Magkasama parin noon sina Rosh at Elise pero hindi na nila kinikibo ang isa't-isa. Kanina pa kasi sinusubukang kausapin ni Rosh ang Girlfriend niya pero pang-dededma lang ang ginagawa nito. Ang masama pa nito, hindi maganda ang vibe na nilalabas ni Elise, ibang-iba ito sa nakasanayan na niya na pang-iignore. Kaya dahil dito, di mapakali si Rosh.
Unti-unting lumapit si Rosh kay Elise at ng makalapit na ito sa kinakaupuan nila, ay biglang siyang tumayo at lumabas bigla ng bahay. Napa-buntong hininga nalang siya roon sa ginawa na yun ni Elise at napakamot nalang siya ng ulo. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya sumunod.
Paglabas niya ay nakita niyang nakaupo lang ito sa mismong tapat ng pinto. tiningnan lang niya muna ito ng saglit bago ito tumabi sa kanya. Sinubukang hawakan ni Rosh sa may bewang itong si Elise pero agad niya itong inalis.
"Baby," tawag ni Rosh na may halong lungkot. Tumingin lang itong si Elise; "wag kana namang magalit oh. Kung tutuusin para satin din naman to eh." pero wala paring salita na nang-galing kay Elise.
"4 months lang naman yun Baby. Tsaka co-contakin parin naman kita. Parang walang nagbago."
"Pero wala ka," biglang sabi ni Elise. "Yun yung iniisip ko eh, wala ka Rosh. 4 months." dagdag niya.
"Baby, 4 months nga lang yu-"
"Para sayo maiksi lang yon. Pero para sakin, mahaba na yun," biglang sagot ni Elise."4 months. Madaming pwedeng mangyari."
Di nalang nagsalita si Rosh. Hindi sa sinasang-ayunan niya ang sinabi ni Elise. Pero ayaw na niyang pasamain pa ang loob nito.
"Alam ko, iniisip mo na OA ako. Na sobra akong mag-react kahit sa march pa yang alis mo na yan. Pero Rosh naman, kahit na ganito tayo, gusto ko nandiyan ka parin," sabi ni Elise, bakas ang pagluha sa boses niya. Tahimik nalang na nakikinig si Rosh sa kanya. "Kahit na puro pang-aaway at pagbibigay nalang ng sakit ng ulo ang binibigay ko sayo, mahal parin kita." bigla siyang tumingin kay Rosh.
"Alam mo naman yun diba?" tumulo na ang luha sa mga mata niya. Bigla nalang siyang niyakap nito at ang tanging nagawa nalang ni Rosh ay ang yakapin siya pabalik. "Wag kanang umalis. Dito kana lang. Mag-aayos na talaga ako, promise." pakiusap nito.
Hindi alam ni Rosh ang gagawin sa mga oras na yun. Hindi naman ganun kahirap ang gumawa ng desisyon sa mga oras na to, pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nahihirapan nga siya. Isang opportunity ang naghihintay sa kanya pagkatapos ng OJT na yun sa abroad. Bukod sa magandang Resume, ay mas marami pa ang mag-coconsider sa kanya; lalo na sa pag-aapply niya ng trabaho kung balakin man niyang mag-abroad muli.
Isang opportunity na, sa edad niya nuon, ay napakalaki talaga. Sino ba naman ang hindi tatanggap ng ganung posibilidad. Sa kabilang dako naman, ay kung pipiliin niya na mag-stay para sa Girlfriend niya. Oo, kung iisipin medyo mahaba-haba ang 4 months, tsaka magkakahiwalay rin sila ng ilang milya sa isa't-isa. 4 months niyang hindi mayayakap ito, mahahalikan, makakakulitan, makakasama sa mga sandaling gustuhin nila, at nakakatawa man pati narin ang mga pag-aaway nila.
Pede din naman siyang mag-apply ng OJT sa mga sikat at kilalang mga Hotel dito sa Manila. Oo, pwede nga yun. May Mariott naman, Hyatt, Holiday Inn, at iba pang hindi niya maalala ang pangalan. Halos pantay rin naman ang opportunidad niya dito. Pero higit sa lahat, makakasama parin niya si Elise, at sa ipapangako niya kung sakaling piliin niyang mag-stay; na aayusin na niya ang sarili niya.
Sandaling tumingala si Rosh para pag-isipang mabuti ang desisyon niya. Hirap talaga pag ikaw yung tipo ng tao na laging nag-iisip ng mga plano at gagawin para sa long term. Madami kang dapat i-consider. Pero sa tala ng mga desisyon na ginawa niya bago pa naging sila ni Elise; ito na yata ang pinakamahirap na sumalubong sa kanya.
Ayaw pa niyang magsalita, pinag-iisipan niyang mabuti ang desisyon na gagawin niya. Tila nasa isang timbangan si Rosh, sa isang kamay ng timbangan; ang magagandang posibilidad para sa kanya at para narin sa kanila ni Elise. Sa kabilang kamay naman; ay ang mga panahon na kasama niya lang si Elise at ang magiging pangako nito. Pero alam niya, sa loob-loob niya, na ganito talagang umasta ang mga babae, lalo na kung medyo matagal itong mawawala.
