh dahil sa spaghetti na kinain nito.
Nakakaramdam na sila dahil kung bestfriend lang talaga sila, hindi dapat ganun ang mga tingin at ngiti nito; at tawa sa joke nitong si Rosh na hindi naman nakakatawa. Hindi porke't mag-bestfriend sila ay ganun so nagtinginan uli ang magbabarkada at mukhang pare-pareho ang naiisip nitong mga babae sa barkada.
Habang nangyayari ito ay nakareceive ng text message itong si Rosh at agad niyang binasa. Napatayo nalang siya at sinabi ang dahilan ng tila bigla niyang pagmamadali sa pagaayos ng mga gamit niya.
"Guys una na muna ako at may pupuntahan lang ako. Kayo na bahala kay Jas!" sabi niya habang bineso nalang nito si Jas at tumakbo agad palayo. Tiningnan ito ng magbabarkada habang binulungan na ni Gaby itong si Daniel at siya naman kay Ferdinand. Nawala ang mga ngiti nitong si Jas, Nagkulitan pa silang dalawa bago tuluyang umalis itong si Rosh.Mukhang tama nga ang naglalaro sa mga isip nila.
"Nalungkot ka ah? Mahal mo siya?" agad na sambit ni Jennifer na agad naman na ikinasamid nitong si Jas.
"A-Ano? Natawa naman ako dun! Hahaha" pagpepekeng tawa nitong si Jas pero tiningnan niya ang iba at mukhang seryoso sila at napatungo nalang.
"H-halata ba?" mahinang tanong ni Jas. Lahat sila napahingang malalim nalang at hinawakan siya ni Janice sa kamay.
"Teh, halata ka. Kelan pa?" sabi nito at tanong narin.
"M-matagal na. Bata palang kami talagang napalapit loob ko sa kanya at highschool ko na-realize na mahal ko na pala siya." sagot niya na may panginginig sa tinig at kinukusot nalang niya ang palda niya.
"Matagal na pala." sagot naman nitong si Janice dahil tila yung iba di alam kung pano mag-rreact.
"Wag niyo sasabihin sa kanya please! As in HUWAG!" tila pagmamaka-awa nito. Ang barkada ni Rosh ay nakatingin nalang sa kanya.
"Your secret is safe with us." sagot ni Sheryl.
"Thank you." mahinang sagot ni Jas.
"Di kaba nasasaktan dahil sa girlfriend ni Rosh?" tanong ni Daniel. Pero tahimik nalang si Jas. Di na nagpatuloy pa ang pagtatanong nila dahil sa pagiging tahimik palang ni Jas, alam na nila ang sagot.
BINABASA MO ANG
All that's left
Документальная прозаPaano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana na subukan kung hanggang saan nila kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Ilang mga pangyayari...