Nakarating na sina Rosh at ang barkada niya sa classroom at napansin nila na parang may iniisip itong si Rosh. Seryoso kasi siya nung umupo sila at tahimik lang. Kinausap naman siya nina Daniel at ng iba pa habang sina Jennifer, Janice, at Gaby ay nag-umpukan lang at tila may pinaguusapan.
Tila nagbubulungan lang sila habang tinitingnan nila itong si Rosh. Eto namang si Gaby eh hindi alam ang gagawin kung lalapit ba dun kana Daniel oh mag-stay nalang doon kana Janice. Maya-maya ay napili nalang niya na lumapit pa lalo sa kanilang dalawa.
"Guys bat ang hina ng boses niyo? Ano pinaguusapan niyo?" tanong nitong si Gaby na bumulong rin. Tiningnan lang siya nitong dalawa bago binulungan ni Jennifer.
"Kasi may napapansin kami dito sa kinikilos ni Jas kaninang umaga." sambit ni Jennifer na mahina.
"Alin yun? Wala akong matandaan." sagot naman ng wala parin ka alam-alam na si Gaby.
"Diba kaninang umaga ayaw magpahatid nitong si Jas kay Rosh?" nagsalita narin itong si Janice. Napa-kamot parin ng ulo itong si Gaby dahil hindi naman napapansin na hinahatid ni Rosh itong si Jas. Tapos, naisipan na niyang itanong.
"Kelan pa niya hinahatid si Jas?" napa-facepalm nalang ang dalawa habang si Gaby ay tinitingnan lang ang dalawa at nagtataka parin. Sa buong magbabarkada; siya lang talaga ang pinaka-slow, kaya minsan di nila alam gagawin at hinahayaan nalang nila.
"Teh, matagal ng hinahatid ni Rosh itong si Jasmine. Simula pa nung nakilala natin siya." dagdag nitong si Jennifer.
"Talaga!? Bat di ko napapansin?" sagot naman ni Gaby na medyo na-gulat rin. Napa-iling nalang ang dalawa at sinabi nalang nila sa kanya ng straight to the point.
"Para kasing may iba kay Jas nitong ngayon lang. Parang hindi niya gaanong pinapansin si Rosh." dagdag ni Jennifer.
"At kanina parang di sila gaanong nagpapansinan." sabi naman ni Janice.
"Eh pano sila mag-papansinan eh katext ni Rosh yung jowa niya?" sagot naman ni Gaby.
"Tingnan mo, diba kanina may kumakausap sa kanya kahit katext niya si Elise?" sabi naman ni Jennifer.
"Oo."
"Eh hindi nga niya masagot ng maayos eh. Pero kanina nung si Jas yung kumausap sa kanya, saglit lang niya itong tinanong at naka-focus lang siya kay Jas." dagdag ni Jennifer at medyo napaisip na nga itong si Gaby pero tahimik lang siya at nakinig pa.
"May nabanggit din sakin itong si Jas na parang di-distansya daw muna siya kay Rosh para nga di daw gaanong mag-selos yung jowa nitong si Rosh." sabi naman ni Janice.
"Kelan niya sinabi?" tanong nitong dalawa.
"Kanina nung magkaka-umpukan tayo. Kasi sabi daw sa kanya ni Elise na hindi daw siya komportable na ganun nga. Na babae yung bestfriend nitong si Rosh. Kaya di-distansya daw siya ng konti."
"Eh pano yun, diba nga may gusto itong si Jas kay Rosh?" tanong naman nitong si Gaby.
"Alam mo Gaby naiinis nako ah, matagal na yan parang ngayon mo lang nalaman." pasaring naman nitong si Jennifer pero nagtawa lang itong si Gaby at nag-sorry. Tumingin nalang sila kay Rosh at napansin nila na ganun parin ang mukha nito.
"Apektado siya oh." sabi ni Gaby.
"Kahit ako ganyan, pag-parang di pinagbibigyan ng bestfriend ko." dagdag ni Jennifer.
"May jowa na naman siya eh. Tama lang siguro yung pag-iwas nitong si Jas." biglang nasabi ni Gaby ng biglang siyang kinutusan ni Jennifer.
