Prologue: Under our tree

80.6K 727 44
                                    

August 14, 2008


Sa ilalim ng matingkad na asul na kalangitan, na pinapaliguan ng mapuputing ulap, kasama na ang masarap na simoy ng hangin mula sa dagat. Sa Legazpi City, isang tagong burol, na napapaliguan ng matitingkad na berdeng damuhan at sa tuktok ay ang natatanging puno. Sa ilalim nito ay may dalawang estudyante na nakaupo, at ang isa ay may hawak na gitara habang ang isa ay naka-yuko lamang.

Tahimik lang na tinotono ng lalake ang gitara niya habang ang kasama niyang babae, ay umiiyak. Hindi alam ng lalake ang gagawin niya kung papano ito papatahanin. Pero sa loob-loob niya, eh ayaw niyang nakikita na umiiyak ang pinaka-matalik niyang kaibigan.

"Oh bakit ka naiyak?" tanong ng lalake. Alam naman niya talaga ang dahilan kung bakit ito umiiyak. Pero sa mga oras na yun ay yun lang ang kanyang kayang sabihin.

Napatingin nalang ang babae sa kalapit niya at pilit pinapatahan ang sarili, pero wala. Tuloy parin ang paghagusgos niya. Pinasok ng lalake sa bulsa niya ang kanyang kamay para kunin ang panyo.

"Ayokong umiiyak ka. Tahan na," at pinunasan niya ang luha nito. Ngumiti naman siya sa kaibigan niya para pakalmahin ito. "Tugtugan nalang kita ah. Pinag-aralan ko to, para sayo." bagkus niya habang naghihintay lang ang babae.

Ng sinimulan na niyang tugtugin ang prinactice niyang kanta. Medyo nagulat siya sa kantang tinutugtog nito.

"Y-Yan ba yung Lucky ni Jason Mraz?" tanong nito, at habang tumutugtog siya ay tumungo ito. Napangiti naman siya rito at unti-unting tumahan ang babae hanggang sa ang malungkot nitong mukha ay naging masaya na.

"Salamat, Rosh." sabi ng babae na may ngiti sa kanyang mukha.

"Basta, tumahan kana, ok? Ayokong umiiyak ang bestfriend kong si Jas. Dito lang ako, ha? Wag mong kakalimutan yan." sabi ni Rosh. Pagkatapos noon ay tinuloy na ni Rosh ang kanyang pagtugtog ng pinaka-unang kanta na natutunan niya. Habang si Jas naman ay nakikinig lamang sa kanya, na ngiti sa kanyang mukha. Masaya noon si Jas, dahil kasama niya ang pinakamatalik na kaibigan niya. Kasama niya, ang taong pinaka-mahalaga sa kanya. At sa loob-loob niya ay hinihiling niya, na sana magkaroon pa sila ng mga sandali na kasama ang isa't-isa. 

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon