Chapter XXV: Sidewalk

11.2K 104 3
                                    

Tahimik lang ang dalawa sa magkabilang linya habang hawak parin ni Elise ang phone ni Rosh at si Jas naman ay hanggang ngayon ay tahimik parin. Maya-maya pa ay biglang narinig ni Jas ang boses sa kabilang linya.

Baby aalis nako. Sino yan kausap mo? tanong ni Rosh kay Elise. Sa oras na yun ay biglang bumalik sa sarili itong si Jas at agad naman nagsalita.

"Ah eh, pakisabi nalang kay Rosh na kanina pa siya sinusubukan i-contact ni Sheryl, eh hindi naman siya sumasagot. Kaya tinawagan niya ako para i-check siya. Yun lang." ang nasabi ni Jas. Pagkatapos na pagkatapos nung pagkakasabi niyang iyon ay biglang bumalik sa isip niya kung ano dapat talaga ang sasabihin niya. 

Sasabihin na sana niya ng biglang magsalita itong si Elise; Ok, yun lang pala. Sige na, bye. tapos pinutol niya agad ang call. Napatingin nalang si Jas sa phone niya at tila gulat parin na siya ang sumagot ng phone niya. Huminga nalang siya ng malalim at umupo na agad sa sofa, at pinagpatuloy ang pag-rrelax niya; kahit tila parang, nabalisa siya.

-------------------------------------------------------

Inabot na ni Elise ang phone kay Rosh habang nagaayos ang dalawa. Tahimik lang si Elise noon habang bumababa sila. Palabas nalang ng gate itong si Rosh ay biglang naalala ni Elise ang sinabi ni Jas at naisip niya na sabihin nalang ito.

"Nga pala, yung tumawag kanina eh si Jas. Sabi niya kanina kapa daw tina-try i-contact ni Sheryl. Di ka daw sumasagot kaya si Jas nalang kinontact nila." sambit nito habang naka cross arms na siya.

Napaisip nalang si Rosh at tiningnan ang phone nito. Meron ngang mga text message, pero di na siya nag-abala na i-check ito at sa halip ay nag-focus nalang siya sa paguwi.

"Sige Baby, tawagan ko nalang sila mamaya. Uwi nako. Bye." pagpapaalam nito sabay halik kay Elise. Binalik naman nito ang halik at naglakad na palayo itong si Rosh.

"Magtext ka pa-bahay kana. I love you po." sinabi ng malakas nitong si Elise habang tila binabantayan nito si Rosh na makalayo.

"I love you too!" sigaw pabalik nitong si Rosh at nagsimula na siyang tumakbo palayo. Napatawa nalang si Elise noon bago siya bumalik sa loob ng bahay at tuluyan na isara ang pinto.

Habang tumatakbo noon si Rosh ay naisipan niya na mag jeep nalang muna. Kaya pumara siya ng jeep at agad na sumakay, inabot ang bayad at nag-relax ng kaunti dahil may soundtrip ang jeep. Di niya alam yung kanta, pero catchy nga naman. 

Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang phone nito na siya naman kinagulat niya. Agad niyang binunot ang phone niya at nakita niyang si Jas yun. Di niya agad napansin na siya yung tumatawag; nalibang lang siguro sa pakikinig niya hanggang sa sagutin na nito ang tawag.

"Oh Jas, sorry ah hindi ko nasagot yung tawag mo kanina. Don't worry nasabi na sakin ni Baby yung sinabi mo kanina. Hehe, sorry ulit." sabi niya.

Ah, kulang pa yung sinabi ni Elise. Sorry! Nakalimutan ko rin eh. ang sagot naman nitong si Jas. Napakunot ng noo itong si Rosh at agad naman siyang pumara para bumaba.

"Sige, punta nalang ako diyan tutal malapit narin nalang naman ako eh. Ha? Sige na bye!"

T-Teka--- at binaba na ni Rosh ang tawag.

Dali-dali siyang tumakbo patungo sa apartment nina Jas. Napansin narin niya na tila energetic siya ngayon. Hindi niya rin alam kung bakit; pero siguro dahil yun sa nakasama niya ng matagal ang Baby niya. Naka-ngiti lang siya habang tumatakbo papunta kena Jas. Dahil sa may kakaiba sa ngiti nitong si Rosh ay pinagtitinginan na siya ng mga nakapansin sa kanya pero siya naman, tila walang pakialam.

Ilang minuto ang nakalipas at nasa harap na siya ng gate ng apartment ni Jas. Tinext niya agad ito bago siya umupo sa tabing kalsada. Malinis naman sa lugar nila. At tamang tama rin, maganda ang gabing yun. Maliwanag dahil din sa buwan. Tumingala nalang siya at pinagmasdan ang buwan ng biglang bumukas ang gate.