"Di kaba nakikinig sa sinabi ni Janice? Sige in simpler terms--"
"Wow english, hahaha" singit nitong si Gaby at nagtawa ang tatlo.
"Wag kang magulo. Parang kinausap ni Elise itong si Jas na dumistansya nga kay Rosh. Ayos na?" pagpapatuloy nitong si Jennifer.
"Grabe naman, love triangle na yan. Eh basta, nandito naman tayo para kay Jasmine. Di niya dapat sarilihin yan." biglang nabanggit nitong is Gaby na medyo nag-pangiti sa kanilang dalawa at di nalang nag-salita.
Maya-maya ay dumating na ang professor nila at nagsimula na ang klase nila. Medyo matagal ring nawala yung professor nila; pero bumawi naman ito sa kanila. Hindi agad nag-discuss ang professor nila at medyo pinag-relax niya muna ang mga estudyante niya at tinanong ng tungkol sa holidays nila.
Nagpatuloy pa ang ganito hanggang sa matapos na ang klase at duon tumuloy na sila sa next class nila na siya naman nag-discuss. Halatang medyo bothered parin itong si Rosh dahil kanina pa din niya tinetext itong si Jas kung pede sila maglaro mamaya; pero di siya sumasagot. Lumipas ang oras at ayun nga, uwian na nila.
Nagsama-sama uli ang mag-babarkada habang ito namang si Jas ay nakadikit lang kay na Jennifer. Nagkulitan muna sila hanggang sa mag-hihiwalay na silang lahat. Nag-beso sila at nag-apir naman ang iba.
"Tara na Jas, sabay na tayo." sabi ni Rosh na may ngiti. Ngumiti lang din naman itong si Jas at ng sasagot na ay biglang nag-ring ang phone niya at ang tumatawag ay si Elise.
"Eh teka lang Jas." sambit ni Rosh at lumayo at kinausap itong si Girlfriend niya. Medyo nalungkot itong si Jas at pinagmamasdan lang niya itong si Rosh habang kausap nito si Elise. Nakatingin din lang naman sa kanila itong si Jennifer na kinukulit lang naman nitong si Lance.
Natapos na ang call at lumapit na itong si Rosh kay Jas; "Ano daw yun Rosh?" tanong naman agad ni Jas.
"Ah wala, pupunta lang siya sa bahay mamaya. Tara na ng ma-ihatid na kita." sagot naman nitong si Rosh.
"Di na, umuna kana at nagpapasama itong si Jennifer sakin. May dadaanan lang daw saglit." sagot naman niya, nagulat itong si Jennifer at tiningnan nalang siya ni Jas. Napa-oo nalang itong si Jennifer.
"Oo may dadaanan pako, ayoko maiwan mag-isa kasama itong si Lance eh." sambit ni Jennifer.
"Grabe wala naman akong gagawin sayo noh." sagot naman ni Lance.
"He! Tara na Jas." pag-susungit nitong si Jennifer kay Lance at paghila naman nito kay Jas.
"Sige na Rosh, bye! Ingat ka ah, text nalang kita!" sigaw nitong si Jas. Nakatingin lang naman itong dalawa ni Rosh at Lance bago nag-paalam itong si Lance sa kanya at sumunod na sa dalawa.
Naiwan lang doon si Rosh na napahinga nalang ng malalim at napiling sumabay nalang sa palabas na na sina Sheryl at Austin.
-----------------------------------------------------------------------
Nasa labas na noon itong tatlo ni Jas, Jennifer at Lance. Nasa likod lang si Lance noon habang tahimik lang itong dalawang babae na kasama niya ng bigla ng mag-salita at mag-tanong itong si Jennifer.
"Jas ayos ka lang? Parang biglang iba trato mo kay Rosh ah." tanong niya. Napahinga nalang ng malalim itong si Jas at piniling manahimik nalang. Dahil nga, hindi rin niya gusto ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
All that's left
NonfiksiPaano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana na subukan kung hanggang saan nila kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Ilang mga pangyayari...