Nakita na niya ito sa mga kaibigan niya; at masasabi niyang lilipas din ito. Lilipas din ang mga luha at pag-aalala ng mahal niya, lilipas din ang sandaling sakit na mararamdaman nito sa oras ng pag-alis niya. Oo, tama. Lilipas din ito. hinalikan niya sa bunbunan si Elise; tila nakapag-isip na at nakagawa ng desisyon niya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap kay Elise at humarap rito at hinawakan siya sa magkabilang braso nito. Ngumiti muna si Rosh kay Elise para pagaanin ang loob nito. Pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha nito.
"Baby. Alam mo, mahal na mahal kita. At gagawin ko lahat ng makapag-papasaya sayo," sambit niya."Gagawin ko lahat ng alam kong makakapag-pagaan ng loob mo. Sisiguraduhin ko na araw-araw ay hindi mo makalimutan na mahal kita. Tandaan mo, kahit away-bati tayo; mahal parin kita ok?" napangiti nalang si Elise sa sinabing iyon ng boyfriend niya.
"1 year na tayong mag-syota. At para sakin may ibig-sabihin na yun. At ngayon iniisip ko nalang ang kapakanan mo, at kapakanan nating dalawa. Kaya sana maintindihan mo ang desisyon ko," dagdag niya, unti-unti ng napawi ang ngiti sa mukha ni Elise. "Naniniwala ako sa sinabi mo kanina, pero Baby. Isang opportunity ang naghihintay sakin sa March, at sa pag-graduate ko, pagkatapos nun. Magandang experience, pagktapos, magandang trabaho."
Hinawakan niya sa may ulo si Elise at sandaling hinimas-himas ito bago niya ito hinawakan sa may pisngi. "Baby, tutuloy ako sa OJT ko sa US," at biglang tumulo muli ang luha ni Elise. Pinapatahan siya ni Rosh at hinawakan niya ang mga kamay nito, at hinalikan. "Para satin din to, ha? Baby ngayon palang, iisipin ko na ang pwedeng maging future natin. At gusto ko, bigyan ka ng magandang future na kasama ako."
Pinapatahan parin ni Rosh si Elise at pinapakalma; "Hinding hindi ko hahayaan na mahirapan ka na kasama ako. Gusto ko bigyan ka ng magandang buhay. Oo, alam ko napaka-cheesy, napaka-corny ng mga sinasabi ko sayo. Pero, I just want the best for you," sabay ngiti sa medyo kumalmang si Elise. "At kung itong opportunity na to, ang magbibigay sakin ng malaking chance para magawa yun. Kukunin ko, hindi lang para sakin, kundi para sayo rin. Para satin rin." Napa-pikit na si Elise sa mga oras na yun at iyak na siya ng iyak.
"I Love you." sabit niya rito at hinalikan niya ito sa Noo. Matagal din yun, feeling niya maayos narin to. Buo na ang desisyon niya na tumuloy ng OJT sa US. Pero ngayon hindi lang para sa kanya, pero para narin sa kanilang dalawa ito. Maya-maya ay niyakap na niya ito ng pagkahigpit-higpit ng bigla siyang itinulak nito, na siyang kinagulat niya.
"Mamili ka ngayon Rosh. Ako, oh yang OJT mo? Sagot!" biglang sigaw nito habang umiiyak.
"Baby naman, wag ka nanamang magalit oh, wag ka-"
"Ako oh yang pesteng OJT mo? Sumagot ka!" sigaw nito. Hindi agad nag-salita si Rosh pero umayos lang siya ng pagkakaupo niya. Biglang tumayo si Elise, at doon ay tumayo narin siya. " Wala akong pakialam kung gagawin mo na yan para satin, kung mawawala karin din lang naman sa tabi ko, mabuti pang wag nalang! Ngayon sumagot ka!"
Lumapit si Rosh sa kanya pero pinagtutulakan siya nito palayo. Nagtinginan muna ang dalawa ng matagal ng tahimik. Pinagmamasdan lang ni Elise ang Boyfriend niya ng mga oras na yun at sinusubkang basahin ang reaksyon nito. Sa nakikita niya, mukhang buo na talaga ang desisyon nito na umalis. Sa naisip niyang iyon, ay lalo lang siyang napa-iyak.
"Sige! Tutal mukhang buo narin naman ang loob mo na umalis, kung mawawala karin lang naman, mabuti pang ngayon palang, tapusin na natin to!" biglang sabi ni Elise, na ikinagulat ni Rosh.
"T-t-teka Baby, wag ka namang padalos-dalos, pagusapan pa nati--"
"Wala na tayong dapat pagusapan! Tapos na tayo! Ngayon palang ayoko na! Kesa masaktan pako, sa araw ng pag-alis mo, tatapusin ko na! Wag kanang magpapakita saken! Wag mo nakong kakausapin, tatawagan, lahat! Goodbye!" pagkatapos ay agad siyng tumakbo papaloob.
Agad na sinarhan ni Elise ang pinto at pagkatapos ay napa-sandal nalang siya rito na umiiyak ng sobra. Iyak siya ng iyak, habang naririnig ang pagtatawag ni Rosh mula sa likod ng pinto. Tinakpan niya ang tenga niya at umub-ob, habang naririnig ang pakiusap ni Rosh. Sa mga oras na yun, ang tanging tumatakbo sa isip ni Elise, ay ang huwag niyang hayaan na masaktan ang sarili.
End of Act 5.
BINABASA MO ANG
All that's left
Документальная прозаPaano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana na subukan kung hanggang saan nila kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Ilang mga pangyayari...