Natulala nalang itong si Jas dahil nakita niya na naka-uniform pa itong si Rosh at nakatingala. Tiningnan niya rin kung saan ito nakatingin at nakita niya na maganda ang buwan ng gabing yun. Napangiti nalang siya at tumabi kay Rosh.

Di muna siya nagsalita; nadoon nanaman kasi itong si Rosh sa "Zone" niya eh. Natutuwa siya tuwing nasa ganitong state itong si Rosh. Sa iba kasi weird yung random na habit niya ito pero para sa kanya; lalo lang itong nagpapa-cute sa kanya at lalo siyang nahuhulog sa kanya; tuwing mangyayari to.

Lumipas ang ilang minuto at napansin narin ni Rosh na katabi na pala niya itong si Jas.

"Tingnan mo to, di ka nagsasalita, nadiyan kana pala." ang nasabi nalang ni Rosh.

Natawa nalang itong si Jas bago magsalita; "Hehe, sorry na. Naka-uniform kapa. Uwi kana at magpalit."

"Ayoko, ganda pa ng tinitingnan ko eh." sabay baling ang tingin sa langit. Nakatitig lang itong si Jas kay Rosh habang nakangiti.

"Oo nga." ang sagot niya. Nakangiti lang siya habang nakatingin kay Rosh ng bigla itong nag-unat ng kanyang mga braso at nataranta siya duon ng konti dahil ayaw niyang mahuli na nakatitig sa kanya.

"Ano nga pala yung nakalimutan mong sabihin?" tinanong agad ni Rosh sabay tingin kay Jas.

"Ay oo. Ano nga ba yun?" sagot nalang ni Jas. Napangiti nalang si Rosh dahil nga sa tila nakalimutan  ni Jas ang dapat niyang sabihin ng bigla na nitong maalala.

"Ah! Oo yung costume party daw. Invited rin ako, sabi ni Sheryl." ang sagot niya. 

"Ah, oo. Yearly nga yan. Sige sama ka. Sama ko narin itong si Elise kung pede siya." ang sagot naman nito. Natigilan nalang si Jas nung nabanggit ni Rosh itong Girlfriend niya kaya pinili nalang niyang manahimik.

"Yun lang daw ba, Jas?" tanong agad nitong si Rosh. Tumungo nalang itong si Jas at nag-relax na ang dalawa. Tahimik nalang sila noon habang pinagmamasdan ang kalangitan sa gabi.

"Parang tayo lang sa province no?" nabanggit bigla nitong si Rosh. Nagulat nalang si Jas noon nung bigla nitong nabanggit ito. Oo nga naman. Habit nilang dalawa na gawin to sa bubungan ng bahay nina Rosh. Lagi nga naman nilang ginagawa to. 

"Nakakamiss rin." ang nasabi nalang ni Jas. Parehas silang huminga ng malalim at tumahimik ng muli.

Maya-maya pa ay mag-sasalita sana itong si Rosh ng biglang mag ring ang phone niya. Ringtone palang ay masasabi mo na si Elise yun. Di nalang pinansin ni Jas ang tawag habang sinagot naman ni Rosh ang tawag ng girlfirend niya.

"Oh Baby napatawag ka?" tanong niya agad.

Anong napatawag ka? Asan kana, kanina kapa di nag-tetext. Ganitong oras nasa bahay kana ah! galit na sagot nitong si Elise. Napatayo nalang agad noon si Rosh.

"Ay sorry! Eto na nga pauwi na. Dumaan lang ako saglit kana Jas at tinanong ko pa kung ano yung sinabi ni Sheryl." sagot niya. Tumahimik ng saglit itong si Elise bago nagsalita.

Umuwi kana. Text mo ko agad. sagot nito tapos binaba niya agad ang call. 

"Ano daw yun?" tanong agad nitong si Jas habang si Rosh naman ay nagmadaling mag-ayos.

"Nagalit, haha. Sige na uwi nako di ko agad na text eh. Sige bye!" sambit nito at kiniss nalang niya itong si Jas sa bunbunan nito na ikinagulat naman ni Jas. 

Tumakbo nalang agad itong si Rosh habang si Jas naman ay tila natulala sa ginawa nitong si Rosh dahil ngayon lang siya nito hinalikan sa bunbunan. Habang si Rosh naman ay nagulat din sa ginawa niya, pero hinayaan nalang niya ito at tumuloy na sa pag-uwi.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon